Chapter 25:Game On

124 8 1
                                    

Chapter 25:Game On

Talaga bang cancelled na yung pinaka-mamahal kong scholarship at yung kaisa-isang matinong trabaho ko ay tinanggal na ako.Punyetang buhay naman to oh,kung kelan kailangan ko ng pera para sa sarili ko at sa pag-aaral ay saka naman nawala.My Ghadd pano na'to? Ano kaya kung tawagan ko si Sammy at sabihin to sa kanya baka pahiramin ako nun PERO baka sumbatan na naman ako ng babaitang yun.Ngayon palang nababasa ko na ang pwedeng sabihin nun sakin at baka ikasira lang ng eardrums ko.Kung si Jacob kaya yung kausapin ko pero baka busy yun eh,nabasa ko kanina sa post nya na tudo praktis daw sila para sa basketball  league na gaganapin dito at syempre magkalaban yung school namin.

Lord bakit ba to nangyayari sakin,huhu!!!

"Ms.Gonzales are you listening to my discussion?" nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang apelyedo ko.

"Ma'am?"

"I said,are you listening to my discussion.It seems like you're occupied is there any problem?" mahinahong tanong neto..

"I'm sorry Mrs.Tolentino,may emergency lang kasing nanngyari kanina pero don't worry po solve na" pagsisinungaling ko dahil ang totoo diko talaga alam pa'no yun reresulbahin..

"Solve na pala then why are you worrying about.Next time before kayo pumasok sa class ko siguraduhin nyong full focused kayo sa magiging discussions natin dahil not knowing i might give you a long quiz after the Open House Activity" at naging 50/50 ang reaction sa buong klase namin.May nag reklamo dahil sa paparating na long quiz at ang iba naman ay biglang na-excite sa Open House at walang paki-alam sa Quiz.

"Okay,Class Continuation......." pagka-rinig ko nun ay winaksi ko na muna sa isip ko ang mga inaalala ko at gaya nga ng sinabi ni Mrs.Tolentino ay maging well-focused sa klase..

Inimpake ko na ang gamit ko at lumabas ng classroom para pumunta sa assigned locker ko.Pagbukas ko agad na naagaw ng atensyon ko ang white na sobre kaya dali-dali ko iyong kinuha at binuksan...

“Ngayong wala ka nang scholarship pati na rin ang trabaho mo,mag-mamatigas ka ba parin at di pumayag sa deal natin? -Z”

Ngayon alam ko na kung sino ang may pakana neto,di lang yun isang coincidence na magka-sabay mawala ang Scholarship at trabaho ko sa isang araw.Tama nga si Ryle sa sinabi nya na tatanggalin ni Zekie ang anong meron sakin para lang mapapayag ako.

Sinara ko ng malakas ang pinto ng locker ko na para bang dun ko nabuhos ang kalahati ng inis ko dahil sa nangyari at tumakbo papunta sa HideOut ng mga nakaka-asar na mga Gangster.Wala na akong paki alam sa mga matang naka tingin sakin dahil simula't sapul sanay na ako sa lahat ng iyon..

Mabuti nalang at minsan tinuro na sakin ng D.E.A.D SQUAD ang direksyon kung saan ang hideout nila at sa katunayan madali rin naman yung mahanap dahil malapit lang yun sa music room..

Pagkarating ko dun huminto ako sa naka-saradong pinto at huminga ng napaka-lakas.Hangggang dito ay marami paring mga baliw'ng fangirls ang naka bantay dito na akala mo mga reporter at inaabangan na lumabas ang mga kumag.Hinawakan ko ang door knob at binuksan iyon.Imbis na ako ang magulat ay sila pa ata tong mga unggoy na akala mo ngayon lang nakakita ng tao.Lahat sila napatigil sa mga ginagawa,ang kaninang masaya at magulo ay napalitan iyon ng katahimikan.Inis na pumasok ako at agad na hinanap ng mga mata ko ang pulang buhok nilang leader.

Lumapit ako sa lalaking naka-headphone at nakapikit pa saka huminto mas lalong nadagdagan ang inis ko sa kanya nang marealize kong siya yung mismong lalaki na umapak sa mga dinelever ko nung malapit ko na syang mabangga nung una ko syang nakita..Marahas kong tinanggal ang headphone nya saka yun inihagis.

