Chapter 30

2.5K 116 11
                                    

Isaiah 1: 18

Come now, let us settle the matter, says the Lord. 'Though your sins are like scarlet, they shall be as white as snow; though they are red as crimson, they shall be like wool.

Ang walang hangganang pagpapatawad ng Diyos ang tema ng homily ni Fr. Richard sa misa nang araw na iyon. Habang nasa gawing likuran ni Aguiluz sa choir area ay saglit na sinulyapan ni Mimi sina Raymund at Dolly. Nakaupo sa pinakaunang hanay ng mahabang upuan ang dalawa. Napangiti na lang siya. Ang gaan sa pakiramdam na walang kinikimkim na anumang poot sa dibdib.

Kasalukuyang nagpapagaling pa ng mga sugat si Raymund pero mapilit itong sumama sa pagsisimba. Nagkataon ding schedule ng serve ni Aguiluz sa choir kaya magkasama silang apat. Pansamantala ay doon muna nakatira sa Marianas ang magkapatid at madalas pumupunta roon si Dolly para bumisita sa kanila.

Totoo nga na kahit nagkasala ang isang tao, kung mas wasak ito'y wala ka nang ibang magawa kundi magpatawad. Nahuli na ng batas ang mga miyembro ng Hestas na lumapastangan kay Raymund. Bukod sa tangka sa buhay ng lalaki ay sinunog pa ng mga suspek ang bahay nito.

Ipinagtapat sa kanila ni Raymund ang dahilan kung bakit ito nagdesisyong tumiwalag na sa kulto. Binigyan kasi ito ng bagong utos. Gusto ng Hestas na lagyan nito ng marka ang panganay na anak nila ni Aguiluz upang maging susunod na handog. Ngunit tumanggi ang lalaki. Mas pinili nitong protektahan siya at ang anak niya kahit malagay sa panganib ang buhay nito.

"Sa palagay mo may pag-asa bang maging sila?" pabulong niyang tanong sa asawa habang nasa loob sila ng sasakyan at hinintay sina Raymund at Dolly na kinausap ang pari.

Nagtanong na sila tungkol sa binyag pero ang sabi ni Fr. Richard isang beses lamang bibinyagan ang katoliko. Nabinyagan na raw noong sanggol pa sina Raymund at Leah bago sumapi sa Hestas ang pamilya ng magkapatid. Joining the cult or committing any crime would never invalidate it.

"You're shipping them." Nanunuksong tumingin sa kanya si Aguiluz.

Humagikgik siya. "Naisip ko lang na mas masaya kapag ganoon, hindi ba? Ang bait talaga ng Diyos. Tingnan mo kung paano Niya nilalagay sa ayos ang lahat."

"God's timing always goes the other way around. When hatred is our only refuge, He wants us to forgive and have our inner peace. When we are too indulge in pain, He wants us to hold on to Him and trust Him, because His plan never fails."

"Tama ka," tango niya at humilig sa balikat nito habang hinahaplos ang tiyan.

"Tapos mo na ba ang assignment mo sa school?" Nakikihaplos din ito at nakikiliti siya kaya kinurot niya ito.

He chuckled.

"Hindi pa. Mamaya gagawin ko. Tinatamad talaga ako." Bumungisngis siya habang nakatingala rito. She enrolled in a home-based program for her class. Ang duration ay hanggang sa makapanganak siya. Hindi niya kailangang tumigil.

"Nawiwili ka na roon sa crochet mo." He made a point and he's right. Mas nabibigyan niya ng panahon ang paggagantsilyo saka pagmi-make up.
"Matutuloy ba kayo ni Mary bukas sa hospital?"

"Oo, pero sa hapon na kami pupunta kasi may therapy si Tessa sa umaga at required siyang magpahinga pagkatapos. Bawal ang bisita."

"Hindi rin healthy para sa inyo ni baby." Paalala nito lagi.

Tumango siya.

Dinadalaw nila si Tessa sa hospital tatlong beses sa isang linggo. Nakatutuwa na nagrespond sa treatment ang dalaga at may improvement na. Hindi na itutuloy ang operasyon para tanggalin ang suso nito. Tuwing pumupunta sila roon ay mas maaliwalas na ang mukha nito lalo at kasali sa gamutan ang regular counseling ni Fr. Richard.

NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon