Chapter 58:Busy

105 2 0
                                    

Chapter 58:Busy

Eryn POV

Patakbo akong lumabas ng habang pilit na sinusuot ang sapatos ko.Mahina akong napamura ng malimutan ko ang Project ko sa Architecture,pinaghirapan ko yun kagabi na tapusin at deadline na ngayon,pag diko yun napasa alam ko na ang kahahantungan ng grades ko.

Bakit ba kase 8am na ako nagising? Kung di lang dahil sa tawag ni Zekie di talaga ako magigising.

Dalawang araw na ang lumipas simula nong ilibing si Jacob,hanggang ngayon lahat kami nagluluksa pa at maka-move on sa nangyari lalo na ang mga magulang ni Jacob at pati narin si Samantha.Di kami in Good Terms ngayon dahil sinisisi nya sakin ang mga nangyari.Dalawang araw na kaming walang contact sa isa't-isa kahit anong pilit na tawag at text ko para i-explain ang totoong nangyari di nya sinasagoy.Well,actually tama din naman sya eh kasalanan ko din dahil kung di dahil sakin malamang buhay pa sya.Diko akalain na dun magtatapos ang buhay nya

Agad kong natanaw si Zekie na naka-uniform habang nakasandal sa sasakyan nya,ngumiti sya agad sakin nang makita nya akong papalapit sa kinaroroonan nya.

"Hey,wifey" kumaway sya pero ngumiti lang ako dahil hawak ang project ko at iniingatan ko yung mahulog.

"Salamat at nandito ka na tara!" ako na mismo ang nagbukas ng pinto ng sasakyan nya at saka pumasok.

"Nagmamadali ka naman ata--"

"Saka nalang tayo mag-usap pag nakarating na tayo sa GFU" sinilayan ko ang wrist watch ko at 10 minutes nalang bago matapos ang time deadline ng hawak ko.

"But--"

"Please Zekie,wag ngayon.Nagmamadali ako" agad ko syang pinutol sa pagsasalita.

Di na ulit sya nagsalita at inistart na ang makina ng sasakyan nya.Kinuha ko yung phone ko at sandamakmak naman na text mula kay via ang pumuno ng inbox ko.Pare-pareho lang yung message,tinatanong ako kung san' na ba daw ako,kelan ako dadating,dadating pa ba daw ako at marami pang iba na pinapadali ako dahil nasa classroom na raw si Ms.Velaso at hinahanap na raw output ko.

"Nandito na tayo" napa-angat ako ng tingin dahil huminto na ang sasakyan nya.

"Sige" bubuksan ko na sana ang pinto  nang hawakan niya ang kamay ko kaya kunot noo akong napatingin sa kanya.

"Are you okay?" hinarap nya ako sa kanya at hinwakan ang muka ko.

"You seem so stressed this days at sa tingin ko wala ka ng matinong pahinga"

"Pero kailangan kong magpasa ng project kaya saka na tayo mag-usap pag wala na akong ginagawa" hinalikan ko sya sa pisngi at dali-daling lumabas at tumakbo.

Dalawang araw na ngang inilibing si Jacob at kasabay nun ay sobrang busy ko na,pabalik-balik ako sa bahay ni Tita para kumustahin sila tas pagkatapos nun ay pupunta na naman ako sa bahay nina Via para sa tutoring ko sa kanila tas babalik na naman ako ng bahay para gawin yung sarili kong responsibilities at kinabukasan naman ay pupunta na naman MC-EAT para sa duty.Lahat ng yan ginawa ko sa loob ng dalawang araw at tanging dalawang oras lang yung pahinga ko.Sobrang stressed na ako pero pinipilit ko yung sarili kong magpapakatatag para kayanin lahat ng to kahit pagod na ako,sobrang pagod na ako feeling ko nga maya-maya ay magco-collapse na ako.

Malakas kong binuksan ang pinto ng classroom ng hindi sinasadya kaya lahat sila napatingin sakin,pati si Ms.Velaso gulat rin na napatingin sa kinatatayuan ko.

"O my god Eryn sobrang lakas ba ng hangin sa inyo para magkaganyan yang buhok mo at look at your face parang bumalik ka na ulit sa pagiging pangit mo---ay pangit ka pala talaga no?" sabi nung maarteng babae na malapit sa pinto at may hawak pa na salamin pero binalewala ko lang sya at pumasok.

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now