"What the f----Eryn?" wow may gana pa syang magulat kung dapat ay inaasahan na nyang susugod ako rito pagkatapos mabasa yung letter na inihulog sa loob ng locker ko.

"Oo ako nga at may dalawang sadya ako para pumarito at ang una ay ito" di pa man sya nakakasagot ay agad ko syang sinuntok sa muka dahilan para mapalingon sya sa kaliwa.

"F*ck what that for?" so may gana ka pang mag react ng ganun.

"Para yun sa pag-apak sa mga paninda ko nung malapit kitang mabangga nang hindi mo lang naman ako tinulungan at ito pa....*boogsh*"

"Para yun sa pagbawi sa Scholarship at pag-utos sa manager ko na tanggalin ako sa trabaho" takte ako lang atang nasaktan sa dalawang beses ko na pagsuntok sa kanya ah.

Pagkatapos nyang maka recover sa pagsuntok ko ay tiningnan nya ako ng matulis na nagpa-kaba sakin.Kung kanina inis na inis ako ngayon naman bigla ako nakaramdam ng takot.Tiningnan nya rin yun mga kasamahan nya na para bang sinisinyasan na lumabas na agad din naman silang lumabas.

Nung kami nalang dalawa ang nandito binalik nya ang tingin nya sakin.Napa-atras ako habang sya ay unti-unting lumalapit sakin hanggang mapasandal ako sa dingding..

"H-hoy pulang m-manok k-kung ano man ang b-balak mong gawin,binabalaan k-kita wag m-mo nang ituloy dahil....."

"Dahil ano?" syeteng kalabaw ba't ba ang bango ng hininga ng lalaking to,feeling ko maaadik ako dahil sa amoy plus yung malalim na boses nya na nagpapadagdag sa sexiness nya....

"D-dahil...." hindi ko matuloy-tuloy yung dapat na sasabihin ko dahil 5 inch nalang ang agwat namin at isang maling galaw lang ng isa sa amin ay maaaring mag lapat ang labi namin at yun ang diko kakayanin...

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya at hinawakan ang pisngi nya na sinuntok ko kanina...

"Bakit mo yun ginawa ha?" ayon na naman tayo sa seryusong boses nya,boses na may owtoridad..

Napapikit ako "Sorry dahil sinuntok kita,sorry dahil bigla kong hinablot ang headphone mo nadala lang naman ako sa inis ko sayo dahil sobrang importante ng mga bagay na yun sakin pero kung paparusahan moko then gawin mo na,bugbugin mo ko o i bitin sa taas bahala ka na sa buhay mo" parang biglang naging Eminem ako dahil sa bilis ng pagkasabi ko nun.

"Well hindi yun ang gusto kong kabayaran sa ginawa mo sakin" napatingala ako dahil sa sinabi nya pero this time malayo na ang agwat ng muka namin pero naka-corner parin ako sa kamay nya.

"Huh? E anong gusto mo?" ngumisi sya..

"Be mine and pretend to be my Girlfriend" sabi ko na nga ba...

"Pero--"

"Okay,papakawalan na kita pero forever na ang pagkawala ng pinakamamahal na G.F.U scholarship,ibig sabihin dalawang beses ka ng magbabayad ng tuition fee worth 10,000 pesos at wala ka na ring trabaho." tumalikod sya sakin at naglakad sa swivel chair na inuupuan ni Ryle kanina.

"Now Eryn,choose you'll gonna accept my deal or not...Take it or leave it" yung totoo naglalaro ba ako ng 1 Million pesos para maging ganito ang choices?

Pero pag diko yun tinanggap,magbabayad na ako ng napaka-mahal na tuition fee at pag di ako makakabayad goodbye G.F.U na ako pero pag-tinanggap ko yun magiging okay na lahat maliban sa pagiging fake Girlfriend nitong bakulaw na'to..

"Your time is Ticking 5,4,3,2--"

"Oo na,magiging girlfriend mo na ako pero please ibalik mo na yung kinuha mo" pagkasabi ko nun ay ay ngumisi sya ng nakakaloko

-Sana tama pa yung tinatahak ko na direksyon-

-------------------------🌹------------------------
ABANGAN! UPNEXT CHAPTER 26

Meeting the Campus GangstersWhere stories live. Discover now