12: how you feeling

358 15 0
                                    

Author:
Halos buong gabing makausap si Cataline at si Alien na hindi namamalayan na hindi na sila nakatulog kaya ngayon halos Malate si Cataline sa pasok nya sa school.

Nakapasok na sina Bonnie at si Tevan at nag-iwan lang ng isang mensahe sa lalagyanan ng pinggan.

'ang tagal mong magising di ka na namin nahintay'

Basa nya sa mensahe sa papel, na pahinga nalang sya nang malalim the fact that she only have 30 minutes to get ready and to get to school but she's not regretting the whole time she was talking with alien, she find home with him.

Hindi na nya nagawang makaligo pa at agad nalang nag damit, hindi na rin sya kumain at gamit ang paa tinakbo nya ang halos isang kilometrong daanan papunta sa skwelahan nila. Hindi nya ininda kung may takong ang kanyang sapatos ang gusto lang nya makapasok nang nasa oras.

Pagdating sa Room ang mga mata lahat nasa kanya, lahat ng atensyon hawak nyang lahat maging si Chris at si Maurine.

Cataline Pov:
Lahat sila nakatingin sa akin? Siguradong Late na ako kaya ganun, napalingon ako sa wall clock at 5 minutes late na ako.

Kung mas maaga akong nakatulog sana nakagising ako nang maaga, tingnan ko si Bonnie inaaya akong pumunta sa upuan pero hindi ako makagalaw hanggang nakita ko yung mga lalaking nakatingin hindi sa akin kung hindi sa hita ko.

Anong meron sa hita ko tiningnan ko ito at nakalilis pala yung palda ko, kaya kitang kita nila yung suot kong cycling sa loob nito.

Nakakahiya, nakakahiya na parang hinuhubadan nila ako sa gamit ang titig nila, habang inaayos ko ang palda ko hindi ko maiwasang maluha. Hanggang naramdaman ko ang isang kamay sa braso ko, tiningnan ko ito at si Maurine, hinihitak ako papuntang banyo.

"anong ginawa mo kanina?" tanong nya sa akin pero hindi ako maka sagot natatakot parin ako sa kanya inaamin ko, mas pinipili ko lang na maging matatag.
"Late na ako kaya tumakbo ako" nilabas nya ang isang bagay pagka yaring suriin yung palda ko, mahabang sinulid, kaya ba halos nahulog na yung palda ko kanina at pati cycling ko nadamay?
"for sure there's a something sharp in your way maybe those thorny gate barricade that's why you rip your skirt off including your short inside" Sabi nya, kumuha sya sa bag nya nang isang maikling short hindi gaya ng cycling ko nakikita ko ito sa mga artista kapag nagpeperform sila yung parang ga-panty nilang short. "wear that I'll he getting you a skirt".
"bakit ang bait mo sakin?".
"none of your business" Sabi nya tsaka naglakad.

Hindi ako sanay nang may tumutulong sa akin lalo na ang sariling nambully sa akin noon, hindi man tumagal nang isang taon pero nagdala nang trauma sa akin yung ginawa nya, pero ngayon napakabait nya sa akin nakuha pa nyang ipagpaliban ang klase para lang tulungan ako na dapat natatawa sya dahil sa nangyari sa akin.

Naupo muna ako sa sink habang hinihintay sya sinigurado rin nyang walang ibang pupunta sa cr na yun dahil sa vip Room pa kami nagpunta, iniwanan nya ako nang towel na itinakip nya kanina sa likuran ko habang papunta kami dito.

Si Bonnie nagaalala for sure pero hindi daw sya hinayaang palapitin sa akin ni Maurine base on her chats.

"ayan na suot mo na" sabi nya, agad ko namang sinuot yun, tama yung kinuha nya mas malaki ito kesa nung palda ko noon.
Extra yung bait nya sa akin ngayon, mas concern pa sya sa akin kesa sa pagaaral nya.
"ang concern mo ngayon sa akin parang hindi mo ako muntik patayin nun" pabulong kong Saad sa kanya, akala ko hindi nya maiintindihan lalo na't english spokening dollar itong babaeng ito.
"I'm sorry for what I have done last time, I just get jealous because Chris is being much protective over you".
"hindi kaya yun totoo".
"how would you say so".
"sabi nya sa akin may gusto sya, kaso lang hindi ako yun kaya alam kong hindi totoo yan sinabi mo".
"who is that girl by any chance?".
"hindi mo sya kayang bugbugin wala rin ako sa tamang kalagayan para sabihin yun ikaw nalang ang magtanong sa kanya" hindi ko naman pwedeng sabihin gusto ni Chris si Maurine, sigurado akong magkakasira sila kung sa akin mismo manggagaling yung issue diba edi mas lalo akong naguilty.

𝙻𝙰𝚃𝙴 𝙽𝙸𝙶𝙷𝚃 𝚃𝙰𝙻𝙺𝚂.𝙶×𝙶Where stories live. Discover now