Special Chapter

152 6 0
                                    

Special Chapter:HallucinaLOVE

Kendell's POV

"Oy nasan ka ba kase?" napa-iling ako sa boses ni Cloud mula sa kabilang linya,rinig na rinig ko ang wantusawang tugtugan at alam kong nasa bar na naman sya.

"Nasa pharmacy,bakit ba?" inabot ko ang pera dun sa babae dahil ang totoo bumili ako ng soju at para lang to sakin,e sa gusto kong mag-isa e.

"Tss,pumunta ka rito samahan moko,ako lang mag-isa" natawa ako,sa kagaya nyang womanizer mag-iisa pa ba sya? Baka nga kakatapus nya lang makipag bardagulan sa kama.

"Masakit ulo ko kaya di pwede"

"Tss.." pagkababa ko ng phone ay lumabas na ako,sakto namang nasa harap na ako ng pinto nang biglang may nagtatakbong babaeng pumasok kaya nabangga ako't nabitawan ko ang mga bote.

"What the f*ck!!" nabasag sa sahig ang mga bote pero di man lang huminto yung babae at tuluyang pumasok sa loob.Inis kong sinundan yung babae sa loob at agad na hinanap.

"Hey!" tawag ko pero sa tingin ko di nya ako narinig dahil patuloy parin sya sa paglalakad

"You!" nilakasan ko yung boses ko kaya gulat syang napalingon sakin

"Bakit mo ko binangga kanina at hindi ka man lang humingi ng tawad?" lumapit ako sa kinatatayuan nya pero palingon-lingon lang sya sa likuran ko na parang may binabantayan.

"Hey!Are you listening--" nagulat ako nang hilahin nya ako sa isang sulok para magtago

"Anong ginagawa mo?"

"Nagtatago"

"For wha--ahsuwjsk"bigla nyang tinakpan ang bibig ko at kasunod dun biglang nagkagulo.May mga naka-itim na mga lalaking pumasok at  tila may hinahanap

"Hanapin nyo yung babaeng yun,sigurado akong nandito lang yun"

Sa tingin ko alam ko na kung bakit sya nagmamadali,humigpit yung kapit nya sa kamay ko na parang maya-maya ay tatakbo na.Dahan-dahan kaming gumapang sa likod ng mga shelves nang makita kami nung isang lalaki.

"Nandito yung babae" lalapit sana sya nang sipain ko ang sikmura nya.

"Takbo!!" sabay kaming kumaripas palabas,may iilang sumalubong samin kaya diko inaasahang mapapalaban ako--ay hindi pala,kaming dalawa pala ang mapapalaban.

Tumakbo ako sa motor ko at agad na pinaandar.

"Angkas!" sigaw ko dun sa babae at tumakbo naman syang sumakay.

"Hoy!!! Bumalik kayo!!!"

Nang mapansin kong wala ng nakasunod samin,inihinto ko ang motor sa gilid ng kalsada at ngayon ko lang napagtantong nasa overview pala kami.

Tumingin ako sa kanya na tinitingnan ang naggagandahang lights mula sa   sa baba at alam kong pareho naming nararamdaman ang malamig na hangin.

"Why they are chasing you?" deritsong tanong ko dahil sa kanya,nadamay pa ako sa gulong yun.

Lumingon sya "Hmm..Sabihin nalang nating may malaking kasalanan ako sa grupong yun" bahagya syang tumawa at nasabi ko ba sa inyong naka-hood sya at may black mask din syang suot kaya hanggang ngayon diko parin kita ang muka nya.

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now