Chapter 17✓

384 6 0
                                    

                    •DELIGENCIA•

  
Nakababa na ako ngayon sa sasakyan ni Rafael ng mapansin na parang walang tao sa loob ng bahay.

  
Hindi paba nakauwi si nanay? Tanong ko sa aking sarili.

  
Naramdaman ko ang pag-hawak ni Rafael sa aking kamay. Napabuntong hininga ako at ibinaling sa kanya ang aking atensyon.

  
Salamat pala sa paghatid at sa lahat tukoy ko sa damit at iban pa niyang ibinigay sa akin. Wala yun, sabi niya habang pinipigilan na sumilay ang kanyang ngiti.

 
Napakamot siya sa kanyang ulo,

Ahh..., pumasok kana, aalis ako pag nakapasok kana, sabi niya sa akin.

 
Sige..., sabi ko sa kanya, at mabilis na hinalikan siya sa pisnge. Naramdaman ko ang kanyang pagkagulat dahil sa aking ginawa na siyang nagpatawa sa akin.

 

Sige na, at tumalikod na ako para makapasok sa bahay. Nang nasa pinto na ako ay kinawayan ko siya para makauwi na siya. Mahirap na pag masyado ng kabi sa daan baka kasi maaksidente.

 
Nakatingin ako sa kanya na nag flying kiss pa ang loko. Nakita ko ang pag andar ng kanyang sasakyan paalis doon.

 
Tapos na akong mag luto ng makita na wala pang nakasain sa pagdating ko. Naisip ko kasi na baka may lakad sina nanay at mas gabi pa makauwi.

 
Pero kanina pa si nanay wala ah...,

Naputol ang aking pag-iisip ng makita ang pag-bukas ng pinto.

Nadito ako ngayon sa sala habang inaaral ang aking mga leksyon. Naisip kung mag basa ngayon dahil wala pa naman sina nanay. At sa susunod na araw na ang huli naming exam.

  
Pagkabukas ng pinto ay rinig na rinig ko ang galit sa boses ni tita habang bakas naman sa mukha ni nanay ang galit.

  
Mga walang hiya talaga! Magagawa niya talaga ang gusto niya dahil sa yaman nila! Mga tuso at masasama talaga ang pamilyang iyan!

  
Nay? Ano pong nangyare? Nag-aalala kung tanong sa kanya.

Kumuha ka muna ng tubig doon Gen, sabi ni nanay habang inaalalayan paupo si tita habang taas baba ang dibdib dahil sa galit.

  
Nagmamadali akong kumuha ng tubig para maibigay kay tita na hanggang ngayon ay hindi parin humuhupa ang galit.

  
Gen! Malakas na sabi ni tita sa akin. Wag kang paloko sa Rafael nayan ah! Tignan mo ngayon may malaki na namang kasalanan ang pamilya niyang ginawa sa atin!

  
Mawawala na sa atin ang lupain na pinaghirapan nating palaguin. Paano na tayo mabubuhay ngayon doon lang tayo umaasa! Umiiyak na sabi ni tita habang tahimik naman si nanay na umiiyak sa kanyang tabi.

  
Ano po ba ang nangyare? At sino naman po ang kukuha sa lupain natin? Naguguluhan kung tanong sa kanilang dalawa.

 
Eh....sino paba....kundi ang pamilya ng El Grego, Gen! Niluko na naman nila ako! Kaya mawawala na sa atin ang lupa natin ngayon.

 
Mga walang hiya sila! Ginamit nila ang kapangyarehan nila para mapilitan akong ibigay sa kanila iyon noon!

 
Nangako silang hindi na tayo gagambalain. Pero ano to ngayon, yung lupain na iyon na lamang ang may roon tayo. At mawawala pa umiiyak na sabi ni nanay.

 

Pumasok agad sa aking isipan si Rafael.

Galit ang aking nararamdaman habang nadito ngayon sa aking harapan ang dalawa kung mahal sa buhay habang umiiyak dahil sa lupain naming mawawala na sa amin. Dahil sa pamilya niya, ang pamilya niyang hindi man lang nagbago.

 
Gagawin ko ang lahat makaganti lang sa pamilya niya, at siya ang paraan ko upang magawa iyon. Wala na akong paki kung masaktan ko man siya katulad ng ginawa ng pamilya niya sa amin.

 
Kaylangan kung makuha sa kanila ang lupain at si Rafael ang gagawa 'nun para sa akin. Para sa amin.

 

  

  

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon