Chapter 4✓

774 15 1
                                    

                     •DELIGENCIA•

 
Pumunta na kayo doon sa court sigaw naman ng trainor naming bakla dala dala ang kanyang pamaypay.

Bilis! Bilisan nyo na girls! Wag kayong babagal bagal nakaka stress naman kayo ng beauty!

 
Ipinahiram muna nila sa atin ang court para ma finalize na ang formation nyo! Kaya bilisan nyo na!

Mabilis naman kaming naglakad papunta sa court. Marami silang kasama sa team lahat ay mayayaman at may mga ipagmamalaki rin kung mukha ang basihan.

Nakangiti silang lahat ng nakalapit na kami sa court at pumwesto na sa kanilang harapan. Maliban sa kay Rafael na seryosong nakatingin sa akin.

  

Tumabi ako ng kaunti upang malaman kung sa akin ba talaga siya nakatingin. Napairap ako ng sumunod ang kanyang mga mata sa aking paggalaw.

  

Dinig na dinig ko ang tuwa ng mga kasama kung babae na nasa likod ko at dinig na dinig ko ang kanilang bulongan.

Shit! Sa akin yata nakatingin si Rafael! Si Jason rin! Ang gwapo talaga ni Josh! Natutuwang sabi nila, basta si Rafael ang sa akin sabi naman ni Trisha, na kung saan nasa gilid ko naka pwesto. Apat kaming nasa pinaka harapan at kami ni trisha ang nasa gitna.

   
Hubarin ninyo ang mga damit nyo kung ayaw nyong mag amoy pawis ang mga iyan ang aarte nyo pa naman! At baka may matumba sa inyo at madumihan! Maarteng sigaw ng trainor namin.

 
Hubad! Sigaw ng trainor namin, dahan dahan kung kinalas ang suot  kung uniform dahil baka madumihan, ito pa naman ang nag-iisa kung uniforme. Nang tuluyan ko ng mahubad ang aking pangitaas ay nag si bulongan ang mga lalaking nasa harapan namin. Naiwan ang kulay puti kung sando. Medyo makapal rin naman ito pero dahil narin sa suot kung bra na kulay pula ay nagiging visible ito.

  
Napasingap ang bakla naming trainor na nasa harapan ko na ngayon na kung saan nakapameywang.

Ang sexy mo pala Gen, ang laki ng hinaharap mo! Pwedi kitang gawing modelo o pwedi kitang isali sa mga pageant malaki ang potential mo. Nakangisi nitong sabi. Nakakainis ka naman ang ganda ganda mo na ang sexy sexy pa ka ingit! Pagalit niyang sabi pero nakangiti naman.

 
Sige start na tayo! Sigaw ng trainor.

Pasikat talaga bulong ni Trisha. Nang tinignan ko siya ay nakasando rin naman. Malaki talaga ang aking dibdib dahil narin siguro ay namana ko ito kay nanay. Maputi ang aking balat na walang kahit anong gasgas.
Maliit ang aking baywang at malaki ang aking balakang medyo may katangkaran rin ako. Brown ang kulay ng aking mata na namana ko kay tatay may dugong banyaga si tatay pati narin si nanay.

Natigil ang bulong bulongan ng tumayo si Rafael at mabilis na kwenilyuhan ang isa sa mga kasama niya. Malakas niya itong sinuntok sa mukha dahilan ng pagsigaw ng mga babaeng kasama ko. Mabilis naman silang inawat ng iba pa nilang kasama.

  
Wag na wag mo siyang mababastos! Kung hindi mas higit pa diyan ang aabutin mo! Galit na sigaw ni Rafael sa lalaki.

Tumulo ang dugo sa labi ng lalaking sinuntok niya. Tinulak niya ang mga humawak sa kanya. Rafael is tall, compared to his teammates. At mas malaki rin ang kanyang pangangatawan kumpara sa kanila.

 
Lumapit siya sa akin at kinaladkad ako papunta sa bench kung nasaan naroon ang kanyang mga gamit. Hindi ako makagalaw at makapagsalita dahil narin sa gulat ng kanyang ginawa. Bakas sa kanyang mukha ang galit.

 
Bakit pa kasi naghubad pwedi namang hindi na.... psstttt.

May sinasabi ka? Tanong ko sa kanya.

Obvious ba...bulong niya ulit.

 
Huy rinig na rinig kita! Bitawan mo nga ako at bakit ba galit ka! Hinubad ko yon dahil baka madumihan, isa lang ang uniforme ko! Epal mo talaga!

 
Pwedi namang bumili nalang, at wala kabang dala na pwedi mong pamalit! Galit niyang sabi.

 
Huy Rafael! sabi ko sa kanya pagkatapos ko siyang bigwasan. Hindi kami mayaman katulad nyo! Na pweding pwedi bumili kahit anong gusto! Bitawan mo nga ako kanina ka pa ah! Namumula na yung braso ko!

 
Tinignan niya ito, at ng makita na mahigpit ang kanyang pagkakahawak ay binitawan niya ito.

Sorry na..., Bibilhan nalang kita ng pamalit mo, he sounded calm now.

Baka humupa na ang galit. Pero papaano nayung sinuntok niya?

🌌🏞️🏜️

 

Desiring herWhere stories live. Discover now