Chapter 16: Brown-Out

161 8 0
                                    

Chapter 16:Brown-Out

Eryn POV

"Uy Ryle paki-lagay yan dito" utos ko kaya napalingon salin si ryle.

"San banda?"

"Katabi ng sofa----"

"No,dito yan sa katabi ng aparador" sabay kaming napa-lingon ni Ryle ng mag-salita si Red mula sa likod namin.

Mag-lalakad na sana si Ryle para ilagay maliit na mesa nang hawakan ko iyon para pigilan.

"Hindi! My House,My Rules kaya dito mo iyan ilagay" kinuha ko ang mesa at inilagay sa katabi ng Pang-isahang sofa.

"Hindi porket bahay mo rules mo na talaga yun,try mong makinig sa ibang suggestions ng ibang tao baka sakaling may ikaka-ganda ng luma mong bahay" agad na napa-singhal ako dahil nakaka-inis na  words of Wisdom na binitawan ni Zekie.

Aba! Mukang babae naman tong maisip netong lalaking to,may nalalaman pang ' try mong makinig sa ibang--' at too many to mention na ka-ek ekan na sinabi nya.

Kinuha naman ni Zekie ang kaninang nilapag ko na mesa kaya hinawakan ko ang kabilang dulo neto.

"At sinong nag-sabi sa iyong payagan kang ilipat ang bagay na ako naman dapat ang nag desisyon.Diba nga 'My House,My Rules?" (Eryn)

"I know right, but I'm Ezekiel Lyron Cross and i can do what i want!" halos di ako maka-paniwala sa sinabi nyang iyon.

"HA!! Di pwede,dito yan!" sabay hila kaya bahagya syang napa-lapit sakin.

"No! Dito dapat yan"sabay hila din sa kabila.

Tumataas na ang tensyon saming dalawa nang bitawan iyon ni Ryle kaya nagulat ako.

--Ay!! Oo nga pala hawak nya rin ang gitnang part ng mesa,akala ko kase kami lang ng unggoy na'to ang may hawak eh.

"ANO BA!!!!" napa-igtad ako dahil sa pag-sigaw nya.

"San' ba talaga ito ilalagay? Sa tabi ng sofa o sa tabi ng aparador? Alam nyo,ang gulo nyo,pede ba wag akong idamay sa away nyong dalawa.Para kayong mga bata" sabay talikod samin at pumuntang kusina.

Natahimik kami saglit dahil sa biglaang pagsigaw ni ryle,kung kanina tila napa-hinto ko ang kamay ng orasan sa pag ikot nung sumigaw dahil sa sobrang ingay nila,ngayon parang huminto ang pagpatak ng gripo dahil kakaibang ugali na pinakita ni Ryle.

Pagka-lipas ng ilang segundo ay bumalik rin sa lahat sa kani-kaniyang ginagawa.Agad kaming nag-irapan ni Zekie nang saglit na magka-tinginan.Binitawan ko ang mesa pero diko alam na bibitawan rin pala iyon ni Zekie sa kabila kaya iyon pabagsak na nahulog.

--Aish!!!! Naiinis talaga ako pag-nakikita ko ang pagmumuka ng lalaking toh,lalo na yung pula nyang buhok.Para syang scotch bright na pinahid sa sobrang pula na liptint,ay basta---- diko ma-explain ang pagka-inis ko sa kanya.Arghh!!!

"Kanina,pinag-aagawan nyo yan kung saan ilalagay tas ngayon iiwan nyo lang na naka tiwang-tiwang? Ano ba talagang problema nyo?" sabi ni Cloud na may hawak na feather duster.

Lalapitan ko sana yung lamesa pero nakita ko ring akmang lalapit si Red kaya huminto ako,pero nang makita nya akong papalapit din sana ay huminto rin sya kaya humakbang ako pero humakbang din sya.

--Argh!!!! Sinasadya bang inisin ako ng lalaking to?

"Oh?? Bakit kayo urong-sulong kung maglakad,nagsasayaw ba kayo ng cha--"

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now