Chapter 40:They Found Out

27 5 0
                                    

Chapter 40:They Found Out

Tashana's POV

Tinatawagan na ngayon ni mama si Dave. Gusto ko sanang pigilan pero kailangan na rin magpaliwanag ni Dave.

(Dave, nak?)-mama

(Yes po tita? Nasa labas po ako saglit lang po pupunta lang po ako sa puno.)-Dave

(Nak tanong ko lang kung pakakasalan mo si Tasha?)-mama

(Opo.)-Dave

(Eh paano yung nabuntis mo?)-mama

Ilang minuto ang lumipas pero tahimik si Dave. Hindi nya magawang sumagot kaya kinabahan ako.

(Dave, malaki tiwala ko sayo. Ayokong masabihan ka nang hindi maganda. Pero gusto kong malinawan. Mahal mo si Tasha diba? Bakit ka nakabuntis ng iba?)-mama

(T-tita, s-sorry po. Hindi ko rin naman po ginusto. Akala ko po kasi nung nag-iinuman kami, si Tasha yung humahalik sa akin. Sobrang hilong hilo po kami kasi may hinalo po yata sa alak.)-Dave

(Naiintindihan ko. Dave, hindi naman ako galit. Pero... Ako yung... Ako yung nasasaktan para kay Tasha.)-mama

Kumirot ang puso ko nang mamaos ang boses ni mama. Ngayon ko lang ulit sya nakitang umiyak.

(Legal kayo. Payag kami sa kung anong meron kayo. Dave, hindi ko lang kasi matanggap na magkakaanak ka na sa iba.)-mama

(Sorry po. Mahal ko po si Tasha pero tita, maniwala po kayo hindi ko po talaga alam na ganun yung nangyari. *Dave, ang tagal naman ano ba yan?*)-Dave and Ashlyn

(Alam mo kung gaano ako kahigpit sa kanilang magkapatid diba? Sobrang galit yung binuhos ko nung nabuntis yung ate nya. Pero sa totoo lang, mas pipiliin kong.... Mabuntis si Tasha nang maaga kesa isipin na nakabuntis ka ng iba.)-mama

(Babalikan ko naman po si Tasha. *Halika na, ang init dito.* Teka lang Ashlyn, may kausap ako. *Wala akong pake. Akin na nga yan!*)

Naputol ang kabilang linya pero umiiyak pa rin si mama. Agad ko syang niyakap dahil ramdam ko yung sakit.

"Ma, tahan na po. Ayos pa naman ako." Gusto kong gumaan ang loob ni mama kahit papaano. "Nag-aalala ako kasi malaking responsibilidad yun. Hindi nya pwedeng iwan yung bata basta basta nalang." Sagot ni mama.

Hindi na ako nakasagot dahil napaisip nanaman ako. Paano kami magsasama eh talo nga pala ako dahil magkakaanak sila.

Biglang nagring ang cellphone ko at si Dave ang tumatawag sa messenger.

(Hello?)-ako

(Babe sorry kinuha kasi ni Ashlyn.)-sya

(Ayos lang.)-ako

(Anong sabi ni tita.)-sya

(Eh eto, umiiyak. Nag-aalala raw sya at baka raw hindi matuloy ang mga plano natin.)-ako

Isang buntong hininga ang narinig ko.

(B-babe.)-sya

(Bakit?)-ako

(Pwede mag-usap tayo mamaya? Sasamahan ko lang yung babae rito.)-sya

(Sige ingat.)-ako

"Bakit umiiyak yung mama mo?" Tanong ni papa pagbukas palang nya ng pinto. "P-pa."

Agad umakap si mama kay papa kaya mas nag-alala si papa. Tumingin sya sa akin na parang tinatanong kung bakit pedo nagkibit balilat lang ako.

10 Ways How to Make Him StayWhere stories live. Discover now