Chapter 12

2K 121 16
                                    

2 Corinthians 5: 7

For we live by faith, not by sight.

"Akala ko naman kung ano na," sabi ni Fr. Roldan na umiling. Huminga ito ng maluwag at tinapik si Fr. Aguiluz sa balikat. "Hindi iyan maiiwasan, father. Halos lahat sa atin dumaan sa ganyang pagsubok. Diyan mo malalaman kung anong kailangan mong isakripisyo. Ang puso mo para sa sakramentong sinumpaan mo o ang sakramento para sa puso mo. Huwag kang mag-alala, gagabayan ka ng Diyos kung anong tamang desisyon ang nararapat."

He sighed. Holding the cross from his necklace down to his chest. What is at stake for this emotion to be allowed to grow and be free? Anong magiging kapalit? Not just his promise and the ordain of priesthood. From among the most important, what sacrament he would never stand to surrender?

"Parang kilala ko na kung sino iyan. Ang nag-iisang babaeng hinayaan mong tumapak sa choir area?"

Tumango siya.

"Alam ba niya?"

"No. I can't tell her yet, not unless I've come up to a guided decision."

"Tama iyan." Sang-ayon ni Fr. Roldan. "Kailangan mong maghintay muna."

He brought the cross to his lips. Loving is not part of human error, it is timing and the choices. He can't make Mimi a mistake. If he must betrayed his promise to the church, it would be because of his choice. Kung mas matimbang ang nararamdaman niya para sa dalaga, titiyakin niyang ang mabubuong pagmamahalan sa pagitan nila ay hindi magsisimula sa isang pagkakamali.

--------------------------
Nakangiti pero nagpupunas ng mga luha si Mimi. Naiiyak siya sa saya. Ibinaba niya ang panyo at muling kinuyom sa palad ang rosary. Nasa likuran siya ng mga hanay ng mahahabang upuan. Siksikan ang nagsisimba nang hapon na iyon. Nang dumating siya ay punuan na ang mga upuan at ilang monobloc chairs na lang ang bakante sa likod.

Masigla siyang tumayo nang tumunog ang bells para sa pagsisimula ng misa at natanaw si Fr. Aguiluz na naglakad paakyat ng altar. Tinuyo niya ulit ang namuong luha sa sulok ng mata.

Noong nasa kulungan ito, naisip niyang baka isang mensahe iyon na gustong iparating sa kanya ng Diyos. Kung ang pagmamahal niya para sa pari ay maglilikha ng pasakit dito, kung ito ang paparusahan dahil sa nararamdaman niya, handa siyang magsakripisyo at dumistansiya hanggang sa kaya na nitong sagutin ang tanong niya.

"Mabuti na lang at umabot pa ako." Ginulat siya ni Raymund paglabas niya ng simbahan matapos ang misa.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa lalaki.

"Sinusundo ka. Nagpaalam na ako kay Martin. Kakain muna tayo sa labas at ihahatid kita sa school mo."

It takes seconds before she was able to process what he said.

"Teka lang, bakit kayo ni Martin ang nagdedesisyon para sa akin?" Hindi niya napigil ang inis sa tono. "I'm sorry, Raymund pero hindi pa ako aalis." Imbis na nagpasya na siyang titiisin munang hindi makausap si Fr. Aguiluz, wala siyang choice kundi puntahan ang pari.

"Mimi!" Humabol sa kanya si Raymund. "I'm sorry, but it's not what you think. Makinig ka naman sana. Iniisip ko lang amg kaligtasan mo. Hindi na ako mapakali simula noong nagpunta sa bahay ninyo si Francis."

Huminto siya at huminga ng malalim. God, katatapos lang ng misa pero heto siya. Nilibot niya ang paningin. Nagsisipag-uwian na rin ang ibang mga nagsisimba. Kinagat niya ang labi nanh matanaw si Jiego na papalapit. Bakit nandito ito? Usapan na nilang hanggang doon sa city hall ang trabaho nitong bantayan siya.

"May dala akong sasakyan, Ma'am."

"Bakit?"

"Para ihatid ka sa school mo at masamahan na rin mamaya pauwi."

NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅Where stories live. Discover now