46: When the stars commands my wish

218 13 0
                                    

Cataline Pov:
Pagkayari na pagkayari nang speech at nang event hinanap ko agad ang anak ko, kanina ko pa sya hindi nakikita sabi daw nya sa tita Bonnie nya bibili lang sya nang balloon pero hanggang ngayon hindi parin namin sya makita sa dami nang tao sa mall.

Habang unti-unting nawawala ang mga tao, mas makikita ko si Cm kilala ko ang batang yun nakikinig sya sa akin alam nyang hindi dapat sumama sa hindi kakilala alam nya yun.

"Bonnie wala pa ba?" Tanong ko kay Bonnie pero kailangan nya ring alagaan ang anak nya at nakay Tevan naman yung isa
"Wala pa tignan mo kaya dun sa venue o sa playground baka naglalaro lang".
"Sige pero tumawag ka kapag nakita mo ah" sabi ko tsaka umalis sa backstage tinignan ko kung may mga tao pa konti nalang sila at may isang kapansin pansin ang anak kong buhat buhat nang isang babaeng nakasuot nang suit na purong pula mahaba ang buhok at kahawig ang tindig ni Maurine, dahil sa anak ko at sakanya hindi na ako muling magmahal nang kahit sino.

"Clein?!" Sigaw ko sakanya nginitian lang ako nang anak ko tsaka bumaba sa babae, unti-unti na lumingon ang babae at sya nga! Anong ginagawa nya dito? Hindi ba sya galit saakin? Iniwanan ko sya nang hindi manlang namamaalam at dinala ko yun hanggang ngayon nagsisisi ako pero kung hindi ko naman gagawin yun baka mawala naman sa akin ang anak ko.

"Mimi si ate Maurine nawala po kasi ako sa labas at sya ang tumulong sa akin" wika nang anak ko pero hindi ako makagalaw, nagtama ang aming mga mata, hindi ko na namalayan na naglalawa na ang aking mga mata, sa wakas maipapaliwanag ko na ang lahat sakanya.

Lumapit sya saakin, wala akong nakikita sa mata nya dahil wala itong kaemo-emosyon.

"Ikaw pala ang nanay ni Cm? Sya pala si Cm you keep on telling me?" Mahinahon nyang saad saakin, mukhang wala na ngang pag-asa saaming dalawa lalo na't nung umalis ako sabi nang nanay nya ikakasal na sila ni Chris baka ngayon may anak na rin sila
"Oo salamat sa pagdala nya saakin... Cm punta ka muna kay tita Bonnie mo ha kakausapin ko lang yung ate Maurine mo" nagmamakaawa na sana makipag-usap at makapagpaliwanag ako sakanya kung bakit ako umalis,kung bakit ako nawala at kung bakit inisip kong iwanan sya sa kabila nang lahat "ate Maurine dun tayo sa malapit na coffee shop magthathank you lang ako sa pagtulong mo kay Cm".

Ngayon nasa Starbucks kami malapit sa convention na naganap, magkaharap masasabi kong ngayon hindi ko man mapantayan pero may napatunayan ako sa mga taong bumatikos sa pagmamahalan namin noon.

"Salamat sa pagtulong mo kay Cm" pagbasag ko sa nakakabinging katahimikan naming dalawa "pasensya na rin at ikaw pa ang nahingan nang tulong ni Cm".
"It's nothing, I'm about to go somewhere here and yeah I met your son sinong ama?" Sinong ama? Alam nang lahat pagkayari kong iwanan sya wala na akong minahal na iba
"Wala syang ama".
"Dead? Broken?".
"Si Cm kasi hindi ko naman anak... Nung 16 years old ako pinag-buntis ni mama si Cm medyo matanda na si mama nun kaya komplikado nung nanganak sya hindi nya kinaya at namatay sa komplikasyon nagkadumi ang katawan nya na galing kay Cm tapos nun wala pang isang linggo pauwi si papa galing inuman nang maaksidente sya nang truck wala pang isang taon si Cm nun at sobrang bata pa kaya ako ang pagpalaki sakanya akala nang iba iniwanan ako nang nakabuntis sa akin dahil nawala ako nang mahigit isang taon dahil sa totoo naman tumira kami nila mama sa ibang lugar para sa panganganak nya kasama ang boyfriend ko noon na si Sam. si Cm dalawang taon palang nung pumunta tayo nang Australia" kumuha ako nang malalim na hangin para sa sasabihin ko,ayokong pagmukhain na masama ang mommy nya dahil nanay nya yun eh "binantaan nyang papatayin si Cm kung hindi ko sya iiwan, mahal kita alam mo yan pero walang kaalam-alam yung bata sa usapin natin para masaktan nang ganun, alam ko rin naman ang na gusto lang nang Mommy mo na mapaayos ka kasi kung tayo? Paano tayo mabub-".
"Si mommy?!".
"Nung gusto mong kausapin yung may-ari nang bahay malapit sa Adamson".
"They kidnapped me don't tell me it's my mom's fault".
"Ang alam ko lang sinigurado nyang hindi tayo magkikita sa pag-alis ko"muling namayani ang katahimikan pero hindi gaya nang mga nakaraan maririnig mo ang hikbi ni Maurine.

"I-I'm sorry... I shouldn't leave that day I should stay beside you that time... I'm sorry if you have to go through lot's of hardwork I don't want you to leave, I'm loving you every now and then I'm thinking if you are happy, kung may bago na ba? I'm so so sorry Bun" hagulgol nya, first time kong nakita sya sa ganitong kalagayan at kahit ako, kahit ako nasasaktan sa kalagayan namin ngayon limang taon tapos pinaikot lang kami nang nanay nya, sinulat nang nanay nya ang storya na pinagbidahan naming dalawa. Buong akala ko alam at planado at buong akala ko galit sya saakin, si Maurine naman walang kaalam-alam na pinlano ng nanay nya ang lahat, masyado na nila kaming nilaro at pinaikot, dinamay pa ang walang kaalam-alam na bata sa problema namin sakanya.
"Hindi ako dapat ang mag-sorry, ginawa ko lang yun kasi si Cm nalang ang meron ako napakabata pa nya para mawala dati sabi nya gusto nyang maging engineer kung mawawala sya hindi nya matutupad yun".
"Alam ko, kailangan ka ni Cm kahit na ako kailangan din kita pero masyado pang bata si Cm para mawala sa mundo... Now that i've found you again I'm not going to loose you again, gusto ko lang sabihin na I love you before,now and in the future mahal na mahal kita".
"Mahal din kita Maurine, hindi na tayo mawawala at ngayong alam na natin ang lahat, hindi na rin nalalayo ang katayuan ko sayo sana maulit ang pagkikita natin" sabi ko, may pupuntahan pa rin ako work wise gusto ko ring makipagkita sakanya hindi lang ito ang dapat pag-usapan marami.

Naghiwalay kami nang direksyon, masaya ako dahil nakita ko ulit sya at ang malamang hindi sya galit sa pag-alis ko ay isang malaking bagay na saakin.

Follow|Vote|Comment
-♡︎-
This time? Si Chris nanaman kawawa 🥱

-GaeNefelibata-

𝙻𝙰𝚃𝙴 𝙽𝙸𝙶𝙷𝚃 𝚃𝙰𝙻𝙺𝚂.𝙶×𝙶Where stories live. Discover now