23: love and care

339 19 2
                                    

Cataline Pov:
Nagising ako sa sinag nang araw sa mukha ko, agad kong hinanap ang cellphone ko nang nakapikit hanggang sa nakita ko ito.

10:45? Tanghali na pala, agad akong nag-inat inat tsaka na rin tumayo wala naman akong nakikitang kasama ko dito, bukod kay Maurine na nakaharap sa laptop nya ngayon.

Agad kong tinungo yung ref naghahanap nang pwedeng makain at pwedeng mailuto dito.

Nilingon ko si Maurine busy parin sya sa laptop nakasalamin pa at may katabing notebook sa tabi nya.

"Kumain ka na?" Tanong ko, hindi nya ako nilingon bagkus tumango na sya baka importante talaga yung ginagawa nya baka dahil sa school.
Ipinainit ko nalang yung pagkain namin kagabi tsaka kumain sa tabi nya sa sofa, halatang seryoso sya sa ginagawa nya. "Ano ba yang ginagawa mo?".
"Fixing the data, dad can't handle anymore since there's lot to do and we are launching another collection this month he was asking me for some strategy" wala akong naintindihan ang alam ko lang may bagay na may kinalaman sa business.
"Ano yung products?" Tanong ko sakanya binigyan nya ako nang mga papel na may print Eto ata ang mga products, mga bags and shoes karaniwang mga damit parang isang clothing line.

"Clothing line ni mommy yan, dad can't handle coz hes managing a mall while mom can't as she's publishing another collection for this" sabi niya, sa nakikita ko Summer collection ito dahil summer nga ngayon anong magandang promotion ang pwede dito hindi uubra ang sales talks at marketing dahil bababa ang sales rate nila kapag ganun.
Nakita ko yung katawan nya, mas maganda ang katawan nya these days dahil nagiging libangan na nya ang paggygym kahit nasa bahay lang
"Maganda ang katawan mo,bakit hindi mo iendorse ang sarili mong clothing line".
"I don't think so i can ask someone who can".
"Diba sabi mo elite family kayo dito, so kilala kayo dito at kapag kilala ka maraming bibili nang clothing line mo".
"I don't think of endorsing this alone look it's just fucking sexy for me".
"Sexy ka naman ah, gusto mo samahan kita?".
"Would you do that?" Tumango ako, bago pa ako ipanganak sa mundo gusto kong isang beses sa buhay ko makilala ako bilang isang babaeng nakikita sa publiko or isang sikat na babaeng nag-e-endorse nang ganito ganyan gusto ko talagang mag-model at dahil mahilig manahi ang nanay ko noon ginagawan nya ako lagi nang damit para irampa ko.

Dahil wala naman yung dalawa napagdesisyunan naming pumunta nang Sydney para sabihin sa mommy nya yung balak naming dalawa tutal nasa Sydney rin naman yung dalawa para naman dun sa may sinasabi nang tatay daw ni Chris na bagong branch eh sumasama si Leo para bisitahin yung parents nya na nasa malapit lang.

Sya na ang nagdrive habang ako nasa tabi nya nagjajam at kung ano-anong pinag-uusapan namin para kaming magjowang bago palang at sweet na sweet pero kami walang label.lagyan ko na kaya? Chour wala ako sa mood.

Nakarating kami dun sa mansyon nila agad kaming sinalubong nang mga men in black nila karaniwan mga Asian at akala mong isang boy group ang gwagwapo.

Lahat nakabow silang lahat samantalang si Maurine hawak hawak ako, yung mga yaya kinuha agad yung bag naming dala-dala sabay payong saamin papasok nang mansyon, kailangan pa kasing maglakad nang kaunti mula sa grape farm bago makarating sa mismong mansyon hindi na naipapasok ang sasakyan hanggang sa bungad lang nang mansyon.

May lalaking bago sa paningin ko ang nakaupo sa sala at nagkakape habang binabasa ang papel kaya nanatili akong nasa harapan since mukha syang nakakatakot.
Si Maurine lumapit sa lalaki tsaka kinuha ang papel na hawak na ito.

"What the hell?" Bulong nito pero nagulat sya nang makita si Maurine. "Maurine,my dear cousin it's been awhile".
"Yeah Marcus, you haven't visit me for such long time".
"Yeah, I'm busy with my new invention so how are you been?are you together with Chris now? Do you have child already?,is he good in bed?".
"Shut the fuck up, I'm actually with someone else and I'm following your step,yours and deriod step".
"Your also gay?" Ahuh, bakla rin sya i mean yes lesbian nga ata sya eh kinuha nya ako tsaka dinala sa tabi nya. "I see, anyways uncle Mario want to call you for something".
"What's that something".
"Mortal bitch of your life" mortal bitch hala, sino kaya yun at nararamdaman kong nagpupuyos sa galit si Maurine marinig ko palang, iniwanan nya ako kay Marcus daw na yun habang sya umakyat para puntahan yung sinasabing mortal bitch na yun, naalala ko pa yung sinabi nya bago umalis 'take care of my love for me'.

𝙻𝙰𝚃𝙴 𝙽𝙸𝙶𝙷𝚃 𝚃𝙰𝙻𝙺𝚂.𝙶×𝙶Where stories live. Discover now