Chapter 23: Abducted

139 7 0
                                    

Chapter 23:Abducted

Imbis na magpumiglas pa ako ay pa chill-chill nalang akong nag-hintay sa pwedeng mag ligtas sakin,di din naman nila ako ginagalaw..

"Hoy baboy,ano bang problema nyo't naisip nyo pang kidnapin ako,mukang di nga tayo  magkakakilala eh" tawag ko dun sa lalaking matabang naka-itim na nakatalikod sakin..

Humarap sya sakin na para bang nagalit dahil sinabihan kong baboy.

Totoo naman ah,baboy naman talaga sya..

"Hoy babae wag na wag mo 'kong tinatawag na baboy dahil di ako hayop at isa pa di mo pa ata nakikilala ang pinaka-malakas na leader sa buong ground zero" pagmamayabang nya at lumapit pa sya sakin..

"Ang sabihin mo,malakas kalang pag wala ang grupo nina Zekie diba?" pang-aasar ko na syang ikinatawa naman ng kasamahan nya...

"Hoy anong tinatawa-tawa nyo dyan" saway nya sa kasamahan nya na ngayon ay nagpipigil na tumawa pero alam kong sa kaloob-looban nila,mamatay-matay na siguro sila kakatawa..

"At ikaw babae tumigil ka,wala kang alam" saka sya tumalikod at bumalik sa pwesto nya..

"Okay sabi mo eh pero sa totoo piggy ano ba talaga ang kailangan mo sakin kung sina Red naman yung kailangan mo?" tss para lang naman akong nakikipag-talo neto sa isang stranger dahil dito kung diko lang alam na gangsters din pala sila 'di nga lang halata' iisipin ko talaga rapist sila or kidnappers na gusto ng money for ransom.

"Bago ko sabihin sayo kung anong dahilan ko pwede ba tigil-tigilan moko kakatawag mo ng piggy at gusto ko lang namang asarin para malaman nilang bumalik na ako "

"Eh bakit san' kaba galing?"

"Wala ka na dun"

"Pshh...As if naman na pupunta talaga sila dito para iligtas ako e magka-away nga kami nun e pero kung pupunta talaga sila dito asa ka pang matatalo mo sila baka isang member lang ang lumaban sa kanila baka ubos na kayo" natatawang sabi ko at umiling-iling pa.

"Alam mo andami mong alam,busalan nga yang babaeng yan,masyadong maingay" kasabay nun ay may lumapit na lalaki sakin at tinakpan ang bibig ko ng tape,syempre di na ako pumalag ano pa bang ipaglalaban ko,diba??

Isang oras siguro kaming naghintay bago bumukas ng pagka-lakas lakas ang pinto ng warehouse at bumungad sina Kendell  na walang kahit na anong dala...

–Ganun na ba talaga sila ka-kampante na matatalo nila sina piggy?

"Eryn ,wait ka lang at manood ka ng live action na mangyayari sa gabing eto" kahit kelan di talaga nag se-seryuso tong si Ryle at nakuha pang mag-biro,napa-irap nalang ako..

Wala pang 5 minuto si piggy nalang at yung isang lalaki ang naka-tayo sa gilid ko at sa tingin ko ay nangangatog na tuhod sa kaba.Kung kanina ay nagmamayabang pa siya ngayon para na syang maamong pusa habang may kaharap na tigre.Diko tuloy maiwasang matawa sa isip ko..

"You know what piggy kung di lang ako pinilit nina KD na iligtas ang nerdy na'to di na talaga ako pupunta dito at baka natulog nalang ako" ay so wow napilitan lang pala syang iligtas ako ganun,e kung hinayaan nya nalang kayang sina Kendell nalang magligtas sakin.

–Aish,kainis 'tong lalaki na to ha,sapakin ko kaya to...

Tinakot lang sya nina Cloud at parang baboy naman si piggy na tumakbo papalayo.Pagkatapos akong kalagan ni Kaizer ay nagpasalamat ako sa kaniya maliban kay Red at tumayo para umalis..

"Ah so ganun nalang yun,wala man lang 'Thank You'?" rinig kong reklamo niya kaya huminto ako at humarap.

"Ay wow hiyang-hiya din naman ako sayo na NAPILITAN lang na pumarito diba?" inis na sabi ko at sadyang diniinan talaga yung salitang 'napilitan' para feel nya..

Narinig ko pa syang may sinabi pero diko na pinansin yun at tuloy-tuloy na lumabas sa bulok na warehouse na yun.

