Chapter 9:The Crazy Fans

192 11 0
                                    

Chapter 9:The Crazy Fans

Naka-tukod ko yung tuhod ko habang habol-habol parin ang hininga at palinga-lingang tumingin sa paligid at nagbabasakaling di na ako naabutan pa ng mga baliw na fans ng grupong yun.

Aish kainis,san naba ng lupalop ng paaralang to ako napunta?Pinagmasdan ko yung paligid at puro bulaklak lang sya,katabi ko ay isang nag-gagandahang canadian red roses at sunod naman neto ay puting rose.
Para syang Wide Flower Garden ng GFU.Dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko at tumayo ng maayos.

Wow grabe,tama nga ako Wide Flower Garden nga toh,nasa bandang likod lang sya ng Music Building.

Paano ko nalaman? Eh sa tindi ba naman ng drums na galing sa building na yan eh dika talaga magkakamali.

Naglakad ako pabalik sa daang tinakbuhan ko kanina at akmang papasok sa building namin ng harangin ako ng guard.

"Miss,I.D nyo?" medyo wala sa mood na tanong nya.

"Ah,teka lang po!" kinapa ko yung bulsa ko para sana hanapin yung i.d ko nang........

"Puta--san na yun??" bulong ko na siguro ay napansin iyon ng guard

"Miss,may problema?" napahinto ako sa pagkapa at tumingin sa kanya.

Sabihin ko ba na nawawala ko yung school i.d ko o hindi??Arghh siguro nahulog yun kanina pagtakbo ko.

"Ah eh--teka lang po ah,m-may nakalimutan pala a-ako dun,balik lang ako bye~" turo ko sa kung saan na kahit ako hindi ko alam kung saan magsisimula maghanap.

Naka-tungo lang ako para sana mahanap yung i.d ko dahil pag-nawala yun ng tuluyan,jusq. lang baka di na ako makakapasok ngayong afternoon at evening class ko,like tf?

Agad akong napahawak sa bench nang may nabunggo o mostly sinadyang bungguin ako.

"Fuck!" rinig kong sabi ng babae na nabunggo ko.

"Sorry" agad akong napatayo at bahagyang yumuko para mag sorry.

Pinagpagan ng babae yung uniform nya na wala namang bahid ng dumi saka inirapan ako.Lumagpas sya ng ilang dipa mula sakin nang mapansin kong huminto sya at lumingon sakin.Akma na sana akong maglalakad dahil baka gulo ang dala neto at ayaw kong mapa-away na naman pero hinawakan nya ako sa braso at hinarap.

"D-diba ikaw yung girl na hinahabol kanina ng ibang girls kanina?" nagulat ako sa tanong nya pero diko yun pinahalata dahil baka isa sya sa sasaeng fans ng gang nila red hair.

"H-ha? meron ba? Diko kase alam ang sinasabi mo " pekeng ngiti ang binigay ko na halatang convinced naman sya sa sinabi ko dahil unti-unti na nyang binitawan ang kamay ko.

"Playing dumb huh?" saka may inilabas sa bulsa nya,isang phone.Pinakita nya ang screen sakin at boom huli ako..

Agad nya akong hinawakan ulit ng mahigpit na para bang di na nya talaga ako papakawalan pa.Arghhh, obsessed fans kainis......

"Sisiguraduhin kong makaka-date ko ang leader ng Enigmatic Eye Gang na si Zekie..." at hinila na nya ako sa kabilang direksyon na tinakbuhan ko kanina,sinubukan kong hilahin pabalik yung kamay ko pero  parang bumabaon na yung kuko nya sa kamay ko.

Mukang napa lakas ata yung pangalawang hila ko na ikinabitaw nya at ikinatapon ko sa matataas na bulaklak dito parin sa wide flower garden.

"AHHH!!" napadaing ako dahil naramdaman kong may tumutusok sa likod ko.Napadaing ulit ako nang buhok ko naman ang hinawakan nya.

"Para wala ka nang kawala pa" baliw netong ngisi at pinatayo ako.

Aisshh,bakit ba kase di ako maka-laban,ang tanga lang.

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now