Chapter 3

2.2K 129 6
                                    

Song of Solomon 8: 6-7

Set me as a seal upon your heart, as a seal upon your arm, for love is strong as death, jealousy is fierce as the grave.

Hinati sa tatlong misa ang pagdiriwang sa kapistahan ni Sr. Sto. Niño para hindi siksikan sa loob ng simbahan ang mga debotong dumayo pa mula sa iba't ibang panig ng probinsya at mga karatig na lalawigan.

Sa pagtatapos ng kanyang misa ay nag-iwan ng saglit na sulyap si Fr. Aguiluz sa babaeng nakaupo sa dulo ng mahabang upuan sa unang hanay sa harapan. Nakatingin pa rin ito sa kanya at may banayad na ngiti. Kasama nito ngayong nagsisimba ang kapatid nitong lalaki at ang hipag.

Bumaba na siya ng altar at naglakad patungong sakristiya. Pagdating sa loob ay kaagad niyang hinubad ang kanyang estula at sotana. Maayos na nilagay sa hanger at ipinasok sa loob ng cabinet. Itinuon niya ang mga kamay sa gilid ng mesa sa tapat ng imahe ni St. Benedict of Nursia. Tinitigan niya ang santo.

Ito ang santo na tuwing dinadalaw ng tukso sa laman ay gumugulong sa masukal na mga tinik upang labanan ang tawag ng makamundong pagnanasa.

Kaya ba niyang gumulong sa mga tinik para umiwas sa tukso? Napapadalas na sa isipan niya si Mimi mula nang mangompisal ito. Hindi. Dati pa, mula nang bumalik siya galing Italy ay napapansin na niya ang dalaga. Pero ayaw niyang isipin na isang tukso si Mimi para patatagin ang paninindigan niya sa piniling landas.

That woman deserves more than just to be branded as a mere temptation. She has a beautiful soul reflected through her gentle and sincere eyes. She attended the holy mass regularly because of her faith not because of her crucial feelings towards him. 

Kinapa niya ang kwintas na krus at ikinulong sa palad.

"Fr. Aguiluz, naghihintay sa iyo sa  labas si Thalyn." Sumilip sa pintuan ang kasama niyang pari, si Fr. Roldan.

"Salamat, father." Pumihit siya, niligpit muna ang mga mumunting kalat sa ibabaw ng mesa at lumabas ng sakristiya.

Nakasandal sa dingding sa gilid ng receiving area si Thalyn. Isa ito sa mga recipient ng account na binuksan nila sa bangko. Noong nakaraang taon lamang ito na-diagnosed na may polio. Isa sa kahanga-hanga sa dalaga ang tatag nitong magpatuloy sa buhay.  Hindi ito nagpapatalo sa karamdaman at itinaguyod ang pag-aaral nito sa kolehiyo.

"Thata?" pukaw niya sa dalagang panay ang silip sa pintuan.

"Father, magandang araw po!" Maaliwalas ang mukhang bati nito at kaagad kinuha ang kamay niya para magmano. "Naipasa ko na po roon sa office ang mga requirements."

"Registration na lang ba ang kulang?" tanong niya.

"Opo."

"Good, I'll assist you with that." Hirap maglakad ng maayos ang dalaga dahil sa kapansanan nito. Inakay niya ito patungo sa loob ng opisina at inalalayan sa bawat paghakbang.

------------------------
"May pupuntahan lang ako sa likod, sandali lang ako," nagpaalam si Mimi sa kapatid at hipag pagkalabas nila ng simbahan.

"Hintayin ka namin dito!" habol ni Martin.

Napagkasunduan nilang kumain sa labas pagkatapos ng misa. Celebration sa kapistahan at sa pagbubuntis ni Charice. Pero sasaglit muna siya sa may receiving area para batiin si Fr. Aguiluz.

Ngunit nahinto siya sa bungad ng nakabukas na pintuan nang mahagip ng tingin ang pari. May babae itong saklot sa baywang at pumasok ng opisina ang dalawa. May bumundol na kirot sa puso niya. Kakaibang pakiramdam at masakit dahil hindi siya sanay na makitang ganoon sa isang babae si Fr. Aguiluz.

Panatag siya na ang kaagaw niya sa atensiyon nito ay ang abito, ang altar at pangako nito sa Diyos. Tanggap niya iyon at walang naging lamat sa puso niya. Pero hindi siya handa sa ganitong tanawin kahit malamang ay kaibigan lang o kaya ay parokyanong nangangailangan ng payo ang babaeng kasama nito.

NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum