Chapter 23✓

335 5 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

 
Pagkatapos namin kumain ay inihatid ko na si Teddy sa labas.

 
Mag-ingat ka sa daan ah. Wag masyadong mabilis ang takbo, para iwas aksidente.

 
Yes..., po nay, pabiro niyang sabi.
Salamat sa paalala, basta yung sinabi ko ha? Wala ng sekreto, nakangiti niyang sabi.

  Oo, sige na baka mas lalong gabihin kapa sa daan. Kumaway siya sa akin at pumasok na sa kanyang sasakyan.

 
Napabuntong hininga na lamang ako at pumasok na sa loob ng bahay.  Pagkatapos kung hugasan ang pinag-kainan at maglinis ay naligo na ako para makapagbihis.

 
Pagkatapos kung magbihis ay sinimulan ko ng pagtuunan ng pansin ang aming mga aralin. Malapit na ang exam kaya mas maaga akong nag aral para hindi ko to makalimutan.

 
Dumaan ang sabado at lingo. Bumisita ulit si Teddy sa sabado. Tumulong kina nanay sa mga pweding gawin. At sa gabing iyon  ko naman pinag-aaralan ang mga leksyon.

 
Nay? ang mga pananim nga pala natin di po ba natin kukunin sayang naman.

Ah..., na harvest na namin ng tita mo. Buti naman pumayag sila.

 
Pumasok muna ako sa Karinderya ni Sita, taga-luto doon. Dagdag kita narin 'yun. Malapit kanang gra-graduate  kaya mas madami ang bayarin.

Kaya Gen, mas mabuti kung makuha muna yung titulo ng lupa ng mas maaga para di na mahirapan ang nanay mo sabi ni tita.

 

Opo gagawin ko po iyon. Tipid kung sagot.

Basta ang isipin mo lang Gen na mas mapapagaan ang buhay natin kung nasa atin yung lupa. At makakaganti narin tayo sa kanila.

 
Kahit sa apo man lang ng mga El Grego. Nag-iisang apo yan nila kaya't.

Napahinto si tita ng tinawag siya nanay.

  

 
Mabilis akong naglalakad patungo sa aming silid. Mas maaga ako ngayon dahil maaga rin si Teddy. At alam rin niya siguro na ngayon ang huli naming exam.

 
Kampante ako lalo't napag-aralan ko ng maigi lahat ng aming naging leksyon. Paulit ulit ko itong binasa para narin hindi ko ito makalimutan.

 
Wala pa si Rafael pagkapasok ko. Nasa sampo palang kami ang nasa loob. Nag-aaral sila sa kanilang upuan ang iba naman ay naglilinis muna bago mag-aral.

 
Pagkaupo ko ay nagbasa ulit ako para masigurado na wala akong nakaligtaan. Naramdaman ko na may humalik sa aking pisnge. Dahil sa aking gulat ay muntikan na akong matumba sa aking upuan.

 

Mabuti't nalang ay nahawakan ito ng humalik sa akin. Nang tignan ko kung sino ay nakita ko ang nakangising si Rafael.

"Magugulatin pala ang mahal ko," sabi nito habang nakangiti parin sa akin.

Bakit kaba kasi nanghahalik ng hindi ko alam. At diba ang sabi ko sayo wag mo akong masyadong lapitan lalo't lalong wag mo akong hahalikan. Nadito ang mga kaklase natin. Mahina kung sabi sa kanya.

May mga kaklase tayo dito sa loob, bulong ko sa kanya ng mariin. At napabuntong hininga ako ng makita na walang nakatingin sa amin. Mabuti nalang abala ang lahat sa pag-aaral.

 
Malapit na naman nilang malaman. Pagkatapos ng exam malalaman 'din ng lahat ang tungkol sa ating relasyon. Makabuluhan niyang sabi sa akin.

 
Umalis kana nga, nag-aaral pa ako taboy ko sa kanya. Sige na taboy ko ulit sa kanya.

Sige pagbibigyan kita total malapit na naman nilang malaman. Naupo siya sa upuan na nasa aking likuran.

Tinignan ko ulit ang mga kaklase ko, kung may nakatingin ba. I felt relief, dahil mukhang wala naman ni isang nakapansin sa kanila.


  
 

Desiring herWhere stories live. Discover now