Chapter 26

2.2K 133 33
                                    

Proverbs 4: 23

Above all else, guard your heart, for it is the wellspring of life.

Nagpaalam si Mimi kay Dolly na ka-video call niya. Ipinakita sa kanya ng pinsan ang development sa bagong bahay na itinayo ng Andromida Conglomerate para sa pamilya nito. Ilang linggo na lang at matatapos na iyon. Ang nakakatuwa'y nasa barangay nila at malapit pa sa bahay nila. Walking-distance lang. May malawak na lupain kasi roon na ang mga Andromida at iyon ang ginamit para sa programa ng pabahay.

Hinulog niya sa loob ng bag ang cellphone at tumayo mula sa inuupuang bench nang makita si Merlou na parating. Binisita nilang dalawa si Tessa at nauna siyang lumabas dahil sumikip ang dibdib niya sa awa sa ka-opisinang iginupo ng malubhang karamdaman. Stage 3 breast cancer.

"Okay na ba siya? Kumalma na?" tanong niya kay Merlou.

"Oo, hayon nakatulog. Kawawa naman si Tessa."

Huminga siya ng malalim at pinukol ng tanaw ang gawi ng silid ni Tessa. Sinabi ng doctor kanina na kailangang operahan si Tessa at tanggalin ang kanang suso bago pa kumalat ang cancer cells sa kaliwang dibdib nito at bumaba sa ibang vital organs. Hindi iyon matanggap ng dalaga at naging histerikal ito.

"Dapat siguro humingi ng second opinion, hindi ba?" aniya habang nasa elevator sila pababa ng ground floor.

"Baka pwede kang humingi ng tulong sa mga doctor na kapatid ni Aguiluz. Siguradong may mga espesyalista silang mai-rerekomenda para kay Tessa."

Tumango siya. "Sige, kakausapin ko ang asawa ko. Teka, uuwi ka na ba? May dadaanan pa kasi ako."

"Okay lang, magta-taxi na lang ako. Kita tayo bukas sa office."

Nagpalitan sila ng halik sa pisngi at naghiwalay ng landas. Mula nang mabasa niya ang mga sulat, naging mas malapit pa sila ni Merlou sa isa't isa. Naging open sila sa mga bagay-bagay tungkol kay Aguiluz. Kay Merlou ang nakaraan, sa kanya naman ang kasalukuyan at hinaharap.

Sa labas ng maternity department ay naghintay sa kanya si Lui, ang pansamantalang kapalit ni Jiego bilang bodyguard niya.

"Dito po ang kwarto nila, ma'am." At iginiya siya ng lalaki patungo sa private room ng asawa ni Jiego na kahapon lang nanganak sa ikatlong supling ng mga nito.

May dalawang bantay sa labas ng pinto at kapwa bumati ang mga iyon sa kanya. Agad binuksan ni Lui ang pinto at itinabi ang sarili.

Jiego and his wife Sanya are busy tending to the newborn infant. Pero agad na umunat ang mag-asawa nang makita siya. Si Sanya ay ngumiti ng matamis habang maingat na karga ang sanggol.

"Ma'am," sinalubong siya ni Jiego at inilapit sa asawa nito.

"Thank you for the cash gift, Mrs. Andromida," sabi ni Sanya.

Inakbayan ni Jiego ang asawa at may pagmamalaking sinulyapan ang bagong silang na anak. "Lalaki na, may kakampi na ako sa bahay." Biro nito.

Malambing itong inirapan ni Sanya pero lalo lang lumawak ang ngisi.

Kung magsalita ka para kang minaltrato," aniyang natatawa. Sumilip siya sa bata. "Ang pogi, mana sa daddy," gigil niyang hinawakan ang maliit na paang nakabalot ng puting medyas.

"Narinig mo? Mana raw sa akin, huwag ka nang kumontra kasi roon sa dalawa ay pinagbigyan na kita," sabi nito sa asawa.

Nakangiting inirapan lang din ulit ito ni Sanya. Habang ang sanggol na mahimbing ang tulog ay kontentong-kontento.

Nakagagaan ng pakiramdam makakita ng bagong buhay sa kabila ng mga pagsubok sa kapaligiran. Walang muwang ngunit pinanghahawakan ng sanggol ang regalong bigay ng Maykapal. Nagtagal ang ngiti sa kanyang labi lalo na at sa sinapupunan niya ay umuusbong na rin ang unang bunga ng pagmamahalan nila ni Aguiluz.

NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅Where stories live. Discover now