Tahimik kaming lahat habang naka-sakay sa kotse ni Kendell,alas-syete na ng gabi at wala ni isa samin ang nagtangkang mag salita hanggang sa maka-rating kami sa bahay.Nauna na akong bumaba at umakyat sa tambayan kong rooftop.

Napa buntong hininga nalang ako,diko maitatanggi na natakot din ako kanina nung biglang may humila sakin papasok ng van dahil sa nangyari bumabalik yung alala nung bumaliktad ang sinasakyan namin nina papa at mama.Kahit ilang taon na ang naka-lipas mananatiling bago yun sa isipan ko na kahit kailanman di na mabubura sa isipan ko.

Napalingon ako sa pinto ng rooftop nang bigla itong bumukas.Nakita ko si Ryle na pumasok at tumabi sakin.Ilang minuto kaming kinain ng katahimikan kaya diko napigilang magsalita.

"Uhm...Salamat nga pala sa inyo kanina sa pagligtas sakin ah akala ko mamatay na ako dun at sorry din dahil di agad ako nakapag-thank you nung niligtas nyo ako kay piggy" habang diko sya nililingon pero kita ko sa pheriperal Vision ko na naka-ngiti sya..

"Okay lang yun dahil ngayon nakapag-thank you kana,okay kalang ba sinaktan kaba nina piggy nung dipa kami dumadating?" umiling ako

"Thank God di naman nila ako ginalaw,sa tingin ko nga kaya lang naman nila ako kinuha para maasar yung grupo nyo dahil sa tindig nya palang kanina halatang mayabang na HAHA" Sabay naman kaming natawa dun..

"Kung alam mo lang kung gaano sila ka-duwag kung nakakaharap nila kami,kulang nalang lumuhod sila eh at isa pa di nga sila nakaka-abot sa Ground Zero.Mahilig lang silang manghamon ng away pero sa totoo hanggang salita lang talaga yung grupo ni Piggy" parang iniimagine ko narin ang reaction kanina ni piggy nung nasa harap nya talaga si Red pati tuloy ako natatawa...

"Oo nga ih pati ako natatawa narin tas nagyabang pa sya na sya na raw pinaka malakas sa buong ground zero e naman pala sila umabot dun,mga gago talaga"

"Mabuti nalang at pinatakas pa namin sila,sa katunayan nga maraming beses na namin silang pinatakas kaya minsan di namin sila sinisipot pag nanghahamon sila dahil nag-aaksaya lang kami ng oras sa mga talunan na yun kung lang talaga dahil sayo baka di na talaga kami pupunta"sabay iling pa.

"Uhm,Ryle kung dimo mamasamain may itatanong lang ako about kay Red at kay Abby" saglit syang natigilan sa bigla-bigla ko yung pag-tanong at nag evil-grin.

"Ikaw Eryn ha dimo man lang sinabi na interested ka na pala kay Ezekiel,naku,naku-----aray--paksheet---aray --oo na sorry na nagbibiro lang naman eh" tulo salag sya sa panghahampas ko dahil sa pang-aasar nya sakin..

–Nag tanong lang naman ako ah,anong malisya dun?

"Joke lang,ano namang itatanong mo?"

"Uhm,ganun ba talaga kamahal ni Red si Abby para maghabol sya sa kanya?" well out of the blue moon yun ang tanong na gusto kong masagot,diko naman matanong ng diretso yung Annoying na lalaking yun dahil baka asarin nya rin ako katulad ni Ryle...

"Sa totoo lang diko rin maintindihan si RED sa bagay na yan pero sa pagkaka-alam ko si Abby yung nasa tabi ni Zekie nung nalaman nyang nag-asawa ulit yung dad nya at nagkaroon sila ng anak kaya sa tingin ko dun nabuo ang magmamahalan nila dahil sa si abby ang naging karamay nya sa buong buhay nya" mahabang litanya nya na nagpakinig sakin.

"Alam kong hindi marunong si Zekie mag express ng nararamdaman nya kaya ako na mismo ang magsasabi sayo na 'please tulungan mo sya' " agad ako naka-ramdam ng awa kay Zekie dahil sa sinabi ni Ryle.Masyadong nag mahal si Zekie kaya nya ito nagagawa,kung iisipin ang swerte ni Abby na kahit may pagka-topakin,bad boy at mahilig mang-asar ay may kayang mahalin sya na hindi nya inaakala.

-Tutulungan ko na ba talaga si Zekie para matahimik na sya at ano tong nararamdaman kong kakaiba sa tuwing naiisip ko kung gaano kamahal ni Zekie si Abby,pshh siguro baliw na'ko para isipin ang imposibling mangyari....

-------------------------🌹------------------------
ABANGAN! UPNEXT CHAPTER 23

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now