Chapter 51: Bonfire

137 7 1
                                    

Chapter 51: Bonfire

Tahimik lang akong nakaharap sa bonfire na ginawa ni Ryle kanina habang yakap-yakap ang tuhod ko.Di parin mawala sa isip ko yung ginawa ko kanina dun sa babaeng kasama ni Z,as in pati ako nagulat dahil napalakas yung sampal ko.

E-eh kase naman ihh--

Nagulo ko yung buhok ko dahil sa embarrassment na ginawa ko kanina,pshh kasalanan to ni Sam eh bakit pa ba kase nya pinaalala kanina.

"Hey" napa-igtad ako nang may tumapik sa likod ko.

"Uhm,Hi~" tipid lang akong ngumiti sa diko kilalang lalaking tumabi bigla sakin.

"Sky nga pala" inabot nya yung kamay nya para makipagkilala.

Tumango lang ako "Eryn" ewan ko ba pero biglang wala ako sa mood makipag-usap.

"Gusto mong uminom?" may pinakita syang lata pero umiling ako

"I'm sorry di ako umiinom" tumawa naman sya

"Oh com'on,just try it wala namang masama kung susubukan mo" at mas nilapit pa sa harap ko yung lata.

"I'm sorry,di talaga ako umiinom" tumayo ako at inayos yung takip ng katawan ko pero diko alam na hahawakan nya pala yun kaya agad yung natanggal at tanging bikini lamang yung naiwan sakin.

Nanlaki yung mata naming pareho pero diko inaasahang sisipol pala sya habang tumitingin sa katawan ko.

Takte kasi nitong Samantha na'to,pasusuotin nya ako ng ganito tas iiwan lang naman pala ako ng ganito ang suot.

Tumayo sya at saka ngumiti.Hinablot ko yung towel pero agad nya yung nilayo.Hinila nya ako papalapit sa kanya kaya pilit kong nilalayo yung magkadikit naming katawan.

"A-ano ba,ang bastos m-mo---" biglang may humila sakin papalayo at nakita ko nalang syang nakahiga sa sahig.

Pinagsusuntok nya yung lalaki na parang gusto nya ng malumpo ito,buong lakas yung binubog habang lalaki walang kalaban-labang umiiwas at sumasalag.

"Z-zekie!"  pilit ko syang pinipigilan dahil unti-unti na akong naaawa sa lalaki.

Nakita ko naman sina Kendell at Axcel na papalapit sa kinatatayuan namin.

"Anong nangyari dito?" tanong sakin ni Cloud pero di ako nakasagot.Sina Ryle at Kai naman ay pilit paring inaawat si Zekie

"YOU DUMB ASS,I'M GONNA KILL YOU" gusto pa ulit sugurin ni Z yung lalaki pero tinulak na sya ni Ryle para mailayo.

Hinawakan sya ni Kendell sa parehong balikat at hinarap  "Don't cause trouble here Z" bulong nito.

"Subukan mo ulit na mambastos, sisiguraduhin kong buong gang ang sasalubungin mo" banta nito, gulat namang lumingon sina Thea sakin na pilit tinatakpan ang katawan ko.

"What? Binastos ka nya,Eryn?"   hinarap ako ni Thea pero di ako umimik.Hinubad nya ang suot nyang jacket at agad na pinupulupot sa akin.Aambahan na sana sya ulit ng suntok ni Zekie yung lalaki pero hinila na sya ulit ni Kendell papalayo.

"Umalis ka na dito gago ka bago ka pa lamayan ng mga taong makakakita ng walang buhay mong katawan" sabi ni Elaine at sya ngang tumakbo yung lalaki papalayo.

"And you?" nanlilisik na tingin nya sakin.

"Who told you to wear that fxcking bikini" diko magawang makaimik dahil talagang yung tono ng pananalita nya ay seryuso na.

"Kuya naman,sya na nga tong nabastos pinapagalitan mo pa" agad akong niyakap ni Thea habang naglalakad kami.

"Okay kalang ba Eryn?" buti pa to si Kendell nagtanong pa sakin ng ganito,di gaya sa iba dyan na nakukuha paring magalit.

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now