Chapter 6✓

666 10 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

  
Pagkapasok namin sa classroom ay nahinto ako dahil sa bulong bulongan ng aming mga kaklase.

   
Yumuko ako papunta sa aking upuan. Naramdaman ko na sumunod rin si Rafael sa akin. Nang nakaupo na ako sa aking upuan ay narinig ko ang sinabi niya.

   

Dito na muna ako tatabi kay Gen, nakangiti niyang sabi sa katabi kung si Joan. Namula naman ang pisnge ni Joan at tumango na lamang.

   
Lumipat si Joan sa upuan kung saan nakaupo palagi si Rafael. Nasa likod ko lamang ang kanyang upuan kaya't hindi ko maintindihan kung bakit gusto pa niyang tumabi sa akin.

   
Hindi pa ba dadating si ma'am?, tanong ko kay Janna. Ma la-late ata ngayon maaga kasing pinatawag lahat ng guro dahil siguro sa papalapit na prom alam mo na nakangiti niyang sabi.

  
Dadalo kaba?, tanong niya.

Siguro..., pero hindi pa ako sure hindi ko pa kasi natatanong sina nanay.

   

Dadalo kami! Sabat naman ni Rafael. Ako ang bahala sa nanay mo Gen. Papayag 'yun ipagpapaalam kita sa kanila.

    

Nairita ako dahil mas inilapit pa niya ang kanyang upuan sa akin. Doon ka nga!, taboy ko sa kanya, at wala kang magagawa kung hindi nila ako payagan.

   
Sumimangot naman siya, basta gagawin ko lahat maka partner lang kita sa prom. Ako ang bahala sa lahat, pati sa nanay mo ako na ang magpapaalam, tutal ako naman ang date mo.

     
Narinig kung tumawa ang isa sa mga barkada ni Rafael sa likod.

Grabe! Alipin ka ni Gen bro? Tanong nung isa. Pupunta na muna kami sa canteen sama ka? At di diretso na kami sa court, practice lang kami. Wala atang papasok ngayun na magtuturo. Matatagalan pa daw sila sabi ni Kobbie, alam mong chismoso ng bayan 'yun.

  

Kayo nalang muna, dito lang ako sa tabi ni Gen. Kaylangan kung bantayan ito para maging akin, at tinuro niya ako ng palihim. Malakas namang tumawa ang kanyang mga barkada. Sige sipagan mo pa bibigay 'din yan.

  
Pwedi ba! Tigilan mo yang mga sinasabi mo, pagalit kung sabi kay Rafael. Natigil sila dahil sa sinabi ko.

Sige bro, mauna na kami mainit ata ulo ng jowa mo ngayon. At tinapik na nito si Rafael sa balikat.

Bakit ka ba sunod ng sunod sa aking Rafael. Kanina pa tayo tinititigan ng mga istudyante!

Nalaman ko kasing mamaya pang hapon matatapos ang mga teacher dahil sa kanilang pina-plano para sa nalalapit na event.

    

May ibibigay ako sayo, hindi ako hihinto sa pagsunod sayo kung ayaw mong sumama sa akin.

     

Pagkatapos nito wag kanang sumunod sunod sa akin ha mas rumarami na tuloy ang mukhang galit sa akin dahil sayo!

      

Ibang sasakyan ang dala niya ngayon mukhang bago ata. Pangdalawahan lang ang pweding sumukay kaya wala na muna siyang driver ngayon. Napansin niya siguro ang pagkamangha ko kaya narinig ko ang sinabi niya.

   

Pag ako jowa muna mas mahal pa dito ang ibibigay ko sayo. He smirked when he saw, how amazed i am.

Che! Hindi ko kaylangan ng pera mo Rafael.

    

Hindi na talaga, dahil sobra sobra pa sa pera ang pagmamahal na pwedi kung ibigay sayo nakangisi niyang sabi sa akin.

       

Ikakabit ko na sana ang seatbelt ng maramdaman ko ang kanyang paglapit sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kanyang hininga sa aking mukha.

   
Ako na..., bulong niya sa akin, siya na mismo ang nagsuot sa akin ng seatbelt. Mabilis niya akong hinalikan sa pisnge na siyang kinagulat ko.

Mabilis ko siyang naitulak, ano ba! Umayos ka nga! Hindi na talaga ako sasama sayo!

  

Sorry na! Na temp lang sabi niya ng may ngiting tagumpay. At dahan dahan na pinausad ang kanyang sasakyan.

   

 At napansin ko, saan nga pala ang driver niya?

🌌🏞️🏜️

   
   

Desiring herWhere stories live. Discover now