Chapter 4

2K 117 2
                                    

Isaiah 66: 9

I will not cause pain without allowing something new to be born, says the LORD.

Tila bagyo ang mga comments sa social media na humampas sa kanya. May mga nag-private message pa at hindi na niya kinayang basahin ang iba. Nagpasya na lang siyang i-hide ang post at hindi na rin pinansin ang messenger niya na sumasabog sa notification.

Wala siyang sagot sa anumang komentong ibinato sa kanya. Ayaw niyang pagurin ang isip sa mga taong hindi naman handang umintindi at agad siyang hinusgahan kahit walang alam sa katotohanan. Isa pa, karamihan sa mga naroon ay nakikisawsaw lang sa issue. Ni hindi siya kilala at nakikisimpatiya sa babaeng nagkamali lang ng paratang.

Ang masakit nga lang, pati mga taong nagmamahal sa kanya ay nadadamay sa kahihiyan at nasasaktan kahit hindi naman dapat. Tapos heto siya, walang magawa at walang pwedeng gawin. Kung lulusong siya sa gulo, siya ang malulunod. Kung kakagat siya sa pain, siya ang malalason.

"Mimi, mag-leave ka na muna. Tatawagan na lang kita kung pwede ka nang bumalik sa trabaho," mungkahi ng section head niya.

"Sige po, ma'am." Matamlay niyang sagot at naupo sa may paanan ng kama hawak ang cellphone at sinipat ang kanyang uniform. Huminga siya ng malalim at nagbihis na lamang ng pambahay. Ibinalik sa cabinet ang uniporme niya.

Hindi rin muna siya papasok sa school. Ayaw pumayag ni Martin. Baka raw may mag-aabang sa kanya sa labas at gagawan siya ng masama.
Nakaka-stress pero sinikap niyang maging normal pa rin ang araw na iyon.

Naglinis siya. Nagluto. Naglaba.

Kasalukuyan siyang nagtutupi ng mga tuyong damit nang dumating si Charice galing sa refilling station na ilang bloke lamang ang layo mula sa bahay nila.

"Ate, huwag ka nang magluto. Uuwi sa tanghalian si Martin at bibili raw siya ng ulam natin."

"Adobo itong niluto ko, reserved na lang natin para sa hapunan mamaya."

Tumango ang hipag at ngumiti matapos siyang hagurin ng tingin.

"Okay ka lang ba, ate? Huwag kang magpaapekto sa sinasabi ng iba. Sumasabay na rin sa technology ang mind set ng mga tao. Parang instant noodles. Kung husgahan ka instant na rin."

"Okay lang ako, Cha." Ngumiti siya ng tipid.

Magkatuwang na hinanda nila ni Charice ang hapag at sakto ring dumating si Martin dala ang tanghalian nila. Hinagkan nito sa noo ang asawa at hinapit din siya, kinintalan ng halik sa sentido.

"Kinausap ko na ang kaibigan kong police para mabigyan ka ng proteksiyon," balita nito. "Nag-iisip na rin akong kumonsulta sa isang abogado."

Hindi siya nagkomento at napatingin na lang kay Charice. Kailangan pa ba talaga nilang umabot sa ganoon? Pero naiintindihan niya ang pag-aalala ng bunsong kapatid.

Nang sumunod na mga araw ay lalong lumala ang sitwasyon. Kahit pagpunta ng simbahan ay hindi niya na magawa. Buti at napagbigyan ang pabor na hiningi ni Martin. May mga police na itinalaga para magbantay sa bahay nila.

"Ma'am, pinatatawag po kami sa police station. May urgent meeting. Babalik kami agad pagkatapos." Nagpaalam sa kanya ang isa sa dalawang police officers.

"Okay lang, sir. Walang problema."

"Itawag niyo agad kapag may nagtangkang manggulo rito," bilin nito.

Tumango siya.

Umalis ang patrol car sakay ang dalawa at pumanhik naman siya sa loob ng bahay. Nagtungo siya sa kanyang kwarto at itinuloy ang pagrereview niya. Nakapagpaalam na siya sa kanyang mga instructors na hindi muna siya papasok. Abala ngayon ang pamantasan sa nalalapit na activity para sa araw ng mga puso kaya hindi mahigpit sa attendance.

NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅Where stories live. Discover now