Special Chapter

134 4 0
                                    

Special Chapter:Chasing Love

Desiree POV

Lumapit ako sa kanya na tahimik lang na nakahawak sa phone nya sa isang sulok habang may nakapaskil na headset sa tenga..

"Hi Kaizer" itinaas ko ang kamay ko at ngumiti pero di sya lumingon at patuloy lang sya sa pagpindot ng mobile game at sa tingin ko di nya ako napansin

Umupo ako sa tabi nya at tumingin sa nilalaro nya

"Hmm? Anong laro ya--"

"Why are you here?"

"E sa wala akong ginagawa eh,sina daddy nasa work pati sina Thea kasama yung mommy nya sa mall " di sya sumagot.

Mahigpit kong hinawakan ang maliit na box sa kamay ko.Napatingin ako nang tinanggal nya ang headset nya at tumayo sabay lakad kaya dali-dali akong tumayo

"Teka Kaizer,may ibibigay lang ako" huminto sya at lumingon sakin na nakakunot ang noo.

Lumapit ako't kinuha ang kamay saka inilagay ang blue na maliit na box

"Para sa'yo" ngumiti ako ng malapad.

"Para saan to?" tinaasan nya ako ng kilay kaya namula ako sa kilig

"P-para sa--" tumalikod sya

"Nevermind" binuksan nya ang basurahan at tinapon yun dun

"T-teka" diko na sya nahawakan pa dahil tuluyan na syang lumabas.

Kinuha ko yung box sa basurahan at tumakbo sa labas para habulin sya

"Kaizer!" tawag ko pero patuloy lang sya sa paglalakad

"Kaizer,di mo ba halata? Gusto kita,oo bata ba tayo pero mahal kita" huminto sya at bumalik sya sa kinatatayuan ko.

Kinuha nya ang hawak kong box at binuksan yun.Napangiti ako nang kinuha nya ang kwintas at itinaas

"This is for me right?" tanong nya kaya agad akong tumango ako.Akala ko susuotin nya pero bigla nyang pinutol yun sa harap ko.

"Stop being stupid at layuan mo na ako" at inihulog sa harap ko,umiyak ako't napaluhod.Pinulot ko ang mga piraso ng kwintas.

Biglang may humawak sa balikat ko kaya napatingala ako

"Riley,bakit di ako gusto ng kaibigan mo?" lumuhod sya't pinantayan ako.Di sya sumagot at niyakap lamang ako

Bakit sa lahat ikaw pa,ikaw pa na sobrang lamig kung nagsalita,walang paki-alam sa nararamdaman ko.Ang sama mo KAIZER!

Bata pa man kami,pinagmamasdan ko na sya.Kahit paulit-ulit akong tinatapon,pa ulit-ulit na nirereject bakit sya parin.Kasalanan mo to kupido,kung sino pa yung manhid dun mo pa pinana.

Tinunga ko ang hawak kong beer habang nagkakasiyahan kami nina Thea sa loob ng bar.

"Hi!" may lumapit saking lalaki at inakbayan ako pero agad ko yung tinanggal

"I'm Ericson" inilahad nya ang kamay nya kaya tinanggap ko.

"Desiree"

"Do you want to talk outside? Magulo dito e" at inilibot nya ang paningin nya at tumawa kaya tumango ako

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now