4: cheap

469 12 0
                                    

Cataline Pov:
"Ms. Castillo? Because you showed outstanding intelligence in my class although your only an scholar of Adamson, the principal and the council decided that you will go to the higher section in class 69-A. After the morning period you may go get your things and go there" sabi ng teacher ko, ako? Bakit ako? Isang linggo palang ako sa Department na ito at mag-isa dahil wala dito si Bonnie sa ibang department sya pumasok ayaw daw nya ng business management at nagmusic nalang sya, mayayaman nga naman anong magagawa ng music sa kinabukasan mo, magaaral ka ng music nang hindi mo pa sigurado kung sisikat at kikita ang kanta mo. Nagpapaka praktikal lang ako kaya kahit mahirap ang business management yun ang pinasok ko, pag mataas ang natapos mo maraming kompanya ang kukuha sayo.

At ngayon wala pa akong kahit isang buwan o taon matataas agad ako ng Class, yung Class 69-A mukhang maganda kung papakinggan parang yung sa mga tv mayamang section tapos may gwapong lalaki na mayaman tapos ayaw nang pamilya tapos magkakaamnesia joke, feeling nasa fiction nanaman ako.

Gusto kong makaangat sa buhay sa paraang alam ko, kung susundin ko si auntie? Baka ngayon sumasayaw na ako sa harap ng matatandang lalaki, ayokong maging ganung klase ng babae kaya kahit anong trabaho syempre maliban lang dun papasukin ko, pagtitinda sa palengke, pagtitinda ng chicharon kahit nga pagiging kargador ginawa ko na makaipon lang ng pera sa pagaaral ko pero yung ipon na yun? Ginamit ko nalang sa pang-araw araw na pangangailangan ko at ng mga kasama ko sa bahay.

Ilang minuto nalang at matatapos na ang klase, sana wag nang mag overtime itong si professor kasi kilala daw ng lahat yan bilang masungit na byuda, gusto ko nang pumunta ng music Department para ibalita ba kay Bonnie yung goodnews.

"class dismiss" pagkarinig na pagkarinig ko sa boses na yun agad akong kumaripas ng takbo paalis ng Room at agad sumakay ng elevator, habang hinihintay kong dumako sa ground floor tinanggal ko na yung suit ang hirap na nga nang may anong tawag dito yung parang matigas na Kawit ng Bra na may sintas ng sapatos? Yun ang sikip sa katawan hindi ko maigalaw yung likod ko pero iwas osteoporosis to.

Pinuntahan ko agad sya sa Department nya at sakto, nasa labas rin sya papunta sa Department ko, agad naming tinungo ang canteen para bumili ng Lunch kapag ganitong break na namin lagi kaming nagpupunta sa isa't isa para sabay kaming kakain.

Umorder ako ng udon ramen masarap kasi dito yun at sya naman sashimi, taong mahilig sa seafood.

"Bon may sasabihin ako sayo".
"ako rin Cata pero mauna ka na".
"hindi mauna ka na mukhang mas importante yung sayo" lumingon sya sa paligid at makayari ay ngumiti may tinawag sya sa ibang lugar tsaka nya pinapunta sa lugar namin.
Isang makisig na binata, matangkad, maputi at may freckles pa ah, kung maglakad halatang mayaman, at higit sa lahat nung nagsalita na sya.
"Hello" napakalalim na boses, hinukay ba yan sa kailaliman ng lupa kala mong sinaniban ng sampong demonyo ang boses pero yung mukha kala mo anghel?.

Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa pagkagulat sa lalaking yun na ang boses mas malalim pa sa Pacific ocean.

"Cata, boyfriend ko" napaubo nalang ako, buti pala at hindi ako kumakain kung hindi nagkasabugan dito ng wala sa oras.
"b-boyfriend? Hindi b-ba? Ano ka?" may halong care yung tanong ko baka hindi alam nitong lalaking ito baka mamaya iwanan pa sya naging kasalanan ko pa.
"oo, kaso- itong shuta kasi na ito bigla akong pinafall ayun kahit na sabi ko buong buhay ko sa babae lang ako hindi nagkatotoo".
"mukha nga, eh anong pangalan nyan? Nakakatakot yung boses pero yung mukha pangkinder".
"*extra deep voice* Tevan".
"Tevan? Ako si Cataline, Cata for short" nilahad ko ang kamay ko para sa handshake kaso hindi ko alam kung matatawa ako o nabwibwisit bakit ganun? Ang lambot ng kamay nya pero yung boses hindi? Ganito na ba ang mga lalaki ngayon? Dual sim na?.

𝙻𝙰𝚃𝙴 𝙽𝙸𝙶𝙷𝚃 𝚃𝙰𝙻𝙺𝚂.𝙶×𝙶Where stories live. Discover now