Chapter 18

1.9K 117 15
                                    

1 Corinthians 10: 13

No temptation has overtaken you that is not common to man. God is faithful, and he will not let you be tempted beyond your ability, but with the temptation he will also provide the way of escape, that you may be able to endure it.

Ramdam ni Mimi ang puso niya, kung tumalbog ay parang bolang wala sa direksiyon. Sinilip niya ang pinto. Baka biglang pumasok ang mga magulang niya roon sa kusina maaabutan silang naghahalikan. Pero gusto niyang magpahalik.

"Nag-aalala ka?" Bahagyang natawa si Aguiluz.

"Paano kung papasok sina Mama at Papa?"

"Pinagbantay ko si Jed sa labas. Siya na ang bahala."

"Ano?" Napalo niya ito at kinurot sa tiyan. Ibig sabihin nang pumasok ito ay may plano nang hahalikan siya. Buti at nagpaalam pa.

Hinawakan nito ang kamay niya at idiniin sa tapat ng puso nito. Tulad niya ay sumasabog ang tibok sa loob. Para silang nagpapabilisan.

"Vin-" sambit niya habang dahan-dahang bumababa ang labi nito sa kanyang labi.

"I love you," he breathed those sweet words, adding another year of her life and claimed her lips.

Kumapit siya sa damit nito at hinayaan muna itong pangunahan siya. Pero hindi rin niya kinaya at gumanti ng mapusok na halik. He tilted his head to one side and found a better angle to deepen his attack. Envading her soft spot. His innate expertise took over. Nalalango siya sa sarap.

Umungol ito at lalo siyang nadadarang. Hanggang sa pakawalan nito ang mga labi niya para makahinga siya at gumapang iyon pababa sa kanyang leeg. Pero ilang segundo lang din iyon at muli siyang sinakop ng mapaghanap nitong halik.

His scent. His lips. The heat that's burning within her, brought her somewhere above the clouds. Sumubsob siya sa dibdib nito matapos nitong palayain ang mga labi niya.

"Jesus! I am losing all my defenses," anas nitong humihingal.

Doon lang niya napansin na pumasok pala ang mga kamay niya sa ilalim ng shirt nito at naglilikot doon.

"S-sorry!" Hahablutin niya sana pero pinigilan nito.

"Just right where I wanted them to be. It feels good." He whispered and groaned.

"Bakit ang landi mo ngayon?" Biro niyang humagikgik habang nagpapahupa ng hingal.

"I wouldn't call it like carnal desire, rather, one of my unconventional expressions of loving you."

Lalong nag-alburuto ang mga laman niya sa kilig. Feeling niya ay gagamitin lang nitong excuse iyon para mahalikan siya lagi. Baka hindi siya makatulog nito mamaya sa kaiisip at sa sobrang saya.

"Tatapusin ko munang maglinis saka akyat tayo sa kwarto ko. May ipapakita ako sa iyo. Tingin ko talaga ako ang guardian angel mo kasi minarkahan ako ng langit, eh."

Natawa si Aguiluz. "Really? Nasaan ba ang markang iyan, nasa dibdib mo?"

"Ang galing mo, ah! Naninilip ka ba? Paano mo nalaman na nasa dibdib ko iyong marka ng kruz?" Pinalo na naman niya ang binata.

But his smile faded and his face turned hard. "May marka ng kruz ang dibdib mo?" Tiim-bagang nitong tanong.

Marahan siyang tumango. Nagtataka sa biglang pagbabago ng reaksiyon nito.

"Mayroon."

"Let me see." Nagulat siya nang halos punitin na nito ang muscle blouse niya.

"Vin!"

NS 13: THE LOST SACRAMENT ✅Where stories live. Discover now