Chapter 30: He has a secret

33 4 1
                                    

Chapter 30:He has a secret

Dave's POV

(T-Tasha..)-ako

(Matutulog na ako. Sorry.)-sya

(Wait--)

Pinatay nya ang call at sinubukan ko syang tawagan ulit pero hindi nya sinasagot. Nag-aalala na ako. Dave bat ang tanga mo? Babaan mo yung pride mo minsan. Nagtext ako sa kanya.

To:Tasha

Babe, sorry sa kanina, ayokong nag-aaway tayo nang ganun.

Sorry kung nadala ako sa init ng ulo, ayoko talagang umiiyak ka palagi dahil sa akin.

Tasha, sana bukas kausapin mo ako, hindi pwedeng di tayo magkaayos.

Pero ano pala yung sinasabi mong di ako magi-stay? Wala ka bang tiwala sa akin?

Alam ko sa sarili kong di ako magi-stay pero bakit ganun? Ang sakit nung sya mismo nagsabi?

"Dave, dis oras na nang gabi nakabusangot ka pa rin?" Sabi ni Earl na kasalukuyang papunta sa pinto ng kwarto nya. Hindi ako kumibo at pinagmasdan ko lang syang lumabas upang isarado ang mga bintana.

"G-Grey.. " Umayos ng higa si Grey na kasalukuyang nakatalikod sa akin. "Bakit?"

"Sa tingin mo may nangyari sa amin?" Tanong ko sa kanya.

"I can't say na may nangyari talaga. Una, maraming tao dun, babawalin nila. Pangalawa, si Nico ang kasama natin, at hindi nya rin naman hahayaang may mangyari sa inyo." Sagot nya at tumalikod agad.

Bigla syang napaharap sa akin. "Why?" Tanong ko agad. "Pero diba.. Gusto ng papa mo na ipakasal ka kay Ashlyn?"

Napabuntong hininga ako nang marealize yun. Paano kung may nangyari nga? Ano nalang sasabihin ni mama, ni Tasha ni tito at tita? "Kahit anong mangyari nandito kami. Walang may kasalanan sa nangyari. Siguro ang mali lang natin, alam nating light drink lang ang inorder pero hindi natin nahalata na malakas na yung tama."

Napalingon kami sa pinto nang pumasok si Earl. "Matulog na kayo." Sabi nya.

"Ang bilin ko lang sa inyo, bawasan nyo yung pag-inom kung ayaw nyong masira pa yung relasyon nyo sa mga gf nyo." Sabi ko sa kanila at pumunta sa upuan.

"Bakit nandyan ka?" Tanong ni Earl. "Dito ako matutulog." Sagot ko. Bumuntong hininga lang sya at nahiga na.

Tashana's POV

(Oh?)-sya

(Nana, may tanong ako.)-ako

(Ano?)-sya

(May unusual ba kay Grey after nung huling inuman nila?)-ako

(Wala naman. Pinagalitan ko lang at nalasing nang sobra. Tapos first time daw nyang malasing nang ganun.)-sya

(Ahhh.)-ako

(Bakit?)-sya

(Wala naman.)-ako

(Si Dave? Bakit? Tahimik kagabi noh?)-sya

(Oo. Tapos parang malungkot. Nag-away kami kagabi.)-ako

(Eh bakit? Tinanong mo na ba?)-sya

(Kapag may problema sya sa pamilya, nag-oopen pa ba sa akin yun? Eh halos araw-araw umiiyak ako.)-ako

(Pero tanungin mo pa rin.)-sya

(Oo. Salamat.)-ako

Tinawagan ko si tita para magpaalam.

10 Ways How to Make Him StayWhere stories live. Discover now