DENOUEMENT

3.5K 187 49
                                    

Matthew 28:20

I will be with you always even unto the end of the world.

Tunay na mahiwaga ang buhay pagkat ito ay hinubog ng pagmamahal. Ang lahat ay nalikha at sinimulan dahil sa pag-ibig. Ngayon ay lubos niyang naunawaan ang halaga nito. Sa milyong binhing pwedeng ipunla sa sinapupunan niya, ang sanggol na kanyang pinagmamasdan ngayon ang matagumpay niyang nailuwal. May dahilan ang Diyos. May layunin.

Pinatakan niya ng maliit na halik ang nakabalot na kamay ng anak habang dumedede ito sa kanyang dibdib. Becoming a mother completed her as a woman. The shifting of her emotion after giving birth is overwhelming, until now that she is holding the baby. While everyone is fast asleep, she can't stop watching this wonderful little angel. The gift from God. The real binding between her and Aguiluz.

Nginitian niya ang asawa na pumasok sa kwarto bitbit ang isang tray. Ngumiti ito pabalik. Triple na ang pagiging maalaga nito sa kanya. Tuwing nagpapadede siya ay hindi ito mapakali sa paghahanda ng makakain niya para laging may laman ang kanyang sikmura.

Nilapag nito sa mesita ang tray at lumapit sa kanya. Sinalat ang kanyang noo.

"Wala ka nang sinat, mabuti naman." Nalipat ang tingin nito sa sanggol at pumungay ang mga mata.

"Tulog na ulit siya."

"Ilipat mo muna sa kama para makakain ka."

Tumango siya at maingat na ibinaba ang anak sa higaan. Nakaalalay sa kanya ang asawa. Dalawang linggo na mula nang makauwi sila galing hospital. Noong araw na iyon ay nakahabol pa si Aguiluz sa kanya habang nagli-labor siya sa loob ng delivery room. Siguro'y naghintay din talaga ang sanggol dahil pagdating nito ay sunud-sunod na ang contraction. Mas sumidhi ang pag-usod ng bata sa loob ng tiyan niya papunta sa kanyang pwerta.

"Have some of this while it's warm." Ibinigay sa kanya ni Aguiluz ang bowl na may mainit na vegetable soup.

May grain cracker din, cherry tomato at fruits. Easy to digest but good for nursing mothers. Natatawa na lang siya tuwing naiisip na nag-aral pa itong mag-bake ng lactating cookies. Nagawa nitong isingit iyon sa kabila ng mahigpit nitong schedule sa trabaho at sa pag-aalaga sa kanya.

"Here, it was forwarded to me last night from the main headquarters of Collumbus. It's a greeting." Ipinakita nito ang video sa tablet mula sa mga kasapi ng Knights of Collumbus. Pinangungunahan ng Head Knight na si Clavius.

"Padalhan mo sila ng picture ni baby," sabi niyang nakangiti.

"Later," tango ng lalaki at itinabi ang tablet. "Can you check the preparation for the house warming and baby shower party? Sinabi ko sa event coordinator na ilatag para makita mo. Baka may gusto kang idagdag o kaya ay baguhin."

"Titingnan ko mamayang umaga. Naipadala na ba lahat ng invitation?"

"Leah and Mary took care of sending out the cards." Hinaplos nito ang kanyang pisngi sa likod ng kamay. "I haven't tell you this properly, to me you are infinite. The happiness you gave me makes everything around easy."

Nahinto siya sa pagnguya ng sliced apple at tumitig sa mga mata ng asawa. Her heart melted while pulling a string connected to her tears. If she is infinite, so is he. Alam niyang sa paglipas ng maraming taon ay darating ang araw na matatapos ang oras nila rito sa lupa. Pero mananatiling nakakabit ang puso niya sa puso ng lalaking ito. Buhay lang ang pwedeng bawiin ng kamatayan, hindi ang pagmamahalan nila.

After she ate, he cuddled her and she fell asleep in his arms until the next morning broke through their walls. Ginising siya ng masiglang awit ng mga ibon tuwing dumadaan ang kawan ng mga iyon sa tapat ng mga bintana.

NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅Where stories live. Discover now