Chapter 46: Fights

37 5 0
                                    

Chapter 46: Fights

Dave's POV

Nakabalik na ako sa America at as usual balik nanaman sa mala-impyernong lugar. Ilang buwan nalang naman ang titiisin ko at makaka-graduate na ako.

"Yana!" Tawag ko sa anak ko pagpasok ko palang sa pinto ng bahay. Kauuwi ko lang galing sa school at dumaan ako sa tindahan para bumili ng pagkain. "Daddy!" Sinalubong nya ako ng yakap at nakasunod si Ashlyn na mukhang kagigising lang. Napatingin ako sa wall clock namin, 5:03.

"Si Ate Bea?" Tanong ko. "Nandito ako, Dave." Sagot nya mula sa kusina. Naaamoy ko ang niluluto nya kaya pumasok na ako nang tuluyan sa loob.

"Wag mong sabihing maghapon kang tulog." Pagbagling ko ng atensyon kay Ashlyn. "Oo, maghapon nga."

"Hindi ka pumasok?" Tanong ko. "No. Umabsent ako para magpahinga." Sagot nya kaya napakuyom ang mga kamay ko. Nagdesisyon nalang akong pumasok sa kwarto at nagcellphone muna.

Tumatawag si mama kaya sinagot ko naman yun agad.

(Ma?)-ako

(Nak, hindi ka kasi nagchat kahapon kung nakauwi ka. Hindi ko alam anong oras ka nakauwi.)-sya

(Ma, sorry. Pagod kasi ako sa byahe.)-ako

(Sige, pahinga ka ulit. Kinumusta ko lang.)-sya

(Sige po.)-ako

Nagbibihis ako habang nanonood ng mga videos sa Facebook nang magchat si Benjie.

Dude.-sya

Yo!-ako

Can I borrow your notes tomorrow?-sya

Sure.-ako

Thanks!-sya

Welcome, dude.-ako

Nang matapos akong magbihis ay nahiga ulit ako. Kulang ang pahinga ko kahapon kaya susulitin ko na ngayon. Alam kong kulang na kulang ng oras ko kay Yana pero kailangan ko rin bigyan ng oras ang sarili ko at si Tasha.

"Daddy!" Pumasok si Yana sa kwarto ko at lumapit sa akin. Nagcecellphone lang sya sa tabi ko kaya nagcellphone na rin ako.

Bigla namang tumawag si Tasha kaya sinagot ko rin yun agad.

(Babe?)-ako

(Babe, kumusta?)-sya

"Daddy, why are you talking to her?" Tanong ni Yana.

(Tasha, wait lang ah.)-ako
Nakalagay ang cellphone sa harap namin kaya nakikita ni Tasha ang ginagawa namin ni Yana.

"Why? Bawal ba?" Tanong ko kay Yana. "Mommy told me na kabit mo yung girl na yan!" Sabi ni Yana at medyo tumaas na ang boses habang dinuduro si Tasha.

"Yana, hindi maganda yan." Pagsaway ko sa kanya at binaba ang kamay. "No, daddy! That girl is a pest!" Nagugulat ako sa lumalabas sa bibig ni Yana. Anong tinuturo ni Ashlyn sa bata na to?

(Babe, sorry. I'll call you later ha?)-ako
Hindi ko na nahintay ang sagot nya at agad ko nalang pinatay ang call.

Dali-dali akong bumaba at nakasunod si Yana sa akin. Nasa sofa si Ashlyn at nakahiga habang nagcecellphone.

"Ashlyn!" Sigaw ko kaya agad syang napaupo. "Miss me?" Tanong nya.

"Hindi! At hinding-hindi mangyayari yun!" Pasigaw kong sagot. "Bakit?"

"Anong tinuturo mo kay Yana? Ang bata bata pa hindi na maganda yung lumalabas sa bibig. Pest? Kabit? Yun ba yung tinuturo mo para ganun ang maging tingin nya kay Tasha? Ashlyn, baka nakakalimutan mo kung hindi dahil kay Tasha hindi mabubuhay nang maayos si Yana nung sanggol palang." Humihingal ako pagkatapos kong magsalita.

10 Ways How to Make Him StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon