Chapter 11

1.9K 127 15
                                    

Romans 8:25

But if we hope for what we do not yet have, we wait for it patiently.

Yakap lang ni Mimi ang abito habang nakaupo sa sahig. Ang natural na bango ni Fr. Aguiluz na naiiwan doon ay pinakakalma ang kanyang sistema pero lalong pinabibilis ang pag-igkas ng kanyang puso.

"Isuot mo na iyan." Nagsalita ang pari.

"Okay lang ako. Hindi naman malamig."

"Kakagatin ka ng lamok."

Tumitig siya rito at hindi na umangal. Isinuot niya ang abito. Para na rin siyang yakap ni Fr. Aguiluz. His warmth and his scent surrounded her as if protecting her from anything bad.

"Bakit ka umiyak kanina? Naaawa ka sa akin?" tanong nito.

Umiling siya. "Umiyak ako dahil hindi ko alam kung tama bang maging masaya ako ngayon. Oo, masaya ako kasi kasama kita sa ganitong paraan kahit nasa pagitan natin ang mga rehas na iyan."

Humawak ito sa rehas. "Sinadyang paghiwalayin tayo nito para hindi kita mayakap."

Sumipa ang puso niya. "Gusto mo akong yakapin?"

"Matagal na." His gentle eyes flew towards the exit but he's looking nothing.

"B-bakit?" nauutal niyang tanong. "T-teka, mahal mo rin ba ako?" Humawak na rin siya sa mga rehas.

Ibinalik nito sa kanya ang paningin at banayad na umiling.

"Hindi ko alam kung darating ang araw na maibibigay ko sa iyo ang sagot na inaasahan mo sa tanong na iyan. Pero mahalaga ka sa akin, iyan lang muna sa ngayon."

"Maghihintay ako!" agap niya.

"Hanggang kailan, Mimi? Mayroon akong responsibilidad sa simbahan. Kahit bibitawan ko pa ang panunumpa ko, hindi ibig sabihin malaya na ako. Nakatali ako sa isang tungkulin mula pa sa aking mga ninuno at ayaw kong ilagay ang buhay mo sa panganib."

"Alam ko iyon at tanggap ko. Hangga't nandito sa puso ko ang pagmamahal na ito hindi ako mapapagod maghintay. Mahaba naman ang pasensya ko at saka iingatan ko nang mabuti ang sarili ko. Kung kinakailangang makiusap ako kay mayor na dagdagan ang bodyguards ko, gagawin ko, para hindi ka na mag-aalala."

"You are a possessive guardian angel, aren't you?" Biro nitong bahagyang natawa.

Ngumiti siya ng matamis at tumango.
Natigil sila sa pag-uusap dahil dumating ang mga kapatid ni Fr. Aguiluz. Sina Rajive, Raxiine at Airey. Kasama ng mga ito ang gwardiya ng selda na binuksan agad ang kandado ng pintuan.

Tinanguan siya ni Rajive, ang dalawa naman ay binati siya ng kaswal na ngiti bago pumasok ang mga ito sa loob ng selda at umalis naman na walang sinabi ang gwardiya.

"Can I work in your bed?" Nilapag ni Rajive sa higaan ang malaking bagpack.

"What are you guys doing here?" May aliw sa tono ng pari.

"It gets boring out there, we want a bit of change. Dito kami matutulog," sagot ni Raxiine habang mabilis na pumasada sa buong selda ang matalas na paningin.

Palagay niya ay narito ang tatlo upang tiyakin ang kaligtasan ni Fr. Aguiluz.

"He's right, makikisiksik muna kami rito. Kumain ka na ba? I mean, kayong dalawa, nagdinner na?" Airey intervened, glancing at her direction. "Rax, should we get some supplies?" Pagkuwa'y baling nito sa kapatid.

Tumango si Raxiine. "Been telling you we'll hit the mall along the way."

"You can go, pakisabi kay Jiego umuwi na lang muna," pahayag ni Rajive na abala na sa paghalungkat ng mga electronic devices sa loob ng dalang bagpack.

NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon