Chapter 23

2.3K 131 6
                                    

Mark 9: 23

If you can! All things are possible for one who believes.

Clavius Sinklaire, the head knight of Collumbus arrived at the Conventuals.
Hatinggabi nang matanggap ni Aguiluz ang balita. Isa lang ang ibig sabihin ng pagdating ng lider nila. Aalisin na sa kanyang pangangalaga ang relic at maaaring itatakwil siya sa lineage ng mga knight. He had broken his parents' legacy and defied his bloodline cursing through a century service weilded by his ancestors.

"Sasamahan kita." Mapilit na pahayag ni Mimi na hinatak ang kumot at ibinalot sa hubad na katawan.

"Wala ka namang gagawin doon. Dito ka na lang at magpahinga." He buckled the belt of his pants and grabbed a long sleeves shirt from the cabinet.

"Sasama ako." Giit nito.

The half-lit lamps reflected in her eyes and solidify the mist of tears she is trying to hold from falling.

Dumukwang siya at hinagkan ito sa noo. "Okay lang ako, kasama ko sina Jiego."

Umiling ito. "Gusto kong sumama." Yumapos ito sa kanya.

Wala siyang magawa kundi bumigay.
Hinintay niya ang asawa habang nagbibihis.

She can't hide the anxiety in her little movements. Trembling hands and faltering smile. She's terrified, not for herself but for him.

He has to make it clear somehow that they are forging the right path together. May mga binigo man siya at binitawan pero hindi ibig sabihin hindi na tama ang landas na tinatahak nila.

Sinalubong sila ni Jiego ng payong. Ang dalawang kasama nito ay nakatayo malapit sa sasakyan at binubuksan ang pinto para sa kanila. Jerad and Airey were on the other car to escort them.

Mistulang latigong humahati sa kadiliman ng gabi ang talim ng kidlat habang walang tigil ang pagbagsak ng ulan.

Mabagal lamang ang takbo nila. Madulas ang daan at balot ng hamog. Kahit sa liwanag ng headlights ay mahirap tukuyin ang nasa unahan o kung may kasalubong. Panay ang hampas ni Jiego sa busina.

He identified few of the cars parked at the grounds of the monastery. Sa lobby ng gusali ay naghihintay sa kanila sina Athrun, Rajive at Raxiine.

"Chairman," tinapik nito ang kanyang balikat. Rajive and Raxiine nodded.

"I heard from Airey. Reinforcement is waiting on stand by, just give your signal."

Tumango siya. "Walang dapat ipag-alala, chairman. Hindi sila nandito para manggulo." He re-assured. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Mimi. Gumanti ito ng pisil sa kamay niya.

His brothers insisted to escort him to where the Collumbus are waiting. Sinalubong sila ni Fr. Richard sa hallway patungo sa silid- tanggapan. The knights waiting for him are wearing the black hooded capes. He recognized Clavius Sinklaire right away among the three standing near the screened window.

May round table sa malapit na may kandilero sa gitna at tatlong bakanteng silya. Malapit sa kandilero ang isa pang itim na kasuotan at ang espadang may tatak ng Collumbus.

Across the room are the priests. Tinanguan niya ang mga ito. Pumasok sila ng mga kapatid niya at hinapit si Mimi baywang.

"Shalom, Aguiluz!" Clavius greeted him. A big man of his fifties with deep green eyes and a pleasant physical strokes.

The other two knights are younger and both came from the western part of the globe.

"Shalom, Clavius. I'd like you to meet my wife and my brothers." Sinulyapan niya si Mimi na bahagyang ngumiti kahit kabado. Malamig at pinagpapawisan ang palad nito.

NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅Where stories live. Discover now