Chapter 11✓

469 10 1
                                    

                   •DELIGENCIA•

  
Nakaupo ako ngayon sa upuan habang inaaral ang aming leksyon. Pagkatapos kasi ng Prom ang huling exam naman ang susunod.

   
For you, nagulat ako ng makita si Rafael sa aking harapan na may dalang bulaklak.

   
Naalala ko ang sinabi ni nanay at tita kaya naman nakangiti ko itong tinanggap.

Salamat Rafael, at ngumiti ako ng napakatamis. At ng inilahad niya ito sa akin ay nagtindigan ang aking balahibo dahil sa paraan ng pagkakabigay niya. Parang manyakis niyang hinaplos ang aking kamay. At nairita ako sa gwapo niyang mukha na ngiting ngiti.

  
  
Para saan to? Tanong ko sa kanya na tinutukoy ang bulaklak. Kaunti nalang kami ngayon sa library dahil malapit ng maghapon.

  
Tinatanong paba 'yun i diba pag date mo sa prom yung babae, kaylangan mong bigyan siya ng bulaklak. Kaya ito binibigyan kita ng bulaklak maganda at mabango yan, at  kapareha din yan sa bulaklak na gusto ni mommy mahangin na sabi niya.

  
Salamat, ah..., uuwi na pala ako sige mauna na ako.

Ah..., ako na ang maghahatid sayo mabilis niyang sabi.

Pumayag akong ihatid niya, pero hindi ko na pinayagan na pumunta pa siya sa bahay.

  
Ang ganda ganda naman pala ng damit na ibinigay ni Rafael sayo Gen nakangiting sabi ni tita. May sandals pa at mga alahas pwedi natin tong ibenta siguro.

  
Wag na sayang naman sabi ni nanay, kay Gen to ibinigay kaya siya ang masusunod.

   
Kaya dumikit ka lang diyan sa Rafael na 'yan Gen malaki ang magiging pakinabang niyan sa atin sabi ni tita.

   
Yung sabi ko sayo Gen, paibigin mo yang Rafael nayan at ang sinasabi kung kayamanan na pwedi mong makuha.

   
Sinukat ko ang damit dahil narin sa kadahelanan na gusto nina nanay akong makita na suot ito. Mas naging hipit pa ito sa aking katawan dahil siguro sa adjustments na nangyare.

   
Anak ikaw ba yan? madramang sabi ni nanay. Bakit naman ganyan ka kaganda.

Alam mo Gen pweding pwedi ka maging modelo o artista sa ganda mong 'yan sigurado sisikat ka! Natutuwang sabi naman ni tita.

  
Pag lumuwas ka pa maynila at doon ka mag-aaral pagka college mo tiyak na ma di-discover ka.

Katulad ni Teddy diba nung nag college siya sa maynila napansin rin ang ka gwapohang angkin kaya't kinuha rin siyang modelo.

 
Pero may kaya sina Teddy tita, at hindi niya gustong maging modelo kaya tumanggi siya diba? Simula kasi ng sinabi 'yun ni Teddy ay sobrang natuwa si tita dahil noon paman ay nabgwagwapohan na siya kay Teddy at nakikitaan na niya ito ng potential na maging sikat na modelo.

 
Oo alam ko 'yun, at kilala ko si Teddy hindi 'yun mahilig doon.

Pwedi rin naman si Rafael gwapong bata din 'yun sabi ni nanay. Pag iyon nag-aral sa isang sikat na universidad sa maynila tiyak na mapapansin 'yun.

 
Nagugulohan namang tinignan ni tita si nanay. Eh ba't parang gusto mo na ata si Rafael ate? natatawang sabi ni tita.

Mukhang hambog! At ang laki ng katawan pero alam ko sa gym niya iyon nakukuha. Alam mo naman ang mayayaman hindi marunong sa gawaing mahirap, nag-aalsa ng barbel sa gym, eh pwedi namang sa sakahan na sila tumulong diba?

 
Kahit si Teddy hindi gaano kalaki ang katawan kung ikukumpara mo doon sa Rafael na iyon. Pero sa sakahan niya iyon nakuha dahil tumutulong siya doon sa kanilang sakahan kaya saludo ako sa batang iyon proud na proud na sabi ni tita na para bang anak niya ito.


  

Desiring herWhere stories live. Discover now