Chapter 39: Decision

120 8 0
                                    

Chapter 39: Decision

Diko na hinintay na makalabas si Zekie sa restaurant at nauna na ako saka agad sumakay ng bus.Pag-akyat ko agad akong pinagtitinginan ng mga pasahero kaya napa-kunot noo ako.

—Anong problema nila?

"Sana naman miss nagdala ka nalang ng sarili mong sasakyan kong ganyan yung suot mo" sabi nung matanda at tumawa nman yung ilang estudyanteng pasahero rin.Napatingin ako sa suot ko at ngayon ko lang  na-gets kung anong ibig sabihin niya..

—Oo nga naman Eryn,san ka naman nakakita dito sa pilipinas ng sumasakay ng bus tas naka formal dress?

Tumawa lang ako ng bahagya saka naglakad papuntang dulo ng bus.Kinuha ko yung phone ko tas dinial ang number ni Sam,mukang sya ata yung kailangan ko ngayon in terms of 'Love Confusion' dahil sa dinami-dami ng boylet nun eh alam nya na ata ang pasikot-sikot ng mga tanong tungkol sa love.

"Hey sam,nasan ka ngayon?"

"Oh hey my dear BestFriend,why?" kita mo nga tong babaeng to nagba-bar na naman na parang tapos na ang problema sa buhay.

"Saka ko na sasabihin sa'yo,punta ka sa tambayan nating tatlo,may itatanong lang ako"

Bumaba ako sa park na tambayan namin nina Jacob at Sam noong mga bata pa kami though tambayan parin naman namin yun ngayon pero di na gaano kadalas gaya ng datin.Sobrang gabi na at mga ilaw ng mga bahay at grocery store ang namamaya ni buong paligid,wala gaanong sasakyan ang dumaan dito kaya isa to sa tahimik na lugar na gusto namin. Tanaw mo sa langit ang nagnining-ning na bituin at mala bolang krystal na buwan.After a month babalik rin pala ako dito na may bigat ang loob gaya ng dati..

"BOO!!"

"AHH!!"agad akong napatakip ng mata nang may biglang lumitaw sa harap ko na babaeng nasa harap ang buhok nya..

"AHAHAHA!!!" Hagalpak na tawa nya..

"Isa pang pangugulat mo samantha ha at talagang masasabunutan na kita"habang hawak ang dibdib.

"Ikaw naman kase ang emo mo,kanina pa kita tinitingnan mula dun sa entrance eh hindi mo nga ata ako napansin dahil sa kalutangan mo" kaya napailing ako kase naman eh binabagabag na talaga ako ng totoong feelings kay Zekie–diko alam kung totoo nga ba to' o sadyang nadadala lang ako sa kanya hays,ewan...

"Ano ba kase ang rason kung bakit mo'ko pinapunta dito?"

"Uhm may kaibigan---classmate kase akong lumapit sakin at nagpapatulong tungkol sa lovelife nya tas---" natawa sya sa sinabi ko..

"HAHA w-wait!! Lumapit sayo at nagpapatulong tungkol sa love? Seriously Eryn? Eh 3 taon ka nang walang ganun eh" oh diba ang bully nya talaga pag lasing---actually di sya totally na lasing,tipsy lang...

Pinalo ko yung ulo nya ng sling bag ko"A-aray naman"

"Gaga! Kaya nga ako sa'yo lumapit diba?"

" 'kay fine!? Namamalo ka naman agad eh.Continue what you're saying"

"Psh..So eto na nga lumapit sya sakin dahil may lalaki daw na lumapit sa kanya tas inaalok sya na magpretend daw bilang girlfriend nya para pagselosin ang ex-girlfriend tas habang tumatagal yung babae ay unti-unti ng may nabubuong pagka-gusto dun sa lalaki pero natatakot lang syang aminin ang totoo sa sarili at ganun rin ang magiging reaksyon ng taong yun kaya naisipan nyang itigil na yun at umiwas nalang" sabi ko kaya napa-sandal naman sya sa bench..

"So you're asking me of advice kung tama ba yung desisyon nya na umiwas at itigil yung feelings nya?" kaya tumango ako..

"Well,hindi naman issue yung magiging reaksyon nung guy eh,natural lang na may feelings yung babae sa kanya dahil nagkasama sila ng matagal at yung closeness nila ay mas naging maganda.Di nakakabawas ng pagkatao ang pagbaba ng pride sa sarili kaya sabihin mo sa kanya na alamin nya muna sa sarili nya yung real feelings nya towards sa guy para mas maging sure sya pag umamin na sya pero kung  talagang gusto nyang umiwas then let her be,may advantage narin yun para mawala yung feelings nya sa guy dahil baka nga confused lang sya." at tumingin sya sakin at ngumiti..

"Gusto mo?" may pinakita syang soju kaya napataas ako ng kilay.

–So nagbabaon pa sya ng inumin dito ah..

"Don't worry di yan nanapak"

"Nanapak? Anong ibig mong sabihin?"

"Di ka nga pala umiinom masyado,ibig kong sabihin di ka agad tatamaan nyan" tumawa sya kaya kinuha ko nalang yung saka binuksan..

"Don't worry,if ever na malasing ka nya may driver naman ako eh,pramis ihahatid ka namin safe and sound" well matagal narin naman akong di uminom ng beer,siguro nung birthday ni Sam last year.Tinunga ko agad yung soju kaya napahawak ako sa lalamunan ko..

"Takte di nga nanapak pero nangangagat naman.Ba't dimo sinabi na ang sakit pala neto sa lalamunan?" tumawa ulit sya..

"Syempre pag sinabi ko edi dimo iinumin" inirapan ko sya pero in the end uminom parin kami pareho..

-So eto pala yung mabisang paraan para gumaan ng konti yung iniisip ko.

"By the way Eryn,yung name ba ng guy na sinasabi mo ay 'Ezekiel Lyron?!" nanlaki yung mga mata ko.

"P-paano mo n-nalaman?"

"At yung girl na tinutukoy mo ay 'Ikaw?' " dun ko nabuga yung soju..

"Hind--"

"Don't dare to deny it because i have a strong evidence na magpapatunay na you and that zekie is in fake relationship but now you're feelings to him is getting real" at mas humarap pa sya sakin sabay patong ng paa sa bench na parang lalaki kung pumorma.

—Sayang ang ganda neto pag naging tibo to..

"A-anong evidence naman yun?"

"So you didn't notice na karamihan sa text messages mo for zekie ay sakin nasesend,nung una di ko magets pero habang parami ng parami yung messages mo para sa kanya ay naintindihan ko na In Fake Relationship kayo " sabay pakita ng text messages sakin,yun yung tinadtad ko sya ng message na nagtatanong ako kung kailangan ko pa bang ipagpatuloy yung trabaho ko sa kanya.Dahil sa bilis ko mag type at mag send ay sa kanya ko na send yung ilang messages.

Nasapo ko yung noo ko..

"Sinong classmate mo kaya ang nagpapanggap bilang girlfriend mo noh?" kunyari wala syang alam at hawak pa ang baba nya..

"Tumigil ka nga Sam" at uminom ng Soju..

"Pero seryuso bes,anong plano mo bukas if ever na magkaharap na kayo ulit? Continue yung feelings towards him or Stop and Avoid?" dun ako napa-isip..

"Kung ano ang ikakabuti ng lahat"

Should i Continue or Stop?

------------------------🌹-------------------------
ABANGAN! UPNEXT CHAPTER 40

Meeting the Campus GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon