Chapter 5: Exchange of what she did

230 11 0
                                    

Chapter 05:Exchange of what she did

Feeling ko buong paligid biglang nagslow-motion at tanging titig lang yung nagagawa ko sa mga mata nya.
Lord di  man lang po kayo nagsabi na one-call-away pala tong lalaking to.Minention ko lang nga sya sa isip ko,ngayon hawak-hawak na nya ako.

"Uhm,okay kalang ba?" agad akong napa-ayos ng tayo dahil sa boses nya.

"Ah eh o-oo nagulat lang ako sayo"

"Ano palang ginagawa mo dito?" tanong nya at umupo kami sa bench na inuupuan ko kanina.

"Ah dito na ako mag-aaral, actually kakatapos ko lang sa entrance exam,hinihintay ko nalang yung results" diko maiwasang mapatitig sa kanya,kung ganito ka-gwapo ba naman yung sasalo sayo edi sana pala nalang akong maa-out balance.

"Owss talaga? Siguro naman makaka-pasa ka,muka ka namang matalino"

"Di na ako magtatanong kung bakit ka nandito dahil halata na sa uniform mo pero anong year kana?"tukoy ko sa blue nyang uniform.

"Ah,3rd year,music major" nagulat ako,di masyadong halata sa kanya ang pagkahilig sa music.

"Talaga? So magaling ka sa instruments?" kahit obvious na tinanong ko parin,eh sa wala na akong ibang matatanong eh.

Tumango sya "Uhm..Marunong akong  mag-guitar at drum saka violin din pero di gaano kagaling" himas batok nya,sheems bakit ang hot nyang tingnan pag-ginagawa nya yun,isa pa nga? Choss....

"Ahh...Sana makita ko" kunwari inaayos yung makapal na salamin ko.

"Hala??? Nagtext na yung staff,announce na daw ang results" agad akong napatayo dahil sa kaba.

"Talaga? Puntahan mo na,may pupuntahan lang din ako" at tumayo din sya.

"Siguro naman magkikita pa tayo" di na ako magpaligoy-ligoy pa at straight to the point agad ako.

My god wag kang ngumiti ng ganyan masyadong mahina puso ko.....

"Di ako sure pero siguro" at tumalikod sya.

Bumalik ako sa faculty at tiningnan yung nakadikit na papel. na pinagkakaguluhan ng mga kasamahan ko kanina na nag-take din ng exam.

Inuna ko ang 2-B listing pero wala dun yung apelyedo ko,sunod sa 2-A pero wala din dun,nagsimula na akong kabahan posibling ,di ako nakapasa.Next kong tiningnan ang 1-B at wala parin dun.

Masyadong imposibleng mapunta ako sa 1-A, exagerated man ay tiningnan ko parin.

1-A?

Unti-unti akong umatras dahil wala dun ang pangalan ko,walang GONZALEZ,ERYN ang nakalagay dun.
Naglakad ako papalabas hanggang maka-tapak na ako sa lupa,umupo ako sa bench at tumungo.

Pilit kong pinipigilan ang luha kong pumatak.Ilang taon kong ginugol ang oras at panahon ko para makapag-ipon at makapag-aral dito lahat nang yun nasayang.

Siguro di ito ang tamang paaralan ang binigay sakin ng panginoon kaya siguro kailangan ko ring tanggapin yun agad.Marami pa namang paaralan ang open.

Tumayo ako at pinunasan yung pisngi kong kanina pa pala basa ng luha.Inangat ko yung ulo ko at tumayo.

Napakunot yung noo ko nang may makit akong babaeng nasa 1st or 2nd year ata na namumutla at puno ng pawis habang naglalakad sa direksyon,para syang zombieng mag lakad kaya nilapitan ko.

"Miss,okay kalang?" hinawakan ko yung balikat nya kaya bahagyang inangat nya yung ulo nya para makita ako.

"Ate,t-tulungan nyo po ako"agad ko syang nasalo dahil bigla syang bumagsak sa balikat ko.

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now