Chapter 35: I Know

25 4 0
                                    

Chapter 35: I Know

Dave's POV

4:00 A.M. at agad nagtext sa akin si Tasha ng "Good morning". Magkikita kami ngayon sa coffee shop dahil ngayon ako magpapaalam sa kanya. All these past months na na-sure kong aalis ako, I never had a courage na sabihin yun sa kanya. Mamaya ko rin aaminin yung about kay Ashlyn.

Napatingin lang ako sa kisame habang nag-aabang ng text mula kay Tasha. Maya-maya pa ay nagring ang cellphone ko. Akala ko si Tasha pero si papa pala.

(Bakit?)-ako

(Nakahanda na ba ang gamit mo?)-sya

Napabuntong hininga ako bago magsalita.

(Pwede bang sumama si Tasha sa paghahatid mamaya?)-ako

(Bakit?)-sya

(Hindi ko na kailangan ng approval nyo, basta isasama ko sya.)-ako

Agad kong in-end ang call at bumuntong hininga ulit. Agad nanamang nagring ang cellphone ko.

(Babe.)-sya

(Hello, babe! I miss you. See you later mamaya.)-ako

(....)-sya

Narinig ko ang mga hikbi nya kaya nag-alala ako. Ang sakit sa loob na iiwanan ko sya. Alam ko naman sa sarili kong babalikan ko sya, pero natatakot akong baka puro lungkot ang maramdaman nya kapag umalis ako. Gusto kong umatras sa usapan pero wala na akong magagawa. Pero bakit ba sya umiiyak? May problema ba syang di sinasabi sa akin?

(Babe.)-ako

(B-bakit?)-sya

(Maaga pa, matulog ka muna ulit.)-ako

(S-sige, babe. I love you.)-sya

(Tahan ka muna bago ka matulog ha? Ayokong matutulog kang mabigat ang loob.)-ako

(O-okay.)-sya

(Babe, tahan na. Bakit ka umiiyak?)-ako

(H-hindi ako umiiyak. Bakit naman ako--)-sya

(Tasha, kilala kita. Hindi mo ako maloloko sa ganyan. Gusto kong magkita tayo na hindi ka umiiyak. Wala ka namang dapat iyakan. Namimiss mo ba ako?)-ako

(Oo. Tsaka kasi...)-sya

(Ano?)-ako

(Wala.)-sya

(Isa! Ano yung dahilan? Bakit ka umiiyak? Nag-aalala ako sayo.)-ako

(Wala--)-sya

(Dalawa.)-ako

(Gusto kitang yakapin nang mahigpit.)-sya

(Oo, mamaya. Oh, wag ka nang iiyak. Matulog ka muna ulit, diba anemic ka? Huli tayong nagkita namumutla yung labi mo. Hindi naman na kita pinupuyat. Matulog ka na ha? Baka mamaya pag nagkita tayo mahilo ka.)-ako

(Sige. I love you so much.)-sya

(I love you too. Ay, babe, nakapag-enroll ka na?)-ako

(Oo. Ikaw?)-sya

(Bukas siguro kasi bukas palang opening ng enrollment.)-ako

(Ahh... Magkalayo pala kami ng building ni Nana.)-sya

(Alam mo, mas nag-aalala ako ngayon. Gusto kong lumipat mg course para mabantayan kita.)-ako

(Ayos lang ako. Kelangan maging independent.)-sya

10 Ways How to Make Him StayWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu