41: love exist but sometime fails

205 13 0
                                    

(...before...)

Cataline Pov:
"Layuan mo na sya bago pa may mangyaring masama sa taong pinakaiingatan mo" sa sinabi ni Bonnie hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, mahal na mahal ko si Maurine alam yan nang bituin at mga tala pero ang i-give up si Cm para sakanya ang hindi ko magagawa, napakabata pa nya wala syang alam sa mundo dadalawang taong gulang palang sya at walang kaalam alam sa mga nangyayari sa nanay nya, siguro hindi pa panahong magkasama kami, o baka hindi talaga kami para sa isa't isa.

Ngayon nasa eroplano ako, siguro panahong ito nakauwi na si Maurine sa bahay nila at hahanapin nya ako sigurado pero wala ako dun, kung hindi tutol ang buong mundo saaming dalawa hindi sana magkakaganito, totoo nga ang sinabi nang mga magulang ko, magmamahal ka nang kahit sino pero hindi lahat yun kaya kang mahalin pabalik at kung mahalin ka rin nya, estado,paniniwala, katayuan, at kung ano-ano pa ang hahadlang na maaring tumibag sainyo. At kami ni Maurine tinibag kami nang isang taong mapride na ayaw maging masaya ang sarili niyang anak.

Maya-maya pa lumapag na ang eroplanong sinasakyan ko papuntang Pilipinas ayokong umuwi dito nang hindi kasama si Maurine noon dahil takot ako sa pagbaba nang eroplano pero ngayon kinaya ko, pagpapatunay na pinalalakas ako nang simpleng pag-alala lang nang mga pinagsaluhan naming sandali.
Matapos nun sinundo ako nang isang kotse papunta sa bahay namin, kahit namumugto ang mga mata ko pinilit kong huwag magpahalata dahil mag-aalala lang sa akin si Cm.

Pag-uwi ko walang kahit sinong sumalubong sa akin, si tita Jonna mag-tong-its sigurado si Cm kaya nasaan?.

"Cm? Mahal ko!" Sigaw ko sa bahay pero walang kahit sinong sumagot, binuksan ko yung kwarto nya at nandoon sya mahimbing na natutulog, batang-bata pa sya dalawang taon palang kailangan ko syang iwanan kila Auntie para maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko para rin sa kinabukasan nya.
Agad ko syang tinabihan at niyakap nang pagkahigpit-higpit kasabay nang luha ko, kaya kong isakripisyo ang sarili kong pagmamahal para sayo anak ko, hindi kita hahayaang masaktan.

"Mimi? Mimi!" Wika nya saakin, Mimi ang tawag nya sa akin,nagising ata nya sa hikbi ko "umiiyak ka po?".
"Hindi po, namiss lang po kita nang sobra".
"Madalang po kasi kayong dumalaw eh".
"Oo nga eh sorry po ah... gusto mo bang kasama mo na si Mimi habang buhay?".
"Opo!".
"Kung ganun maligo na tayo dahil titira ka na sa bahay ni Mimi" dahil sa sinabi ko lumundag agad sya sa higaan, kagigising lang nya hindi pa pwedeng maligo kaya nag-ayos muna kami nang mga kailangan nyang dalahin lahat na nang gamit nya kinuha ko na tutal may sasakyan naman na binigay nang nanay nang jowa ko o ex ko na tutal wala na kami.

Pagkayari naming mag-impake, pinaliguan ko na sya at binihisan binuhat ko sya paalis nang bahay na yun, hindi ko na kailangan mag-aksaya nang panahong magpaalam pa sa mga tao dito tutal wala naman itong pakialam sa akin.

"Saan mo dadalhin yang bata makasalanang nilalang?" Sabi ng kung sino nilingon ko sya at si tita Jonna "nagkaroon ka nang babaeng karelasyon matapos kang pumatol sa kaklase mo noong may hotel sa ibang bansa?".
"Wala akong oras sayo tita ano mang nangyari sa akin noon at ngayon wala kayo sa posisyon na kuwestiyunin".
"Napakawalang kwentang babae mo talaga, napakapatapon mo na! Matapos mong magpabuntis nang napakaaga makikipagrelasyon ka sa babaeng tagapagmana ha!".
"Ikaw? Binibigyan kayo nang pera para alagaan ang anak ko pero anong ginawa nyo? Naglalagkit ang anak ko dahil sainyo at yung anak mong kung makahingi saakin nang pera hindi ba nakabuntis yun ipinalaglag nyo lang? Sinong mas patapon saatin ngayon? Ako inaalagaan at pinapalaki ko nang maayos ang anak ko at kung magkaroon ako nang relasyon sa isang babae ginusto ko yun at dahil mahal ko sya" sabi ko tsaka ko inayos ang anak ko papunta sa sasakyan, hinding-hindi na ako babalik sa lugar na ito, ayokong lumaki ang anak ko sa ganitong klase nang lugar.

-♡︎-

*Knock knock*
Bitbit ang maleta ko bag nang anak ko at ang mismong anak ko nasa condo kami ni Bonnie walang alam ang bff ko tungkol sa anak ko basta ang alam lang nya ay may Cm akong sinusuportahan.

Binuksan yun ni Tevan at nagulat rin sya nang makita ako.

"Akala ko sa isang buwan ka pa?" Sabi niya nakita nya si Clein (tawag nya kay Cm) "sino sya?".
"Cm anak ko" pumasok kami sa loob si Bonnie nasa kusina at alam nyang uuwi ako nagayon.

"Sya si Cm? Anak mo?" Tanong nya saakin, inupo ko yung bata para kumain.
"Dito na muna kami babayaran kita sa lahat pangako ko sayo, hindi rin sya magiging pabigat".
"Okay lang pero kanino?".
"Mahabang kwento na ayaw ko nang balikan kahit kailan, pero sya si Cm" nilapitan nya ang anak ko, tsaka nya niyakap.

"Kaya ba umuwi ka para sakanya? Alam mo mukhang tama naman yung desisyon mo walang kaalam-alam itong batang ito isa pa magkahawig na magkahawig kayo...aalagaan natin sya ikaw, ako at si Tevan aalagaan natin si Cm".
"Clein Melody po ang pangalan ko" sabi nang anak ko, si Tevan naman kinuha si Cm tsaka dinala sa game room nya may mga gaming console sya dun at magugustuhan talaga yun ni Clein.

At habang nandoon silang dalawa, nag-usap naman kami ni Bonnie tungkol sa pangyayari sa Australia.

"So anong nangyari hagulgol ka nang hagulgol sa telepono kanina eh" sabi nya, Akala ko matapang na babae na ako dahil napalaki ko yung anak ko, akala ko matapang na ako kasi nakaya kong mabuhay kahit wala akong mga magulang, akala ko rin magiging successful na ang pagmamahalan namin ni Maurine kaso hindi ganun yung nangyari.
Napasandal nalang ako sakanya habang umiiyak sa sakit na nararamdaman ko.
"Nung naging kami ni Maurine akala ko hindi na mauulit yung nangyari sa amin ni Jethro pero nangyari ulit...hindi na ata ako karapatdapat magmahal at hindi na ata ako karapatdapat pang mahalin".
"Alam mo kung para sayo talaga bakit hindi mapapasayo,isipin mo nalang yung anak mo kailangan mong tumayo para sakanya, tutulungan ka namin ni Tevan pero kailangan mo paring tulungan ang sarili mo ah, kailangan mong tumayo at maging successful para mabigyan mo nang buhay ang anak mo at maisampal mo dun sa mga nanghamak sayo noon" tama sya.

Babangon ako hindi para sakanila, para sa anak ko at para sa sarili ko nang hindi na ako mahamak nang kahit sino sa susunod...

Follow|Vote|Comment
-♡︎-
Nakakabaliw hahaha!

-GaeNefelibata-

𝙻𝙰𝚃𝙴 𝙽𝙸𝙶𝙷𝚃 𝚃𝙰𝙻𝙺𝚂.𝙶×𝙶Where stories live. Discover now