Chapter 3✓

1K 13 0
                                    

                   •DELIGENCIA•

  

Gen, kakain na! Sigaw ni tita sa akin galing sa ibaba. Maliit lamang ang aming bahay kaya maririnig mo kung may sisigaw.

Upo, bababa na po ako sigaw ko pabalik. Mabilis kung inilagay sa kahon ang pera kung naipon at pagkatapos tinabunan ito ng nakatupi kung damit.

 
May plano akong bilhan si nanay ng cake sa kanyang kaarawan, at kung may sobra pa ay bibilhan ko rin siya ng damit dahil masyado ng luma ang kanyang mga isinusuot at may mga butas butas narin ang iba.

  
Sa pananim naming mga gulay lamang kami umaasa. Si nanay paminsan minsan ring naglalaba sa iba para may extra kita. Si tita ay iyon din ang ginagawa. May mga alaga naman kaming mga manok kaya nakakatulong din iyon. Mahal na kasi ang kilo nito sa bayan.

  
Nasa mesa na kami ng ibinangit ni tita ang pangalan ni Rafael.

Gen, totoo bang kaklase parin kayo ng nag-iisang anak ng mga El Greco. Rafael daw ang pangalan diba? Tanong ni tita sa akin.

Ahh..., Opo tita. Mahina kung sabi.

  
  
May nakapagsabi sa amin ng nanay mo na umaaligid daw sayo ang Rafael na iyon. Totoo ba iyon? Alam namin na maganda kang bata kaya hindi malabo na magustohan ka 'non.

 
Ah..., hindi po totoo 'yun, marami pong nagkakagusto dun' kaya malabo na magkagusto 'yun sa akin. Mabilis kung sabi.

  
  

Ito ang tandaan mo gen, sila ang may kasalanan kung bakit pumanaw na ang iyong tatay. Sabi naman ni nanay.

 
Mga walang puso ang mga El Greco. Makapangyarihan sila dahil sa kanilang pera mga tuso ang mga iyan. Nagawa nga nilang lusotan ang nangyari sa menahan kahit alam ng lahat na sila naman talaga ang may kasalanan.

   
Opo nay, maliit pa lamang ako ng namatay si tatay noon. Dahil sa kanila ay lumaki ako na walang tatay sa tabi.

  
Kaya pag nagkaroon ka ng pagkakataon na magamit iyang anak nila gamitin mo. Paibigin mo pagkatapos ay iwan mo para masaktan. Alam namin maganda ka at pwedi mong ipagsigawan iyan sa lahat dahil totoong totoo iyon. Kaya hindi malabo na magustohan ka ng Rafael na iyon. Masiglang sabi ni tita.

Iwan ko ba, 4th year student pa ako sa highschool. Pero iyan na ang iniisip nila ni nanay.

  
Iyan ang isa sa mga rason kung bakit ayaw kung makita kami ni Rafael. Baka mas lalong ipagpilitan nina nanay ang gusto nilang mangyari. Galit ako sa mga El Greco pero naniniwala ako na walang kasalanan doon si Rafael. Mabait siya sa lahat lalo na sa akin. Kaya ayaw kung ibuntong sa kanya ang galit namin dahil sa maagang pagpanaw ni tatay.

   
Pagkatapos kung maghugas ng pinagkainan ay isa isa kung pinag-aralan ang aming leksyon. Kaylangan kung sipagan sa pag- aaral upang hindi matangal sa scholarship na ibinibigay ng aming paaralan.

   
Pumasok sa aking isipang ang mga nangyari noong nakaraang araw.

Nasa basketball court ang mga basketball player namin kung saan sila nag iinsayo. Nalalapit na ang intramurals kung saan may iba't ibang school kaming makakalaban.

  
Ayaw ko sanang sumali ng cheerleading squad. Dahil narin hindi ko hilig ang pagsasayaw. Kaya lang pinilit ako ng aming guro para sumali. Dagdag puntos narin daw iyon at may matatangap rin kaming parangal sa aming convocation.

 
Kaylangan kung mapanatili ang pwesto ko bilang pinakauna sa listahan ng matatalino sa buong paaralan. Upang mapanatili ang pagiging scholar. Kaya't lahat ng pweding salihan para makapuntos ay sasalihan ko kahit alam kung mahihirapan ako.

 
Nasa field kami kung saan malapit ito sa court kung saan nag iinsayo ang mga player ng basketball kung saan captain si Rafael.

  
Huminto muna sila saglit upang magpahinga kaya naman lahat ng kanilang mata ay tutok sa amin.

Marami ang natuwa sa mga kasama ko. Pero hindi ko maiwasang mailang dahil narin sa maikli naming skirt na suot.

Yes...,manood na sila sa atin! Tignan nyo si Rafael ko, dito siya nakatingin patili na sabi ni Trisha isa sa mga nagkakagusto kay Rafael.

🌌🏞️🏜️

 

Desiring herWhere stories live. Discover now