Chapter 20✓

414 3 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

  
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng sinagot ko siya. Walang nakakaalam na kami na dahil 'yun ang gusto ko.

  
Ayaw kung maagaw ang atensyon ng lahat ng babae na may gusto sa kanya. At sa ganung paraan walang masamang mangyayare sa akin.

   

At agad ko namang ititigil to pag nakuha ko na ang gusto ko. Siya na ang naghahatid sa aking pauwi dahilan upang maitago ko ang pera na para sana sa pamasahe. May pinag-iipunan din ako at 'yun nga ang palapit na kaarawan ni nanay.

  
Gusto niyang sunduin ako sa umaga pero hindi na ako pumayag. Naroon naman si Teddy kaya hindi na siya kaylangan. Naalala ko tuloy ang mga sinabi ni nanay sa akin kagabi.

 
Narinig niya kami na nag-uusap ni tita para doon sa plano ko. Well ang totoo plano namin 'yun ni tita. Ayaw niya kasing malaman ni nanay dahil hindi daw ito papayag sa aming gagawin.

   
Gen..., alam mo ba ang pinasok mo? Tinanggap mong makarelasyon ang lalaking 'yun? Alam mo ba ang pamilya nila Gen?! Pasigaw niyang sabi at bakas doon ang galit.

    

Ate, kumalma ka sabi ni tita. Ako ang nag-isip 'nun kaya walang kasalanan si Gen. Ate, kaylangan natin ang lupain na iyon. Pangungumbinsi ni tita kay nanay.

  
Malaki na si Gen, alam na niya ang ginagawa niya. At matalino siya kaya magagawan niya ng paraan 'yun.

 
  
Alam mo ba ang sinasabi mo? Galit na tanong ni nanay kay tita. Gagawin mong paing si Gen? Ha? Doon sa lalaking 'yun na galing sa pamilya ng demonyo at mga tuso!

   Tama na po! Nay, alam ko po ang ginagawa ko. At hindi ko naman hahayaan na malagay ako sa alanganin. At iyon naman po ang gusto ninyu diba? Ang gamitin siya? Ginagawa ko lang ang utos ninyu. Pagkatapos kung sabihin iyon ay umakyat na ako sa itaas. I spent hours crying that night.

Sa umaga ay nag-usap ulit kami ni nanay. Ayaw kung may hindi kami pagkakaintindihang dalawa.
 
 

Mabait po si Rafael kaya hindi naman niya siguro ako sasaktan. At pag nakuha ko na ang titulo ng lupa. Sasabin ko na naman agad sa kanya na tapos na kami.

  
At tatanggapin niya iyon sa ayaw at sa gusto niya. Ayaw mo ba non, makukuha na natin ang lupain nakaganti pa kayo. Isa sa El Grego ang masasaktan.

  

Pero hindi naman siguro seseryosohin ni Rafael 'yun pag nagkataon kaya papalampasin niya iyon. Marami ang nagkakagusto sa kanya kaya may pangpalit agad siya sa akin.

  
  
  
Pero Gen, si Teddy ba? Tanong niya. Nay, wala po kami ni Teddy magkaibigan lang kami. Mabait lang po talaga siya simula noong mga bata pa kami. At hindi ako ang gusto 'nun.


   
Marami pa kaming pinag-usapan ni nanay pero kalaunan ay pumayag na naman ito basta't mag iingat lang daw ako.

   
Naniniwala rin siyang hindi mananakit si Rafael pag nagkataon.

  
"Ayos ka lang?" Tanong ni Rafael, he sounded concerned.

Nadito kami ngayon sa library para mag review sa nalalapit naming exam.

  

   
Pagkatapos ng exam doon ko na siya tatanungin about doon sa lupa.

Ayos lang ako, may naalala lang. I smile to assure him.

   

Hinalikan niya ako sa pisnge na siyang ginagawa niya palagi. Simula ng sinagot ko siya.

    

Kinurot ko naman ang kanyang tagiliran. Diba sabi ko sayo, baka may makakita sa atin. Nadito tayo sa library kaya tumigil ka bulong ko sa kanya.

   
Hindi ko alam kung bakit gusto mong itago na boyfriend mo ako. Nahihiya kaba sa akin? nagtatampo niyang sabi.

   
Natawa naman ako dahil doon. Ayaw ko kasing magalit sa akin ang lahat ng babae dito. At hinawakan ko siya sa kamay para makita niya na seryoso ako sa aking sinasabi.

  
    

  

  

  

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon