Chapter 25

2K 102 11
                                    

Romance 12: 19

Beloved, never avenge yourselves, but leave it to the wrath of God, for it is written, “Vengeance is mine, I will repay."

Hindi pa sila tapos kumain nang matanggap ni Mimi ang tawag ng pinsang si Dolly at ibinalitang nasunog ang bahay nito. Agad niyang naisip ang fire trucks ng bombero kanina.

"Kumalma ka lang baka kung mapaano ka riyan." Balisang alo niya sa umiiyak na pinsan sa kabilang linya. "Sina tiya at tiyo ligtas naman di ba?"

"Okay lang sila, pero ang bahay at ang mga gamit..." Humagulgol si Dolly.

Nagtubig na rin ang mga mata niya habang nakikinig sa hinagpis ng pinsan. Hindi niya pwedeng sabihin na okay lang ang lahat dahil hindi naman totoo. Pinaghirapan at pinagsikapan ng buong pamilya na maipundar ang bahay at kung anong mayroon doon. Ngayon ay nawala sa isang iglap lang.

Hinawakan ni Aguiluz ang kamay niya at marahang pinisil. "Puntahan natin sila."

Tumango siya. "Salamat." Tinakpan niya ang bibig para itago ang paghikbi.

Hindi sila natuloy sa Marianas bagkus ay tumulak patungong San Isidro. Nadatnan pa nila roon ang mga fire trucks at mga bombero bagamat naapula na ang apoy. Matindi ang iniwang pinsala. Ang bakas ng makapal na usok ay nasa himpapawid pa rin. Ang tanging naiwan sa bahay na natupok ay abo at kalansay ng sunog na semento at bakal.

Nakakoldon ang buong lugar. Maraming taong nakiusyuso. Ang barangay officials at mga tanod ay naroon din. Nahanap niya ang mga kaanak sa covered court. Nandoon din ang mga magulang niya. Ang tiya Marina niya ay nasa loob ng rescue unit at kasalukuyang pinagpapahinga. May nakasaksak na tubo ng oxygen sa ilong nito. Binabantayan ito ni Dolly.

"Nahirapan siyang huminga kanina," sabi ng Mama niya.

"Ano raw ang dahilan ng sunog?"

"Hindi pa nila matukoy. Pero kwento ng ibang mga kapitbahay nagsimula raw sa kusina. Baka may tagas ang tangke ng stove."

"Mabuti na lang at walang nasaktan." Nilingon niya ang Papa niya at ang kanyang tiyo na may kausap na opisyal ng polisya. Lumapit si Aguiluz sa mga ito.

"Wala ba silang nasagip sa mga gamit, Ma?" muli niyang tanong.

"Walang tao sa bahay nang sumiklab ang apoy. Ang tiyo at tiya mo ay nandoon sa atin, si Dolly naman ay nasa school. Mabuti na lang at hindi mahangin. Hindi nakatawid sa ibang bahay ang apoy."

Tumango siya at sinuyod ng tanaw ang buong lugar. Makalat ang kapaligiran. Ang ibang mga kabahayan sa malapit ay halatang nagpanic at inilalabas sa bakuran ang mga gamit.

Paroo't parito ang mga tao sa kalsada. Ang iba ay labas-masok sa covered court. Kung anu-anong usapan ang mga umiikot.

"Ganyan talaga, kapag may kamag-anak kang nakapag-asawa ng pari o kaya ay madre, habang-buhay kang mamalasin. Nagsimula nang maningil ang karma."

"Sinabi mo pa. Sa dami ba naman ng pwedeng landiin, bakit iyong pari pa?"

Nauulinigan niyang usapan ng iilang naroon. Dinig din iyon ng Mama niya pero parehas nilang hindi na lamang inintindi pa ang komento ng kapwa.

"Ma, puntahan ko muna si Dolly." Nagpaalam siya sa magulang.

"Sige," tango ni Myrna.

Tinungo niya ang nakaparadang rescue unit. Nang makita siya ay bumaba ng sasakyan si Dolly at yumakap sa kanya.

"Mimi..." Humagulgol ito sa kanyang balikat.

Hinaplos niya ang likod nito. "Magpakatatag ka, nandito lang kami. Sama-sama nating haharapin ito."

NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅Où les histoires vivent. Découvrez maintenant