Chapter 10

2K 117 15
                                    

2 Corinthians 12:9 

My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness.

Mimi had a bad headache that morning after her short conversation with the mayor. It must be because of stress from adjusting to her new working environment, the responsibilities thrown into her plus this unconventional way of protecting her.

Kahit itanggi niya, kitang-kita ang special treatment na binigay ni Mayor Vanissa sa kanya. Hindi niya masisi ang mga kasamahan sa opisina kung mag-isip ang mga ito nang hindi maganda. Karamihan ay hindi na siya kinikibo. Kapag nagtatanong siya tungkol sa mga bagay sa trabaho niya na hindi pa niya kabisado'y walang sumasagot. Tanging si Merlou ang nagtiyaga na kausapin siya.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa maputla." Puna nito nang lumapit sa table niya para kunin ang tambak na mga dokumentong kailangan ng pirma.

"Okay lang ako. Baka parating na ang period ko kaya sumakit ang ulo ko. Ganito talaga ako."

"Huwag mo silang pansinin, gawin mo lang kung anong trabaho mo at hayaan mo sila sa mga opinyon nila. Hindi mo naman iyon mapipigilan. Ang importante, alam mong wala kang ginawang masama."

Tumango siya. "Salamat," mahina niyang sambit.

Tinanaw niya ang kinaroroonan ng kanyang bodyguard.
Pasulyap-sulyap sa gawi niya ang lalaki habang nagbabasa ng lokal newsletter ng local government public information.

"Buksan niyo ang tv, bilis!" Isa sa mga building guards na naka-assigned sa executive building ang dumating na humahangos at namumutla.

Dinampot ng isa sa mga ka-opisina niya ang remote control at binuksan ang tv. Tumambad sa kanilang lahat si Fr. Aguiluz. Naglalakad, nakaposas ang mga kamay at dalawang opisyal ng polisya ang escorts nito patungo sa naghihintay na patrol car.

Tigagal siya sa caption na nababasa sa ibaba.

Rev. Fr. Aguiluz Alvin Andromida SBD charged of rape by a fifteen year-old girl.

Tinakpan niya ang bibig at bumagsak sa kanyang upuan. How can they do this to an innocent priest? Mabilis na nabulid pababa ang mga luha niya at ginahol siya ng hininga dahil sa pagsikip ng kanyang dibdib.

"Legit or fake news?" May nagsalita sa mga kasamahan niya.

"Fake news? Live broadcast iyan, di mo ba nakikita?"

"Hindi ako naniniwala."

"Kahit anong sabihin mo lalaki pa rin ang mga pari. May needs sila. Baka hindi siya nakapagpigil."

Kung anu-anong opinyon ang ibinabato ng mga empleyadong nakatingala sa flat screen na nasa dingding.

"Hindi ganyan si Fr. Aguiluz!" Tumayo siya para pabulaanan ang huling sinabi ni Tessa.

"As if naman alam mo. Hindi ikaw ang kausap ko, huwag kang sumabat. Kaka-bwesit." Inangilan siya nito.

Tumayo si Jiego at lumapit sa kanila. Agad namang umatras si Tessa.

"Anong tinutunganga ninyo? Balik na sa trabaho!"

Natigil lang sila nang sumigaw si Merlou at pinatay ang tv. Tulala pa rin silang lahat na nakatutok sa itim at blankong monitor. Mabuti na lang at walang gaanong kliyente ang pumapasok nang mga oras na iyon.

Lalong sumakit ang ulo niya. Anong klaseng bintang iyon? Minor de edad pa iyong bata at malaking kahihiyan ang ganitong pangyayari hindi lamang sa pamilya ng biktima. Baka nagkamali lang ng inakusahan. Imposibleng si Fr. Aguiluz ay gagawa ng ganoong kababuyan.

"Huwag mong sabihing naniniwala ka?"

Nag-umpisa na naman ang bangayan ng mga ka-opisina niya habang nasa pantry sila at kumakain. Ni hindi siya makasubo dahil nawalan siya ng gana sa labis na pag-aalala sa pari.

NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅Where stories live. Discover now