Chapter 19

2K 112 11
                                    

John 16: 33

In this world you will have trouble. But take heart! I have overcome the world.

Sa haba ng panahong hinahasa ni Aguiluz ang pasensya, ngayong sumabog siya ay matindi ang naging epekto sa kanyang sistema. Hindi siya makakain, nagsusuka at masakit ang kanyang ulo. After the last holy mass for the day, he stayed below the altar. Looking empty before the blessed sacrament.

He never ever wanted to question his faith and the God that he knew. The God who's from the beginning of his existence was a champion of justice in all forms. Pero ngayon, hindi niya mapigil na magtanong.

"Is this the punishment I deserve for breaking my promise? Ito ang kabayarang hinihingi Mo? Ipapapatay Mo sa akin ang babaeng mahal ko? She's innocent! She didn't even know the internal conflict happening between Hestas and Collumbus. Please, not her! Ako na lang kung pwede." His broken voice is echoing from the walls, scaring away the birds who took refuge in the ceiling. Ang pagaspas ng mga pakpak ay tila ungol ng hanging dumadaan sa kanyang ibabaw.

"Alvin!" Si Fr. Roldan na pumasok mula sa sacristy.

Hindi siya natinag. Hanggang sa makalapit ang pari at ibinaba sa harapan niya ang scroll mula sa Collumbus na naglalaman ng utos. Iniwan niya iyon doon sa pastoral kanina. Naupo sa kanyang tabi si Fr. Roldan at  bumuntong-hininga. Hinawakan ang kanyang balikat.

"Hindi rin sang-ayon ang Conventuals sa utos na iyan, Alvin. Buhay at pag-ibig ang pundasyon ng mga turo ni Kristo sa atin. Kahit kailan ay hindi magiging makatarungang pumatay ng inosente dahil lang samarka ng kulto. Pero natitiyak kong may malalim na dahilan ang Collumbus."

He can't speak to defend or put up an argument to condemn the knights. Sapagkat alam din niya ang bagay na iyon. Alam niyang may malalim na rason. Pero ayaw tanggapin ng kanyang puso.

"Naalala mo ba ang pangako ng Diyos kay Abraham noon? Sabi ng Diyos, bibigyan Niya si Abraham ng lahi na kasing-dami ng mga bituin sa langit at buhangin sa dalampasigan.

Pero nang magkaroon ng anak si Abraham, ano bang ginawa ng Diyos? Hiningi niya si Isaac bilang handog. Ang kaisa-isang anak na ibinigay ng Diyos kay Abaraham sa asawa nitong si Sarah ay hiningi Niya bilang handog.

Noong una ay hindi maintindihan ni Abraham ang layunin pero dahil tapat siya at malaki ang tiwala sa Diyos, sinunod niya ang utos.

Ngunit sa araw na ihahandog na si Isaac, pinigilan siya ng Diyos. Magtiwala ka lang, Alvin. Maniwala ka at pagkatiwalaan mo ang Diyos. Kilala mo Siya higit kanino man."

Marahan siyang tumango habang nakatitig sa nakapakong Kristo. Bakit nga ba niya nakalimutang inosente rin naman ang Diyos na nasa kruz? Bago siya nagtanong, bakit hindi niya naisip na minsan ay naging biktima ng karahasan ng mundo si Jesus dahil pinili nitong magpakatao?

"Ipapaubaya ko na sa Iyo ang lahat." He whispered and picked up the scroll. He is going to stop resisting. God will make a way, as always.

Noong gabing iyon ay kinausap niya via video conference ang mga kapatid. Ipinakita niya sa mga ito ang kaustusan mula sa Collumbus.

"No comment, Alvin. I don't know the structure of the knight's rules and regulation. Kung anong magiging desisyon mo, support lang kami. Pero sa utos na iyan, I don't think I can agree. Papatay kayo ng inosente? That's inhumane." Pahayag ni Raxiine.

"Same goes for me." Sang-ayon ni Rajive. "Well, I think providing additional security for Mimi is the most viable solution to that if we don't need to hunt down those Hestas boys out there. Nasa linya si Athrun," sabi nito at may pinindot.

Lumitaw sa monitor niya si Athrun.

"Chairman," he murmured alongba deep breath.

"Alvin, I received the update just now. We will arrange a safety house for Mimi while you are working on that order from Collumbus. Should you have another option or not, it's up to you. We will do what is necessary."

NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅Where stories live. Discover now