Chapter 15:Stranded

179 10 1
                                    

Chapter 15:Stranded

"*achoo* *achoo* G-grabe naman tong lugar n-nyo E-eryn m-masyadong w-wild pati y-yung aso g-gusto kami *achoo* " (Kaizer)

" *achoo* Oo nga,tingnan mo t-tong s-suot namin p-para kaming g-ginawang basahan *achoo* " (Ryle)

Napatingin ako kay Axcel na ini-expect kong mag sasalita rin pero mukang na thromatize na ata dahil nangyari sa kanila. Feeling ko matatawa ako na maawa dahil sa sinapit nila dahil sa mga aso ng kapitbahay ko. Yung tshirt ni Kaizer ay punit-punit na tas may basura pa sa balikat nya.Si Ryle mas doble ang punit na nangyari sa shirt at shorts nya,may mga bahid ng uling naman ang dalawang mata nya kaya nagmuka tuloy syang Matured na Panda habang si Axcel?? Unexplainable dahil wala na syang t-shirt at tanging mga nanginginig na mga kamay  lamang ang tinatakip nya,may maliit namang diaper ang naka-sukbit sa ulo nya kaya feeling ko maya-maya ay masusuka ako.

"Laking pasalamat nalang talaga namin sa drainage malapit sa bahay mo dahil kung hindi kami tumalon ay baka di na kami umabot ng buhay dito" at bumuntong hininga pa.

Ycks....Tumalon sila sa maruming drainage na yun??

"Bakit ba kase kayo nan--"

"P-pwde ba E-eryn mamaya k-kana mag-tanong at t-tanong naman namin a-ang s-sagutin mo?" HAHAHA after 53421 Years naka-recover rin si Axcel sa Oplan Jump to the Dirty Drainage plan nila at nag salita rin sa wakas.

"At ano naman yun,Axcel"

"SAN' YUNG SHOWER NYO RITO???" sabay sabay nilang sabi.

Sabi na nga ba't  yun talaga ang unang hahanapin nila....

"Whooohooo grabe ang ganda ng tubig ninyo,kasing ganda mo Eryn" sigaw ni Ryle habang tinataas pa ang hose ng tubig.

"Oo nga feeling ko luminis ulit yung buong katawan ko" sabi pa ni Axcel at inagaw ang tabo na hawak ni Kai.

"Hoy san na yung shampoo" (Kaizer)

"Tangeg,hawak mo lang" sabay batok ni Ryle kay Kaizer

Diko akalain na sa ganitong oras may naliligo pa kahit sobrang ginaw na.Bumalik ako sa loob at kumuha ulit ng mga twalya,alangan namang pabayaan ko sila diba nandito na sila e tas kawawa naman sila kahit may ginawa silang pambubully sakin,like duh?? Am'bait ko kaya kahit ginanun nila ako.

*****

"So ayun nga bakit kayo nandito?"

"Eto kaseng Step Mom ni Pinuno,pinabugbog nya pero pasusundan nya rin naman samin baka daw anong mangyari sa kanya eh mag-aalala pa ba sya kung halos lasog-lasog na yung katawan ni Pinuno dahil sa mga inutusan nyang ipa-bugbog para lang mapilit na maipunta dito." habang tinutuyo nila ang mga buhok nila gamit ang twalya.

Buti nalang talaga at maraming gamit na iniwan si Jacob dito sana lang di ako pagalitan nun,branded pa naman ang mga shirt na sinuot netong mga kumag na'to.

"Ano??" tanong ko habang naka-upo kaming apat sa sala habang nagkakape kami.

Syempre nag kape narin ako noh,1AM na tas sobrang ginaw pa dahil sa walang humpay na ulan.

Bagyo na ata to ....

"U-uhm ano kase......" di magawang mag salita ni Kai na nasa tabi ko lang,bale nasa kaliwa ko si Kai at kaharap ko naman naka upo sina Axcel at Ryle sa sahig.

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now