Chapter 27✓

297 4 0
                                    

                    •DELIGENCIA•

 
Nadito ako ngayon sa loob ng kanyang sasakyang habang inaantay siyang matapos bumili.

 
Nauhaw kasi ako kaya bumili na muna siya ng maiinom ko. Tinanong ko lang naman siya kung may tubig ba siyang dala. At ng sinabi kung nauuhaw ako ay inihinto niya ang sasakyan sa gilid malapit sa isang seven eleven.

 
Tanaw ko siya habang palabas. Kita ko din ang pag sunod ng mga titig ng mga kababaihan sa kanya.

 
Umikot siya sa sasakyan para makapasok. Ito tubig may juice narin at softdrinks pili kalang kung ano diyan ang gusto mo.

 
May burger din diyan, baka kasi nagugutom ka tukoy niya sa isang puting supot.

Ah..., sige salamat sabi ko sa kanya.

 

Binuksan ko ang juice at ininuman iyon. Gusto mo sabi ko sa kanya.

Ayos lang ba? Tanong niya sa akin.

 

Oo naman, nakita ko ang pag ngisi niya. Dahan dahan kung inilapit sa kanyang bibig ang juice.

 
Nang nakainom na siya ay tinakpan ko ulit ito para hindi masayang. Kinain ko ang burger dahil narin nagutom ako.

Gusto mo? Subuan kita? Tanong ko  ulit sa kanya.

  
 
Tumango siya. Kaya't inilapit ko ito sa kanyang bibig at kumagat nga siya. Pagkatapos ay pinunasan ko ang kanyang bibig dahil may dumi ito.

 
Pagkatapos kung kainin iyon ay iniligpit ko para hindi na madumihan ang kanyang sasakyan.

Rafael pwedi bang magtanong?

Tumango siya habang nagmamaneho at lumingon pa talaga sa akin. Mata sa daan mabilis kung sabi sa kanya dahilan para ibalik niya ang tingin sa daan.

 
Yung sa lupa doon sa amin. Alam mo ba na pag-aari niyo :yun? Tanong ko sa kanya.

 
 

Ah...,Oo parte din yun ng lupa namin. Bakit? May problema ba? Nahimigan ko ang pagtataka sa kanyang boses.

  
Ah..., wala naman kasi sa titulo..., mabilis kung tinakpan ang aking bibig dahil sa nasabi. Baka magtaka siya at magalit kung tinanong ko siya para doon.

  
Pero naisip ko ang kapakanan ng aking nanay at tita. Kami rin naman ang maghihirap kung hindi ko makuha ang titulo ng lupa.

  
Yung lupa kasi na sakahan namin kinuha ng tito mo, sabi ko sa kanya ng diretsyo para hindi na mautal.

 
Lumingon siya sa akin.

Talaga? Sa pagkakaalam ko pinapagamit naman ni papa ang mga lupain na iyon. Sa mga taong gustong gumamit non.

 
Hindi na kami pinayagan na magsaka pa ulit doon malungkot kung sabi sa kanya sinusubukang magpaawa.

 
I'll ask my dad about it. Sabi niya.
I'll also ask my tito. Gusto mo ba ang lupang iyon. Pwedi kung ibigay iyon sayo. Seryoso niyang sabi.

  
 
Talaga? Napalakas ang aking boses dahil narin siguro sa tuwa.

Ah..., Oo naman anything for you love.

 

Salamat tagala at hindi ko
napigilan na halikan siya sa pisnge.

At pagkatapos 'nun ay hindi na ulit kami nag-usap pa tungol doon.

  
Bukas ang pinto ng bahay kaya hindi na ako kumatok pa. Nasa likuran ko si Rafael nakasunod sa akin.

 
Nay? Tita? Nadito napo ako. Nakita ko ang panglalaki ng mata ni nanay ng makita si Rafael sa aking likuran.

Pasok ka Rafael, magalang na sabi ni nanay.

Magandang hapon po sa inyo magalang rin na sabi ni Rafael kay nanay.

 
Nay, may sasabihin po ako sa inyo. Naputol ako sa aking sasabihin ng makita ko na lumabas si tita sa kusina kasama si Teddy sa likuran na may bahid ng pagtataka ang mukha ng makita si Rafael na nakaupo kasama ako.

 
Mas humigpit ang pagkakahawak ng kamay ni Rafael sa akin ng makita si Teddy. Umigting ang kanyang panga dahil sa galit.


 







 

Desiring herWhere stories live. Discover now