6: bullied love

438 11 0
                                    

Cataline Pov:
Isang linggo matapos akong siraan nung Maurine na kung hindi lang malaki ang hinaharap eh nakakainis, pero hindi ako kikibo mas mabuti na yun kasi mas malayo sa gulo mas mabuti.

Papasok na ulit ako ng school, hindi dahil sa umabsent ako wala sa bokabularyo ko yun, dahil nataon lang na Biyernes ang kontrobersyal na paninira sa akin ni Maurine.

Wala namang maitutulong sa akin ang paninirang puri, pangungutya at kung ano-anong bagay na hindi akala nila ikababagsak ko. Nagkakamali sila dahil ako, maagang iniwanan ng mga magulang ko, advantage naman na siguro yun para harapin ko lahat ng bagay nang walang takot at kaba. Ako, na maagang naulila kaya maagang namulat sa kalupitan ng mundo kaya sanay na ako at ang paninirang-puri? Isa nalang katatawanan sa akin yun.

Pagkayari kong mag luto ng kakainin ni Bonnie at ako ay naligo na ako at nag bihis, nag handang pumasok tsaka ko tinawag si Bonnie na syang hindi pa nakakasuklay manlang sa mahimbing na pagkakahiga sa kanyang kama.

"hoy Bonnie! Gising na" hindi manlang ito natinag kaya sa pangalawang pagkakataon mas nilakasan ko pa.
"BONNIE GISING!" at nagising na ito sa gulat, agad ko syang inaalalayan at sinabihang maghanda na sa pagpasok niya sa skwela.

Ang mga magulang ni Bonnie, talagang ayaw na syang patirahin pa sa Pilipinas, marami na daw kasing nagawang kabulastugan yang si Bonnie at inaamin ko, talagang napakarami na nga. Nung high school kami kahit magkahiwalay kami ng school dinadayo nya ako at puro pasa, madalas pa nga sa likod kami nang mustang nya nagpapalipas ng gabi dahil napagalitan sya, sa limang taong pagkakaibigan, apat na taon puro kabulastugan, sya nga ang nagpapasok sa akin sa mga pagent nun kahit wala naman akong pera tapos yung premyo sa akin lang kahit sya ang gumusar ng gumusar.

Matapos syang kumain tsaka ko namang sakay sa kotse nya sa passenger seat, tsaka nya ako hinatid sa campus.

Pagbabang-pagbaba ko at ni Bonnie, nakita ko agad ang mga tingin sa akin ng mga tao, matatalas at kung nakakamatay ang tingin baka kaluluwa ko nalang ang nakatayo ngayon.
Kahit saan ako lumingon, hindi nawala yung mga tinginan, bulungan, at yung iba pa nga ay nagsisi pag-irapan pa kapag dumadaan ako.

Hawak ko ang kamay ni Bonnie na hindi na rin alam ang nangyayari, hindi ko alam kung bakit parang napakalaki ng kasalanan ko sa bawat isa sa kanila kaya nila ako ganyan nalang kung tignan, wala akong ginawang masama at nanahimik ako kaya bakit ganito sila? Bakit ganito sila kung makatingin, kung tignan nila ako buhay pa ako pero pinapatay na. Tapos nakita ko si Maurine.

"hindi na nahihiya? You really did enter this school as if nothing did happened last week? As if that post won't do anything about you? Well it does because look at them, they're all disgusted looking at you" sarkastikong boses ni Maurine habang nakatingin sa akin, hindi na sana ako magsasalita dahil alam kong wala akong kasalanan sa kanila at hindi ko dapat idepend ang sarili ko sa kanila pero ang mga tao at mga studyante dito kanya-kanya na rin ng paratang na mas lalong dumagdag sa boltahe ng kaba ko.
"bakit ka ba nagkakaganito Maurine ha? Wala naman akong ginagawa sayo, sa bestfriend mo o kahit sino, tahimik akong nag-aaral kaya bakit mo ginagawa sa akin ito".
"dahil hindi ka dapat dito, dapat sayo nasa basurahan!" sumagot ang bestfriend ko na hinawi ako sa likod nya.
"basurahan? Sa basurahan dapat ilagay ang kagaya nya? Eh yang ugali mo saan ba dapat nilalagay? Daig mo pa ang taong walang pinag-aralan sa inaasal mo ngayon, mayaman ka oo alam ng lahat yun pero hindi lang dapat pera ang meron ka, matuto kang makisama lalo na't hindi ka kagaya sa Australia na prinsesa".
"sino ka ba para makialam".
"tignan mo sa sobrang pagmamalaki mo, ang taong bumaba lang sayo ng isang hakbang hindi mo na kilala. Ako si Bonnie Sandoval, anak ni Lourdes Sandoval at Mike Sandoval ang mayari ng Sandoval empire".
"wala. Akong. Pakialam. I'm taking to the one behind you anyway and not you. Maybe your from a high class family but let me tell you this high class is different with elite and royalty family which is me".
"mas lalong wala akong pakialam, mayaman ka dahil sa mga magulang mo at sa mana mo kaya kapag yan nawala? Saan ka aabutin na tangina mo" pinigilan ko si Bonnie, masyado nang maraming nasabi at mauuwi sigurado sa away ito, may klase pa sya na kailangan iattend din kaya mas maiging tigilan na ang away na ito.
"mabuting Lumayas ka na bago pa ako hindi makatansya" hinayaan ko nang umalis si Bonnie kaya ko na ang sarili ko, maliit na problema lang naman ito, at isa pa alam kong mahahanap ko rin ang kahinaan nang babaeng ito at sinisigurado ko rin na pag nahanap ko yun matuturuan ko syang tignan ng pantay-pantay ang mga taong nasa paligid nya.

𝙻𝙰𝚃𝙴 𝙽𝙸𝙶𝙷𝚃 𝚃𝙰𝙻𝙺𝚂.𝙶×𝙶Where stories live. Discover now