Chapter 17

2K 134 8
                                    

Matthew 6: 34

Therefore do not be anxious about tomorrow, for tomorrow will be anxious for itself. Sufficient for the day is its own trouble.

Hindi binitiwan ni Aguiluz ang kamay ni Mimi habang magkatabi silang nakaupo sa mahabang sofa. Across them is Martin and Charice both unable to fully process the changes they've seen on him.

"She didn't ask me to quit. I decided to quit from priesthood not because of her but because I love her." Tiningnan niya ang dalagang nakatitig sa kanya. Halata rito ang kaba at pagnanais na mauunawaan sila ng kapatid nito. "May kaibahan ba iyon? Mayroon. Mahal ako ng ate mo pero hindi niya hiniling sa akin na bitawan ko ang pangako ko sa simbahan. Ako ang kusang bumitaw dahil gusto ko siyang makasama." Muli niyang binalingan si Martin. "Your sister is a good woman. When the society around you refused to see that goodness in her, she is hoping that you at least will choose to see it for yourself because you knew better than anyone else."

Mahabang katahimikan ang namayani at nahulog sa malalim na pag-iisip si Martin.

Kinabig niya pasandal sa kanyang dibdib si Mimi at muling hinagkan sa noo. Nagbabadya sa mga mata nito ang masaganang luha. Sa pamilyang mayroon siya ngayon hindi niya naranasan ang ganito. May mga pagkakataong nagkakaiba ang kani-kanilang mga pananaw pero pagdating sa kaligayahan ng bawat isa, nakasuporta silang laha.

"Gusto ko kayong intindihin pero sana naunawaan niyo rin, father, este sir, ang concern ko. Ayaw kong mapahamak ang kapatid ko. Ang daming nagagalit sa kanya ngayon," pagkuwa'y pahayag ni Martin. His worries about the safety of his sister is apparent and genuine.

"Nandito kami ni Jerad para protektahan ang ate mo. Hindi ko hihilingin sa iyo na makipag-away sa iba para ipagtanggol siya, Martin. Ang ipapakiusap ko lang ay paniwalaan mo siya. The love from family is crucial in order to hold on especially at times when the world will put us down."

"Martin-"

"Ako, ate, naiintindihan kita. Susuportahan ko kayo ni father," sabat ni Charice.

Pumalatak si Martin at tumayo. "Halika nga." Hinatak nito ang kapatid at mahigpit niyakap. "Pasensya ka na kung minsan makitid ang utak ko. Mahal kasi kita at ayaw kong masaktan ka. Hindi ko matiis na pakinggan lang ang paninira sa iyo ng ibang tao."

"Martin," napahikbi si Mimi habang nakasubsob sa dibdib ng bunsong kapatid. Lumapit din si Charice at nakisiksik sa yakapan ng magkapatid.

Sinulyapan niya si Jerad na alertong nakaantabay doon at nagpalitan sila ng tango.

Matapos maayos ang munting gusot sa bahay ay hinatid niya sa city hall ang dalaga at iniwan sa pangangalaga ng kapatid. Tumuloy siya ng headquarters para tingnan ang nalikom na data ni Rajive tungkol sa mga potential na marked virgins.

"I've been checking out almost five hundred personalities last night," sabi nitong ibinaba sa harapan niya ang umuusok na root beer.

Nai-timbre na sa kanya ng kapatid ang mga lokasyon na nilagyan nila ng scanner konektado sa kanilang satellite. Upper half lang naman ng isang babae ang kailangan nilang tingnan kung may marka ng kruz.

"About the Hestas disciples, what should we do with them?" tanong nito.

"Under-surveillance. We can't put them on custody unless they've been charged for a crime."

"How about Francis? He's a confirmed member and I heard he attacked your girlfriend."

Dinampot niya ang beer at tinikman. Humagod sa lalamunan niya ang banayad na pait ng inumin.

"Nasa radar na siya, Raj. Isang mali pa at ako mismo ang dadampot sa kanya. Anyway, that's my job."

Tinapik ni Rajive ang balikat niya at naupo itong muli sa malaking swivel chair. Isinuot ang headphones.

NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon