Chapter 41:Should I give up?

37 5 0
                                    

Chapter 41:Should I give up?

Tashana's POV

(K-kailangan kita.)-sya

(B-bakit?)-ako

(Hindi ko na kaya.)-sya

Napatayo ako mula sa kinauupuan ko at tumayo rin si Winzie. "Bakit?" Nag-aalala nyang tanong. "Si Nana. Hindi ko alam kinakabahan ako." Sagot ko.

"Puntahan mo na muna. Hindi pa ako makakasama ngayon sorry. Pero puntahan mo na bilis." Dali-dali akong lumabas mula sa bahay nila at nilakad hanggang sa kanto. 5 kanto lang ang pagitan kaya ko namang lakarin ko.

Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang makarating ako sa kanto namin. Mas lalo akong kinakabahan habang papalapit ako. Sa pagkakaalam ko duty ng mama nya ngayon at wala syang kasama. Napa-sign of the cross ako habang naglalakad.

"Nana." Tawag ko mula sa gate nila habang kumakatok. Mabilis naman syang lumabas habang umiiyak.

Pagbukas palang ng gate at niyakap nya agad ako. "Bakit?" Nag-aalala kong tanong. "Bakit ba kasi ang bobo ko?" Niyakap ko naman sya ng mahigpit. Ayoko sa lahat yung dinadown nila yung sarili nila.

"Shh..." Mas niyakap ko pa sya at inalalayan papasok.

"Bakir? Anong nangyari?" Tanong ko. "Mangangalahati palang yung sem pero hirap na ako. Alam mo ba.. N-nung first week ang dami agad ginawa... T-tapos lahat sila... Lahat sila ang gagaling. Palagi akong kinakausap ng prof namin. B-bakit ganyan? Bakit palaging mababa? Hindi nalang ako kumibo. Ang sakit din kasi, kahit alam ko sa sarili kong hindi ako magaling. Pero yung mapag-iwanan, nakakahiya sobra. Noon tanggap ko eh, tanggap ko kasi nagpabaya ako. Pero ngayon, pinagbubutihan ko." Napaiyak sya lalo nang makita ang mga marka nya sa quizzes. Halos lahat ay 20/100. Masyadong mababa at nakita ko ang hiniram nyang quiz ng kaklase nya, 55/100.

"Na, ganito, kunyari nahihirapan ka sa isang subj, tapos titignan ko kung kaya ko, tuturuan kita. Tapos kunyari ako may project eh diba mabagal ako gumawa ng project? Patulong gumawa. O kaya naman tuwing mag-eexam, tayong apat nila Grey at Winzie, magtulungan." Sabi ko habang kumukuha ng tubig na ipapaninom sa kanya. Mukhang kanina pa talaga sya umiiyak.

"Tawagan natin si Grey?" Tanong ko at napailing naman agad sya. Mabilis ang bawat paglagok nya sa iniinom na tubig. "Bakit?" Tanong ko. "Nakakatakot, nakakahiya. Hindi nya alam yung tungkol dito pero ayokong sabihin. Matalino si Grey eh, baka iwanan ako kapag nalamang bagsak ako palagi." Sagot nya.

"Eh si tita alam ba?" Tanong ko. "Hindi. Pero sabi naman nya, kahit daw hindi mataas. Kahit daw pasang awa lang kasi ganun daw talaga sa college. Kaso nakakahiya, bagsak talaga eh." Sagot nya kaya hinawakan ko sya sa kamay. "Makinig ka, walang ibang hiling ang mga magulang kundi makatapos ang mga anak nila. Kasi ako, mababa rin grades ko. 70 items 30 lang ako, major subject pa yun. Pero atleast alam ko sa sarili kong natututo ako." Sabi ko sa kanya.

Uminom ulit sya ng tubig at medyo kumakalma naman na kahit papaano. "Baka naman napepressure ka lang kasi nandun si Cheska at Makkie." Napaiwas naman sya ng tingin kaya alam kong yun nga. "Alam mo ba may napanood ako. Sabi ng isa pari, hindi ka magiging masaya hanggat lagi mong itutulad ang sarili mo sa iba." Nakatingin lang sya sa akin na parang nagtataka. I think she's wondering what I'm saying.

"Sabi kasi nya lahat tayo ay unique. Tapos example nya is yung ibong nasa hawla. Kahit masaya ang ibang tao na nakikita yun, yung ibon hindi masaya, kasi dapat lumilipad sya, hindi sya dapat nakakulong. Ganun din sa tao, hindi tayo sasayang totoo kung isinisiksik natin yung sarili natin sa bagay na hindi talaga nababagay sa atin."

"You mean, hindi bagay yung course--"

"Hindi sa ganun. What I mean is, kung magaling sila sa Academics, baka ikaw magaling ka sa specific subject na magagamit mo sa ibang bagay. Sila, sure na cum laude or what. Pero sure ako, malayo mararating mo sa buhay. Kasi, hindi ka pansinin ng teachers noon, pero the way you treat people, pwede kang maging ESP teacher." Napataas naman ang isa nyang kilay na parang sinasabing "nagbibiro ka ba?"

10 Ways How to Make Him StayWhere stories live. Discover now