13: confused heart

375 17 0
                                    

Cataline Pov:
Weekend na at walang klase, nageenjoy akong makipagusap kay Alien tuwing gabi dahil kahit paano kaya kong gumising ng tanghali pero hindi parin ganun katanghali, may trabaho ako sa palengke eh.

Agad akong naligo, nagbihis hindi naman na siguro masama ang t-shirt at tsaka pantalon hindi ba? Nag tali ako ng buhok ko at tsaka kinuha yung nagiisang bag ko maliban sa binigay ni Bonnie na bag para sa school, dinala ko yung wallet yung cellphone at yung inhaler.

Lumabas ako at nakita ko si Tevan na nagluluto si Bonnie nasa harapan, sa sink at taga abot ng kailangan ni Tevan, ang saya nila sana all sinuwerte sa pag-ibig gaya nang sinabi sa akin ni Alien hindi naman puro sakit ang pagmamahal kapag nasaktan ka baka hindi para sayo yun at pinipilit mo lang, baka silang dalawa talaga ni Bonnie kasi nagkakilala sa library turns out na engage na pala sa mga parents nila at ngayon eto masaya silang magkasama na parang sila lang sa bahay na ito.

"uy nandyan ka na kakain ka ba? Hintayin mo na ito" umiling ako, kukuha pa ako sa supplier nang baboy para ibenta nagtataas sila ngayon, bagay na hindi ko naiintindihan dahil maraming supply, nagiging gahaman na sila ngayon dahil indemand sa mga fiesta.
"hindi na kailangan ko na ring umalis *grab a bread* wag masyadong maging masaya" paalala ko bago tuluyang umalis.

Maganda ang gising ko, siguro dahil sa kausap ko si Alien kagabi madami kaming napag-usapan nalaman ko na dati syang taga Wales, kaya medyo hirap sya sa tagalog, sabi rin nya never syang nagkaroon ng Girlfriend kasi akala nang iba cold syang tao, sa tingin ko hindi naman mabait sya at magaang kausap kaya nakakasigurado akong hindi sya ganun kasnob na tao.

Sumakay ako ng tricycle papunta sa palengke, bata palang ako dito na ako nakatira kaya hindi na bago sa akin ito prinsesa nga ako nang palengke kung ituring nang iba kaya kapag yumaman ako gagawa ako ng market at sila hindi na kailangan magtiis at maghirap maabot lang ang quota nang makapagbayad nang pwesto.

"kuya Lito, limang kilong kasim tsaka limang liempo yun nalang muna kulang ang puhunan baka hindi mahabol" mabuti at mabait saakin si kuya Lito para bigyan ako ng bagsak presyong karne na mababa ko ring mapagbibili.
Binigyan nya ako ng kinuha kong karne at nilagay sa pwesto kung saan ako nagtitinda, ang mga presyo ang mga supot ay nakaayos na at ang mga Suki ay isa-isa nang dumating at kanya-kanya ng bili.

Kulang ang sampung kilong karneng binili ko pero sapat na yun para mabawi ang puhunan at magkakita ako ngayong araw.

-♡︎-

Dalawang oras palang at tapos na lahat ng karne ko kaya na pag-isipan kong mamili sa grocery kailangan nang masusustansyang pagkain ni Cm kung hindi nagkakasakit sya.

May malapit na mall sa palengke, dahilan kung bakit nauubos na ang mamimili sa palengke dahil nagkakaroon na nang mga mall na hamak na mas malinis kesa sa palengke, kung ako lang kumakain ako nang pagpag pero hindi si Cm hindi ko sya hahayaang kumain nang maruming pagkain para saan pa ang pagtratrabaho ko.

Agad akong pumunta sa grocery, bumili ako ng mga tinapay, Nutella dahil masustansya yun kahit na Chocolate ito, vitamins at mga gamot para sa kanya, mga damit, sapatos.

"k-kuya p-pwedeng p-pagtulong?" tanong ko sa isang staff habang hinihitak ang isang sako ng bigas para sa kanya at para na rin kila tita sigurong gagamitin din naman nila ito habang hindi ako nakatingin.
Imbis na ang lalaking kasama ko isang babae yung tumulong saaking magbuhat, hindi naman ako tanga para hindi malaman kahit nakayuko ako yung pulang heels.
Nakaheels pa sya nang lagay na yun, nakatalikod sya naka sleeveless na crop top, pencil skirt nakabun ang buhok pero hila-hila nya ang sako nang bigas, hindi kapani-paniwala na ganito kalakas ang babaeng ito para hilahin ang limampung kilo nang bigas.

𝙻𝙰𝚃𝙴 𝙽𝙸𝙶𝙷𝚃 𝚃𝙰𝙻𝙺𝚂.𝙶×𝙶Where stories live. Discover now