CHAPTER 49:Beach Break

135 3 0
                                    

Chapter 49:Beach Break

Eryn POV

Nakatitig lang ako sa labas ng bintana habang iniisip yung pag-uusap namin ni Patricio kanina,hindi ko akalain na sa likod ng glasses at sobrang responsabling class president may tinatago pala syang storya tungkol sa buhay nya—well lahat naman tayo may kani-kaniyang pinagdaanan–i mean yung pressure na binibigay sa kanya ng dad nya,yung kahit grabe na yung hardwork nya bilang mabait na estudyante ay di napapansin ng dad nya,hindi ko maimagine na ganun yung pinagdaanan nya.Diko sya masisi-si kung nagalit sya nung makuha ko ang highest rank dahil una palang sya na ang may hawak ng titulo na yun at naiintindihan ko yun.Kung tutuusin nga sya talaga yung deserving ng lahat ng to eh dahil una palang nagsisikap na sya pero wala na akong magagawa pa dun,nangyari na ang dapat mangyari.

Bilib ako sa kanya,sobra..

"Ano na naman bang issue nyong dalawa?" nabalik ako sa realidad nang sikuhin ako ng bahagya ni Ryle na nasa pagitan namin ni Red.

Nakalimutan kong nakasakay pala ako sa van kasama ang anim na gangster na'to,si Cloud ang kasalukuyang driver,tabi naman nya si Kendell habang ang natitira ay nasa likod..

'Teka asan ba kami pupunta,ba't kami magkasamang lahat?

"Eryn!!" pinitik ni Ryle yung noo ko.

"Aw! Ano ba!"

"Wala ka kase sa atensyon eryn,kanina pa kita tinatanong kung ano na naman bang issue nyong dalawa netong katabi kong para bang kung pano umakto parang  maliit na bata--aisht!" agad syang nakatanggap ng malakas na siko.

Napalingon ako kay Zekie na naka-crossed arm habang yung kilay ay parang tulay ng San Francisco Bridge na kung magsalubong.

"Diba ganyan naman yan palagi? Galit at palaging parang naghahanap ng away" walang paki-alam na sabi ko at narinig ko namang natawa sina Axcel.

Napasinghal sya "HA! Porket kung makayap ka dun sa lalaking yun parang gustong-gusto mo naman"

"May kayakap ka Eryn?!" parang di makapaniwalang tanong ni Axcel mula sa likod namin

"They almost kissed" napanga-nga kami sa sinabi ni Zekie,di ako makapaniwalang yun ang tingin nya sa nangyari kanina.

"Kissed? Anong kiss ang pinagsasabi mo,kino-comfort ko lang yung tao dahil may pinagdadaan wag kang exaggerated kung mag isip" naiinis na sabi ko.

"I don't think you're comforting him" di sya lumingon sakin.

"Eh ano ba sa tingin mo?"

"More like both of you flirting each other" eto yung nakaka-inis slash nakaka-asar sa lalaking to eh,masyadong nagpapaniwala sa mga bagay bagay at isa pa di naman nya alam kung anong nangyari talaga.

Pinigilan ko ang sarili kong tumayo sa kinauupuan ko para batukan sya "F-flirting?! H-HA!!! *speechless* Teka nga ba't ka ba galit na galit na kinausap ko si Patricio ha? Nagseselos ka ba?" out of curiosity ko bigla ko yung natanong.

"N-NO!! D-DAMN I'M NOT JEALOUS FOR THE HEAVEN'S SAKE"

"Eh ba't ka sumisigaw?!"

"I'M NOT!!"

"Eh anong tawag mo dyan!?"

"I-IT'S N-NATURAL ON ME T-TO TALK LIKE THIS" sabay tingin sa bintana,umiling nalang ako dahil wala din namang patutunguhan yung pagsisigawan namin..

"Teka san' ba tayo pupunta at tila full packed kayo?" luminga-linga ako sa paligid at kita ko yung malaking bag nila.

"Malalaman mo"lumingon ako sa labas ng bintana.

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now