Chapter 38: The struggles

26 4 0
                                    

Chapter 38: The struggles

Dave's POV

Kagigising ko palang at may bungad agad si Tasha sa akin. Siguro bago sya matulog tsaka lang sya nagchat ng good morning dahil hindi sabay ang oras. Naligo at nagbihis lang ako bago bumaba. Inayos ko na rin ang gamit ko para kakain nalang ako bago umalis.

Naabutan ko si Ashlyn sa banyo. Hanggang ngayon may morning sickness sya at palagi syang nagsusungit. Naiinis ako sa totoo lang pero ayoko nalang magreklamo. Si Nico lang ang kakampi ko rito at wala rin naman syang magawa.

"Dave? Anong ginagawa mo dyan? Halika rito, samahan mo ako." Tumayo sya mula sa bowl at pinuntahan ako. Hinila nya ako papunta sa loob at pinagmasdan ko lang sya. "Wala ka bang gagawin? Hindi mo man lang hahaplusin yung likod ko?" Inis na tanong nya. Hindi ko sya pinansin at nakatingin lang ako sa kanya. Tama naman si Earl, hindi ko sya responsibilidad at yung bata lang ang pinunta ko rito.

"Pwede bang bilisan mo? May pasok pa ako." Sa sobrang inis ko ay lumabas na ako at kumain muna. Hindi ko pa rin magets bakit ni hindi man lang ako makatikim ng kanin. Bakit puro oats and cereals ang kinakain namin?

"Damihan mo nalang yung meryenda mamaya. Bili kang pasta or pizza." Nakakunot ang noo ko habang naglalagay ng gatas sa oats. "Kanin ang kailangan ko hindi pasta."

"Hayaan mo na, Dave. Si Ashlyn lang yung kasama naming babae. Hindi rin naman sya marunong sa gawaing bahay. No choice kami kundi mag oats and cereals nalang. Kung alam mo lang, Dave, ako rin tagaluto rito at ka---"

"Enough! Hindi ko na kailangan ng kwento mo. Like what I've said, kanin ang kailangan ko at hindi yung mga ganyan."

"Oo, Dave, naiintindihan kita. Ang sa akin lang, masasanay ka rin." Hindi ko alam bakit ganito magsalita si Nico. Ok siguro nga nasanay sya pero bakit hindi nya magets yung point ko. Hinahanap ng tyan ko yung kanin at hindi ang kahit anong pagkain.

"Dave! Bakit mo ako iniwan? Sabi ko alalayan mo ako---"

"Ashlyn, halika." Hinawakan ko sya sa braso at hinila papunta sa pinto ng guest's room. "Dave.." Napangiti sya habang nakatitig sa akin.

"Lilinawin ko lang sayo, Ashlyn. Maiintindihan ko yung cravings mo, pero yung pagdedemand na samahan kita sa lahat, hindi. Tandaan mo, yung bata lang ang responsibilidad ko, pero hindi ang pag-intindi sayo. Hindi kita gf in the first place kaya wag kang mag-inarte." Tinalikuran ko sya pero napatigil ako sa sinabi nya. "Edi sana naisip mo yan bago mo ako hinalikan." Mas lalo akong nainis kaya agad kong kinuha ang bag ko at padabog na isinara ang pinto.

Naglakad nalang ako papasok tutal nakakabanas lang din naman. Hinalikan? Pagkakaalam ko sya ang unang humalik at hindi lang ako nakaiwas. Ni hindi ko nga alam na nagalaw ko sya.

Hindi maganda ang first week ko sa pagpasok. Nalate ako dahil hindi ko alam ang room. Hindi ako makapagtanong sa mga kaklase ko dahil hindi ko naman sila kakilala. Even the professors are strict na hindi ko kabisado ang ugali. Plus, nasa America ako at wala sa Pinas. I don't want to show my bad side here.

"Good morning!" Bati sa akin ng classmate ko habang nilalabas ang notebook. "Guess, what I have." Sabi pa nya.

"What?"

"Look at this." Binuklat nya ang notebook at pinakita ang mga nakadrawing na buildings and bridges. "My cousin made it because he's an architect and I'm planning this as a..." Nilabas nya ang miniature model ng nadrawing sa notebook.

"Woah! Dude, it's cool. How did you made it?" It's actually cool coz at a young age nakagawa sya ng miniature model ng gawa ng architect. "It took 3 months because I'm a beginner." Patuloy kong pinagmamasdan ang model ng bahay. Kitang kita ang detalyadong bedrooms, kitchen, even yung pantay na pantay na edges.

10 Ways How to Make Him StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon