15: inspired cata

324 26 0
                                    

Cataline Pov:
Hindi madali ang araw na ito, dito titignan ang kakayahan ko bilang studyante ayokong sayangin yung tiwala sa akin ni Alien, hindi na nga ako mapakali. Paano kung bumagsak ako? Paano kung hindi ko mareach yung expectations ni Alien at nang ibang tao sa akin? Edi yung natitira kong confidence at hiya nawala pa?.

Agad akong nag ayos. Ballpen, pencil lahat okay na ako nalang ang hindi, kahit nag review ako maghapon magdamag pakiramdam ko hindi parin sapat, kahit puro eyebags ako at kahit mas lalong madagdagan ang grado nang mata ko basta magkagrades ako nang mataas.

"huy Cataline, sinasabi ko sayo galingan mo na ito para kay Cm at para kay Alien para di ka na nila hamakin at para ipakita dun sa Maurine na yun na mas maganda ang utak kesa sa mukha" bulong ko sa sarili, okay na ako! I'm all good, Yung chat nalang ni Alien ang hinihintay ko.

👽: galingan mo, i know you can 😉

Ayan talagang ready na ako, okay na ako, ganado at inspired na inspired na ako.
Bumaba ako para tignan sana sila Tevan at Bonnie pero si Bonnie nalang ang naabutan ko wala na si Tevan.

"saan si Tevan?" tanong ko, umakbay sya sa akin.
"nagpaiwan ako kasi binilan nya ako nang sedan".
"sedan?".
"bagong kotse ikaw first ride ko".
"bagong kotse?".
"advance gift nya saakin binilan ko din kaya sya nang bagong Ducati oy hindi biro yun kaya yung sedan deserve ko yun" mayayaman, mayayaman sila kaya kung anong naisin makukuha, kung anong maisipan isang putik boom! Nandyan na pero hindi ko naman sila masisisi, may pambili sila eh kaming mahihirap naisin man namin kung mas kailangan ang kakainin nang pamilya yun ang mas uunahin. "halika na malalate pa tayo" sabi nya tsaka tulak saakin papunta sa labas, pinasok nya ako sa gilid nang driver anong tawag dun nalimutan ko, sinuot yung seat belt ko tsaka sya sumakay.
Marunong magmaneho nang sasakyan si Bonnie alam ko yun, noong nasa high school kami sumasama sya sa mga race nang motor o kaya naman kotse at nakapanood na ako nang isa, kahit na nagiisang babae sya napakalupit nyang magmaneho.
Hanggang sa hindi ko nalang namalayan nakarating na kami sa school, mga tao nakatingin saakin, mga studyante lahat saakin ang atensyon na wala naman akong kaalam-alam.

Tinapik ako ni Bonnie.
"anong problema?" umiling ako, at nagpatuloy sa paglalakad hanggang nakarating ako sa Room namin hindi pangkaraniwang araw dahil mukhang hindi sila ganun ka ingay ngayon at may nakita akong bulaklak hawak nang isang lalaki pero sure akong hindi si Alien, si Leon ito eh yung notorious fuckboy dito na kung nakapanglaplap kala mong walang bukas nakita ko yan sa likod nang Building kaya alam ko.

"pinabibigay nang admirer mo sana all ako dapat yan eh" sows para namang may taong may gusto saakin sa lugar na ito.
Kinuha ko yung bulaklak pero may napansin ako, ang bulaklak usually may letter pero ito wala, wala ring kahit ano bukod sa sunflower ito na tawag saakin ni Alien.
May isang babae namang lumapit at nagbigay nang Chocolate siguradong mahal ang Chocolate na ito na mula pa daw sa France tsaka may binulong saakin. 'sabi nya take care daw' ula ano yun? Si admirer yun?
'naniniwala daw sya sayo'
'malapit na daw kayong magkita'
'masaya daw syang lagi kang kausap'
'mamimiss ka daw nya ngayong bakasyon'
'sana daw makasama ka nya nang mas matagal'
'mahal ka daw nya from the stars to mars'

𝙻𝙰𝚃𝙴 𝙽𝙸𝙶𝙷𝚃 𝚃𝙰𝙻𝙺𝚂.𝙶×𝙶Where stories live. Discover now