Chapter 40: Outcast

127 8 3
                                    

Chapter 40:Outcast

*Alarm Loudly Ringing*

Napa-mulat ako at bumangon mula sa kwarto dahil sa lakas ng tunog ng alarm clock ko.Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit,argh hang-over...

"Taena mo Samantha,sabi mo hindi nanapak yung ininom nating soju pero ngayon parang pinalo ng dos por dos na kahoy yung ulo ko sa sakit" usap ko sa sarili ko habang naka-pikit.

Naagaw agad ng atensyon ko nang biglang sunod-sunod na tumunog yung messenger ko at yung notifications.Kinuha ko yung glasses ko at yung phone ko na hanggang ngayon ay di parin tumitigil sa pag-tunog..

–Anong meron?

Desiree,Elaine,Althea, Denise,Eryn Group Chat +59 unread messages..

(see more messages)

Elaine
Hey guys alam nyo na ba?

Althea
Yeah,kakabasa ko lang.

Desiree
Alam ang alin?

Elaine
Pumasok ka na kase ngayon para malaman mo.

Denise
Eryn wag kang puro seen dyan,magmadali kang pumunta ngayon dito sa GFU now na!!

Eryn
Ano ba kaseng meron? Sabihin mo nalang kaya dito sa GC.

Desiree
Oo nga @Althea @Elaine @Denise sabihin nyo na pa-thriller din kayo eh no?

Althea
Pshh,diko maexplain dito sa gc kaya mas mabuting tumakbo na kayong dalawa dito sa school.Mas magiging thriller yung paligid nyo pag nakita nyo tong mga naka-paskil sa dingding ng building lalo kana @Eryn.

—Lalo na ako? Ano ba kaseng meron at nagmamadali naman sila masyado?

Dahil sa curiosity ko ay dali-dali akong tumakbo sa cr at naligo.After 10 minutes ay dumating na ako sa GFU sakto din namang pababa na si Desiree sa kotse nila kaya nagkasabay kaming pumasok sa GFU.Habang naglalakad kami sa hallway ay may iilang naka-tingin sakin at may kumukuha rin ng pictures..

"Anong problema nila?" tanong sakin ni Desiree pero napa-kibit balikat lang ako..

"Diko rin alam eh"

"Di bale nag-text si Elaine sakin nasa infront daw sila ng Engineering Building" sabay kaming tumakbo papunta dun.

"Anong nangyayari ba't nyo kami pinapadali?" (Desiree)

"Actually wala ka talagang kinalaman dito Des kundi si Eryn"

"Ako? Bakit,anong meron?"

"Tara!" hinila ako ni Denise papunta sa Canteen..

"Sa tingin ko alam na nila ang totoo about sa inyo ni Ezekiel,someone spread this posters sa buong campus" napatingala ako dahil sa daming posters na nakadikit sa free wall ng GFU..

Kinuha ko ang isang poster saka yun tiningnan ng malapitan.Nandun yung muka ko na may ekis na red ink ang ginamit,nilagyan din ng YOU'RE A SLUT,ERYN THE INNOCENT,SUCH A USER,FEELING MAGANDA.Nandun din yung picture namin ni Zekie na naka-higa sa patients bed ng kaming dalawa lang...

"Ang tanong paano nila yun nalaman e secret lang naman natin yun between E•E•G sa atin diba?" tanong ni Thea..

"Sa tingin ko may traydor na nasa gang nila Ezekiel or sa'tin" sabi ni Denise kaya napatingin ako kay Desiree.

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now