Charotera 16

19.5K 576 61
                                    

A/N: Woot woot! Natapos ko yey! Akala ko hindi ko matatapos eh. Nawawalan na ko ng pag-asa, haha! Buti na lang pinilit kong tapusin. Yey. Sana magustuhan nyo.

Btw dedicated pala to sa friend ko na si Chini. Hey Chini, as promised, sayo yung chapter 16. fav number mo diba? Or anniv nyo? tama ba? hahaha! Sana matuwa ka sa chapter na to. Mwah!

O sya, di ko ulit naedit ha, kayo na bahala kung may mali dito.

PS, gusto ko yung song sa media box, haha! sana may kumanta non para sakin, o kung wala, ako na lang yung kakanta, hahaha!

===============================================================

PRINCESS' POV:

"Ang gwapo mo ngayon beks ah! Nakakainlove. Excited ka sa date mo?" nakangiting tanong ko sa nakabusangot na si Marlo.

Syempre, sinagot lang nya ko ng irap. Alam naman kasi nating lahat na sapilitan 'tong date na to. At hindi lang din naman si Marlo yung walang ganang pumunta eh. Pati ako. Hello, eh hindi ko nga sure kung sino yung ka-date ko na yon. At papano nga kung tama yung hinala namin na si JAM yon? Nakakexcite oo, pero nakakatakot din kase ndi ko naman sya kilala diba? Papasa syang stalker sa dami ng alam nya tungkol sakin. At isa pa, ayoko ngang basta-basta ibigay 'tong first date ko na 'to sa taong hindi ko naman gusto. Ang shunga kasi nung Maine na 'yon eh, kung hinarang nya yung last na caller, eh di sana, kami yung magka-date ngayon. Uhm, kung yayayain nya ko.

"Fi, spluk mo nga sakin yung totoo, baliw ka ba?" nakataas ang kilay na tanong sakin ni Marlo.

"At bakit mo naman natanong yan?"

"Kasi kanina, kuntodo smile ka, inaasar-asar mo pa nga ako diba? Tapos ngayon, bigla kang nakasimangot dyan. Aba nakakatakot yan ha!" naiiling na sabi nya.

"Bigla ko lang kasing naalala na hindi lang pala ikaw yung may ayaw nito. Pati pala ako. Hello beks, first date ko to. Tapos sa hindi kilalang tao? Diba nakakaiyak?"

"Sus, wag kang mag-inaso dyan beks. At least ikaw, lalaki yung ka-date mo, eh ako? Merlat beks! Hindi ko bet! Baka magkulutan kami sa date namin!" parang diring-diring sabi nya.

Bigla naman akong natawa sa sinabi nya. Naimagine ko kasi yung sinabi nya na magkukulutan sila. Ano kayang klaseng date yon? Luka-luka talaga tong bading na 'to.

"Harujosko, ayan na nga ba yung kinakatakot ko Fi. Nabaliw ka na ng tuluyan. Ano na, sabihin ko na lang kay Joel na hindi tayo makakaattend kase dadalhin pa kita sa mental institution?"

"Beks kaya kong mag-isa, wag mo na kong samahan kase may DATE ka pa"

"Sana biglang magtext yung bestfriend mo na hindi tuloy no? Naku, mahahalikan ko talaga sya"

"Harapan 'to beks?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

"Wow, makaganyan ka parang hindi natin alam pareho kung sino na yung gusto mo eh no?"

Ako naman yung umirap lang sa kanya. Pinaalala pa nya yung babaeng yon na hindi man lang nag-aksaya ng piso para lang itext ako at batiin ngayong araw. Ni hindi nga nagpaparamdam. Nakakaloka. Kung nagtitipid sya at wala syang planong i-date ako, o bigyan ng kung ano, okay lang naman sakin. Pero sana naman binati nya ko diba? Buti pa si Joel kanina, kahit GM lang, nakareceive ako ng text message.

"Di pa rin nagpaparamdam no, kaya ka ganyan?" natatawa pang sabi nya.

"Beks, nakakaloka ka. Ni hindi man lang ako magawang batiin ngayong araw? Ni ha-ni ho wala!"

"Eh beks, malay mo nga diba walang load kaya hindi ka natawagan o natext."

"Viber? Line? Kakao Talk? Whatsapp? Wechat?"

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon