Meeting the Campus Gangsters

151 6 2
                                    

Meeting the Campus Gangsters
“The Final Chapter”

Two years ago nang magtagpo ang landas namin.Unang tingin ko palang sa kanya masasabi mo talagang isa syang aroganteng ubod ng sungit at nakaka-asar na tao sa balat ng mundo ng mga engkanto o baka nga taga kabilang deminsyon pala sya galing.Kung maka asta parang sya ang hari sa buong GFU,kinatatakutan dahil sa pagiging leader ng isang gang na Enigmatic Eye Gang pero tinitilian din ng mga dakilang fangirls nila dahil sa mga mukang kala mo naman anghel pero deep inside mga may saltik talaga sila.Nakilala ko ang grupo nila at dun nabago ang takbo ng isip at buhay ko,ang dating tahimik na sulok ng bahay naging buhay na buhay dahil sa kalokohan nila.Palagi nq akong nakangiti at may mga bagay rin na gumulo gaya nina Thea na mahilig makipag tarayan sa grupo ng mga bullies sa school.Yung mga di ko inexpect na mangyayari pala sa buhay ko naranasan ko na.Una,yung pagiging usap-usapan sa buong campus,pangalawa naranasan ko na ring mabuhusan ng basura,naranasan ko ng magselos at ang worst? Inilibing ng buhay pero akalain nyo yun buhay parin naman ako at dahil yun sa mga taong naging parte ng buhay ko ngayon kahit medyo may pagka-nakaka asar sila well,thankful din naman ako dahil di naging boring yung naging buhay ko though kahit wala na si Jacob sa tabi but still mananatili parin sya sa puso't isipan ko.

Nakatayo lang ako mula sa malayo habang tinatanaw ang matandang babae na nagwawalis sa labas ng mag-isa.Sa kabila ng pang-aalila nya sakin dati diko maiwasang malungkot para sa kanya.Nalaman kong iniwan sya ng anak na babae pati ang asawa nito kaya mag-isa nalang sya sa dating bahay namin.

"Dont just stare at your auntie Eryn, approach her,talk to her.Its already 10 years passed so its time to face her" napatingin ako kay zekie na nasa tabi ko habang may ice cream na hawak.

Mahigpit akong napakapit sa sling ng bag ko at naglakad kay Auntie.

"E-excuse me po?" lumingon sya at dun ko lang napagmasdan ang buong muka nya.

Sobrang tanda na nya,kulubot na ang mga balat e dati kulang nalang magmuka na sya clown dahil sa daming kolorete sa mukha.

"Anong maitutulong ko sa'yo ija?" gusto ko syang yakapin ng mahigpit,kahit sobrang lupit nya noon namimiss ko rin naman lahat ng panenermon nya.

"A-ano po kase..." pinilit kung wag tumulo ang nagbabadyang mga luha ko na kanina pa gustong kumawala.

"Natatandaan nyo po ba ako?"

Pinagmasdan nya.

"A-ako po to,ang pamangkin nyo" bahagya syang naguluhan sa sinabi ko

"Nako ija baka nagkakamali ka lang,wala akong kilalang kagaya kaganda mo"umiling sya kaya ngumiti ako

"May pamangkin ako noon pero diko na alam kung saan na sya ngayon,miss na miss ko na nga sya e" bahagya syang nalungkot sa sinabi habang ako di makapaniwala.

Namimiss ako ni Auntie?H-HAHA H-HAHA

"A-ang pangalan po ng pamangkin nyo ay Eryn Gonzales?" tumango sya

"P-paano mo nalaman?"

D-dahil ako po ito auntie Margot

"D-dahil....Dahil" sasabihin ko ba?

"Kaibigan ka siguro nya?" tumango nalang ako

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now